Emily's POV
Hindi ko alam anong plano ni Vince for today kaya hanggang ngayon ay hindi pa rin kami lumalabas ng condo.
"Babe!" tawag niya.
"Oh?" Napalingon ako sa kaniya dahil abala ako sa aking cellphone.
"May meet and greet tayo, virtually mamaya kasama mga readers natin," saad niya.
"Okay. Teka lang... Bakit bigla ka 'atang nag-facilitate ng meet and greet? Approved na ba 'yan ng management?" sagot ko.
"Oo. Napa-approve ko na kay Miss Nica," sagot niya.
"Sana all kasali sa meet and greet!" saad ni Sandra.
"Hindi mo na kailangan sumali roon. Nandito na kami sa harap mo," sagot ko.
"Swerte talaga namin eh! May VIP passes!" sagot naman ni Lean.
"Anong gusto ni'yo?" saad ni Vince.
"Order ka naman ng Japanese food!" sagot ni Zoe.
"Sige," sagot ni Vince.
"Babe, sa kwarto muna ko. Magsisimula na ako mag-outline ng new book ko," paalam ko.
"Sulat na naman? Anniversary ni'yo ngayon!" sagot ni Sandra.
"Ganito kami mag-date, Sands. Sabay kami nagsusulat," sagot ko.
"Date? Iba talaga kayong dalawa," sagot niya.
"We're not the typical couples you see outside," sagot ko.
"Ang sweet ni'yo naman," sagot ni Zoe.
"They're doing their passion together... Sana all!" saad ni Lean.
"Turuan mo kasi magsayaw si Eros. Malay mo magbago tingin nila Liam sa kaniya," sagot ni Vince.
"Akala ko ba magsusulat kayong dalawa?" sagot ni Lean.
"Oo nga! Tara na, Babe!" sagot ni Vince.
"Kuhanin mo na 'yong laptop mo roon," sagot ko at pumasok na sa kwarto ko.
Binuksan ko ang isang bag ko na punong-puno ng mga ginagamit ko sa pagsusulat. Nilabas ko na ang laptop ko at umupo na sa study table ko. Nandito pa ang mga reviewer na ginagamit ko noon kapag may upcoming recitation at mga ibang case study no'ng college. This room brings us back to our college days. Nandito pa ang mga ginagamit naming flashcards noon sa biochemistry class at ang mga sample ng nursing care plan ko. It takes me back to the memories of our serious talks while doing our school works.
*Flashback*
"Babe, tapos ka na sa nursing care plan mo?" tanong ko.
"Kailangan pa ba 'yon? Kailan ba pasahan no'n?" sagot niya.
"Syempre naman! Ninety percent 'ata ng grade natin doon kinukuha. Balita ko next week na. Alam mo namang inaabot tayo ng siyam-siyam doon eh!"
"Babe, magsulat na lang kaya tayo? Tinatamad na talaga ko mag-aral..."
"Tinatamad ka na pala eh. Edi magpa-drop out ka na," sagot ko.
"Sige na nga. Gawin na natin 'yang bwsit na nursing care plan. Sagabal sa bebe time!" sagot niya.
"Saka ka na mangarap ng bebe time. Ngayon mag-aral muna tayo," sagot ko.
Nagsimula na kaming gawin ang gawain namin sa school. Alam ko namang gusto niya lang ng oras namin para sa isa't isa dahil nitong mga nakaraan ay sa bahay na lang din kami nagkikita.
BINABASA MO ANG
You're Still The One (COMPLETED)
Romance"I'm finally free. I will win her back, no matter what. I will! Hindi ko siya susukuan. Maayos na ako ngayon at maipaglalaban ko na siya sa mundo." -Ken Pietro Lizardo "He want's me back but I'm afraid. I'm afraid to risk again. I don't wanna get hu...