Emily's POV
It's been 3 years and we're now finally at our final year in nursing. Puro duties na ang ginagawa namin at hindi paper works ng school. Tinuruan na kami gumamit ng tama ng sphymonameter at maglagay ng IV. Nakakatakot sa una pero nung nasanay ako nawala na yung kaba at panginginig ng kamay. Most of the time natatapat ako na mag-IV sa mga bata. Mahirap hanapin yung ugat nila lalo't bata pa pero madali naman malagyan as long as hindi sila magulo. "Huy babae, nagempake ka na ba?" Tanong ni Vince. Hindi ko alam na nakapasok na pala sa kwarto ko ang mokong na 'to. Iba na ang interior ng kwarto ko. Tinanggal ko na yung ibang posters ng iKON inuwi ko na sa Pilipinas nung huling umuwi ako dahil mas gusto kong magkaroon ng chill vibes ang kwarto ko. "Syempre hindi pa. Palagi kaya kong natatapat sa night shift." Sagot ko. Swerte kasi ng lalaki na 'to laging morning shift. "Cheer up babe!" Sagot niya. Tumayo na ako sa desk ko at binuksan na ang closet ko tsaka nilabas ang maleta ko na wala pang kalaman-laman dahil palagi akong pagod galing shift. "Tulungan na kita." Saad niya. "Oo talaga tulungan mo ko." Sagot ko dahil tinulungan ko din siyang magtupi ng damit niya. Sa isang linggo na kasi flight namin papuntang Pinas. Magbabakasyon lang kami saglit at babalik din dito dahil may isang buwan pa kami para sa school year. I already informed Tita Mina that I will take the OJT from the Philippines kasi masyado na akong matagal dito and nami-miss ko na din sila Mommy. Pero after OJT babalik ako dito para magtrabaho. Habang nagtutupi kami ni Vince ng damit ay sumagi sa isipan ko ang publishing house na nagmessage sa amin. "Babe, what are your plans when we come back?" I asked. "Well, I want to publish my book as soon as we're back." He answered. "Me too but is it possible for a month? Kasi diba editing, printing, tapos may mga book signing pa. Sige nga in one month na bakasyon natin sa Pilipinas magagawa mo yan?" Sagot ko. "I mean when we comeback after grad." Sagot niya. "I wanna watch sunset in Tagaytay again. I really miss it." Sagot ko at nagpatuloy sa pagtutupi. "Tagaytay is our first destination, then." Sagot niya. Natapos kami magimpake ng takipsilim na. Wala na dito sa Singapore si Ate Gab dahil nagpalipat na siya sa Pilipinas. Gusto niya na din makasama si May kaya okay lang. "It's already dinner time. Sino magluluto?" Tanong niya. "Ako na lang. Schedule ko ngayon eh." Sagot ko. Palaging ganon one week for me and one week for him. Lumipat na siya dito sa condo ko dahil wala na daw si Ate Gab para samahan ako. Siya na ngayon ang natutulog sa kwarto ni Ate Gab.Lumabas na ako ng kwarto ko at nagsimula nang magluto. Nagsasaing pa rin naman ako dahil gusto ko ng kanin ngayon. Minsan kasi pasta yung kinakain namin for dinner. "Babe! Nagsaing ka?" Tanong ni Vince na kalalabas lang ng kwarto. "Oo. Ikaw nga dapat kaso tinulungan mo ko kaya ako na nagsaing." Sagot ko. Nagpatuloy ako sa pagluluto. Ng matapos akong magluto ay naghain na ko. Kasalukuyang nasa sala si Babe. Hinayaan ko na lang siya dun. Pagkatapos kong maghain ay tinawag ko na siya. Siya ang naglagay ng pagkain ko sa plato ko. Nagsimula na kaming kumain ng tumunog ang cellphone niya. "Wait babe, sagutin ko lang 'to." Paalam niya. "Okay." Sagot ko at nagpatuloy na lang sa pagkain. Ilang saglit lang ay bumalik na siya. "Oh bilis naman." Saad ko. "Si Celeste lang yun. Nagpapasama sa mall." Sagot niya. Napairap na lang ako. Sa 3 years naming relasyon ni Vince hindi nawala ang kalandian ng higad na yun. "Sasamahan mo naman?" Malamig kong sagot. "Hindi. No! Why would I? Ano siya girlfriend ko? Isa lang naman girlfriend ko eh." Sagot niya. "Sure ka?" Masungit kong sagot. Lumamig naman ang tingin niya sa akin. "Oo naman." Sagot niya. "That's good to know. Baka kasi may iba pa. Baka operahan ko siya ng walang anesthetics at sa kalsada para siguradong di na siya gigising the next day." Sagot ko. "Chill Babe. Sayo lang ako. Alam mo naman yan." Sagot niya. Umirap lang ako at nagpatuloy na sa pagkain. Pagkatapos namin kumain ay nag-urong na si Vince ako naman ay inayos na ang sala para makapanood kami ng Netflix. Pagkatapos ko ayusin ang sala ay inayos ko naman ang mga snacks na kakainin namin. "Sipag ni Babe ah. Anong nakain natin?" Saad niya. "Parehas lang tayo ng kinain. Sadyang tamad ka lang." Sagot ko. Pagkatapos kong ayusin ang snackd ay bumalik na ako sa sala dala ang mga ito. Finally, makakapagpahinga na ako. Sumunod na sa akin si Vince at naupo na din sa tabi ko. Hindi pa nagiinit ang pang-upo ko sa sofa ay tumunog ang cellphone ko sa gilid. Tiningnan ko kung sino ang tumatawag at nakita kong si Louise ito. Sinagot ko na lang. "Hello, Louise. Day-off ko ngayon. Bakit?" Saad ko. "Eh Ems pasensya ka na. Yung isang pasyente mo kasi na bata hinahanap ka. Si Chelsea. Na-IV out siya kasi ayaw niya uminom ng gamot kung hindi ikaw magpapainom." Sagot niya. "Oh sige. Magbibihis lang ako tapos magpapahatid ako kay Vince diyan sa hospital." Sagot ko. "Salamat, Ems." Sagot niya at binaba ang tawag. Nagmamadali akong tumayo. "Oh hindi pa tapos yung palabas matutulog ka na?" Saad niya. "Magbibihis ako. Yung isang pasyente ko sa children's ward na-IV out." Sagot ko at mabilis na pumasok sa kwarto ko. Nagpalit ako ng pantalon at shirt ng school para malaman nilang student nurse ako ng hospital. Lumabas na ako at nakita ko si Vince na nakabihis na din. "Tara na." Sagot ko at lumabas na ng condo. Pagdating namin ng hospital ay dumiretso agad ako sa children's ward. Dun ko naabutan si Louise at ang nanay ni Chelsea na umiiyak. Agad akong lumapit kay Chelsea na nagwawala pa din. "No! I want Nurse Emily! No!" Sigaw ng bata. Nakita kong dumudugo ang likod ng palad niya. Pinaalis ko muna ang mga nurse na umaawat sa kanya. "Chelsea, why are you throwing tanrtrums?" Malambing kong tanong sa kanya. Hinawakan ko ang kanang kamay niya na dumudugo. "Look oh. The back of your palm is bleeding. Do you want your mommy to be worried?" Tanong ko. Tiningnan niya naman ako na parang iiyak. "Sorry, Nurse Emily. I wanna go out here." Sagot niya. "You need to be better so that you can go out here. Don't throw tantrums to other nurses huh? They are also good like me. I'll put back your IV huh? So that you can be better so that you can play again." Sagot ko. "Okay, Nurse Emily." Sagot niya. Pumunta ako sa cart ng bulak at sinulid na dala ng isang nurse kanina at kumuha ng karayom na maliit para maibalik ang swero niya. Pagkatapos ko siyang sweruhan muli ay pinainom ko na ang mga gamot na pinaiinom ng mga nurse sa kanya kanina. "Very good. I'll go home now huh?" Saad ko. "Yes Nurse Emily. I'll be good so that I can play and go to school again." Sagot niya. "Don't make your mother worried again." Sagot ko. Ng makatulog siya ay lumabas na ako ng children's ward. Dun ko naabutan sina Louise, Vince at yung mommy ni Chelsea. Agad namang hinawakan ng nanay ni Chelsea ang kamay ko. "Thank you, thank you so much I'm so worried earlier." Saad ng nanay ni Chelsea. "It's nothing Ma'am. She's also my patient so it's ny responsibility to take care of her." Sagot ko. "Thank you. Sorry for the inconvenience." Sagot niya. "It's okay, Ma'am. I got to go now. My boyfriend is waiting for me." Sagot ko. "Yeah you can go. Thank you so much." Sagot niya. Yumuko lang ako para maipakita ang pasasalamat at umalis na. Nakita kong nakikipag-usap si Vince at Louise sa mga nurse nasa desk. Lumapit ako sa kanila. "Oh here she is. Anong agimat meron ka at napakalma mo yung bata?" Tanong ni Ate Lyn isang regular nurse ng hospital. "Wala po. Kinausap ko lang ng masinsinan." Sagot ko. "Talaga lang Ems? Hindi ka niya sinigawan?" Sagot ni Louise. "Hindi." Sagot ko. "Ay bigyan mo nga kami ng agimat na yan." Sagot niya. Napatawa na lang ako. Malaki ang pinagbago ng babae na 'to. Hindi na siya nerd katulad ng unang pagkikita namin. Mas maayos na siya at wala na ang makapal niyang salamin. "We got to go guys. Gabi na eh. Nanunuod kasi kami ng movie earlier. Baka naman pwedeng umalis na kami." Saad ni Vince. "Yeah lumayas na kayo. Wag na din kayo bumalik dito kasi allergic sa mga may jowa ang nurses dito." Sagot ni Louise. "Wow grabe naman sa allergic." Sagot ko. Hinawakan na ni Vince ang kamay ko. "Layas na kami ah. Don't worry babalik pa kami para lalong lumala yung allergy niyo." Sagot ni Vince. "Tara na. Dumaan muna tayo milktea store. Lumabas na din naman tayo eh." Sagot ko. Umalis na kami ng hospital pagkatapos at bumili ng milktea. Pagdating namin sa condo ay nagbihis lang kami at ngabalikk sa panunuod.
BINABASA MO ANG
You're Still The One (COMPLETED)
Romance"I'm finally free. I will win her back, no matter what. I will! Hindi ko siya susukuan. Maayos na ako ngayon at maipaglalaban ko na siya sa mundo." -Ken Pietro Lizardo "He want's me back but I'm afraid. I'm afraid to risk again. I don't wanna get hu...