Kabanata Dalawampu't Anim

109 10 7
                                    

“Missy…” lumapit sa akin si Venn at balak sana akong halikan sa labi pero nilihis ko ang mukha ko kaya sa pisngi lang tumama ang halik niya,

“Maupo na tayo,” sabi ko sa walang kagana-ganang tono,

“Ano bang nangyari? Bakit ganoon ang message mo sa akin kanina?” kanina nang makita niya ako ang ganda pa ng ngiti niya, pero siguro napansin niya na iba ang timpla ko ngayon, kaya sumeryoso na siya. Kumbaga kong dati chocolate ako, ngayon kape ako. PURONG KAPE!

MAPAIT … WALANG SWEETNESS

“Maghiwalay na tayong dalawa,” sabi ko, pero hindi ako nakatingin sa mga mata niya.

Masakit ito para sa akin, pero gusto kong mapag-isa muna, gusto kong magpaimbestiga tungkol sa totoong buhay ko, gusto ko malaman lahat tungkol sa pagkatao ko, nang AKO lang.

Ayoko na ulit makarinig ng masasakit na salita, gusto kong malaman ang lahat, gusto kong humingi ng tawad sa akin ang mama ni Venn sa mga sinabi niya sa akin kanina.

“Joke na naman ba ito?” si Venn, hindi ko makita ang hitsura niya, ayaw ko nga kasing tingnan siya. Baka hindi ko makayang hiwalayan siya.

“Hindi ito joke, I’m serious here!” hindi ko na mapigilang magtaas ng boses, nagagalit ako. Nagagalit ako kasi hindi ko napagtanggol ang sarili ko kanina, wala kasi akong ebidensiya na malinis na babae ako. Gusto ko yong mapatunayan.

“What’s your reason?” binabaan niya na ang tono ng boses niya, siguro alam niyang walang mangyayari kung sasabayan niya ang galit ko.

“Gusto ko hanapin ang sarili ko,” para maiba lang, ayoko ng gasgas na lines na “I want some space” atleast yong sinabi ko, hindi masyadong gamit,

“Pwede naman kitang tulungang hanapin ang sarili mo eh,” hinawakan na ni Venn ang kamay ko.

 Please Venn wag kang ganyan, baka magbago ang isip ko, “Gusto kong mapag-isa, gusto ko kapag kinasal tayo, alam ko na ang buong pagkatao ko.”

“Bakit bigla mo tong naisip? Okay pa naman tayo kahapon…” bumuntong-hininga siya “Kanina magkatext pa tayo sinabi mo magkikita kayo ni Mommy, ano ba talagang nangyari?”

“Basta, respetuhin mo na lang sana ang desisyon ko,” tumayo na ako at umalis na ako doon.

Gusto ko pigilan ako ni Venn,

Gusto ko habulin niya ako at yakapin ng mahigpit at sabihing hindi siya pumapayag na makipaghiwalay ako.

Gusto kong pilitin niya akong paaminin kung ano ba iyong napag-usapan namin ng mama niya, pero…

NABIGO AKO…

Walang Venn na sumunod sa akin.

TAMA LANG NAMAN YONG DESISYON KO DIBA?

***********************************************

alam ko naiinis kayo :))

pero itto ang way ko ng pagsasabi na malapit ng matapos ang MISSY :)

hindi ko na kayo masyadong patatawanin para kapag nawala na si MIssy ay hindi masyadong masakit sa dibdib niyo (ano Boyfriend lang?) HAHAHAHAHAHA :D

MIJUSHA : MiSSY GLANCE BLACHE *fin*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon