Kabanata Dalawampu't-Pito

132 9 3
                                    

kyaaah ! sorry if mukhang wala sa hulog ang update na ito. Alam niyo naman na kapag si Venn ang POV ay hirap na hirap ako xDD -- Well, katulad nga ng nasabi ko sa ibang readers, LESS TAWA na ito dahil malapit na siyang matapos.

*********************************

Nakipaghiwalay siya sa akin, tapos hindi pa malinaw kung ano talaga ang dahilan niya, maayos ang relasyon naming dalawa, hindi namin hinahayaang tumagal ang tampuhan namin, kaya nga kapag magkasama kami ay puro na lang kami lambingan.

Tapos ganito na lang ngayon?

Gustong-gusto ko siyang pigilan kanina habang palabas siya ng restaurant, pero anong mangyayari kapag pinigilan ko siya?

Makakalikha lang kami ng atensyon sa paligid, ayoko namang mapahiya siya. At alam ko naman na hindi siya magpapapigil kaya what’s the use of stopping her.

Tumayo na ako pagkatapos kong ubusin ang in-order naming dalawa, buti na lang pineapple juice lang at iced tea ang naisipan naming order-in. Hindi naman sa sobrang kuripot ko ah, pero ayoko lang na nagsasayang ng foods, or drinks o kahit na ano pa yan basta pinapasok sa bibig. Businessman ako, at alam kong kapag maaksya ka sa pera, hindi ka uunlad.

Wala ako sa sarili, at kapag ganitong stress ako ay umuuwi ako sa bahay namin—yon ang dahilan bakit nalaman ni Mom na tumaba ako nung nagkita kami. Pumunta kasi ako dati sa bahay nong stress ako dahil hindi ko makita si Missy. At ngayon para akong bata na pupunta kay Mommy, mas gusto ko lang ang ambiance sa bahay.

Nang makarating ako sa bahay ay sinabi ng katulong na wala si Mom, lumabas daw kanina pa. So, simula ng nagkita sila ni Missy hindi pa siya nakakauwi?

Pumunta pa naman ako dito para sa kanya magtanong, nakakpagtaka lang dahil alam kong gustong-gusto ni Mom si Missy, hndi naman siguro si Mommy ang dahilan ng biglang pakikipaghiwalay niya sa akin.

Sumasakit ang ulo ko, niluwagan ko ang tie ko at humiga sa kama, pero si Missy pa rin ang naiisip ko, hindi ko kayang wala siya sa buhay ko.

“Aish!” bumangon na ako at pumasok na lang ako sa banyo, baka sakaling mag-iba ang mood ko kapag naligo na ako.

Pagkatapos ko maligo ay nakita ko si Mommy na nakaupo sa kama at tinitingnan ang picture namin ni Janna—siya ang naglagay noon don, kaya nga kahit wala akong girlfriend ay parang meron.

“Hijo, ngayon ko lang natitigang mabuti ang picture ni Janna, you look goo together pala,”

Humalik ako sa pisngi ni Mom. “Mom, alam mong may girlfriend ako at masaya ako sa kanya,”

Tumingin siya sa akin ng may pagtataka. “So, that girl didn’t broke up with you?”

At sa sinabi ni Mommy ay naging malinaw sa akin na siya nga ang dahilan, agad nawala ang ngiti ko. “Ikaw ang dahilan bakit nakipaghiwalay sa akin si Missy?” tumango lang siya, parang ni ayaw niyang mag-aksaya ng laway. “Why did you do that? Alam mong masaya kami ni Missy, and I thought for so long that you like her.”

“Akala ko din gusto ko siya, pero simula ng malaman ko ang tungkol sa pagkatao niya, doon ko siya sinimulang ayawan,” kinuha ni Mom ang envelope na nasa kama, hindi ko napansin yon kanina. “Read this, this is the result of Janna had investigated.” Yon lang at lumabas na siya ng pinto.

Agad kong binuksan ang envelope at binasa. Aaminin ko, may ilang impormasyon doon tungkol kay Missy na hindi ko alam. Kung ako ang nasa posisyon ni Missy, marahil ay gawin ko din ang ginawa niya. Kaya pala ganun na lang ang determinasyon niya na hanapin ang sarili niya, kasi ganito ang laman ng envelope.

Kahit tapos ko ng basahin ang lahat ng impormasyon doon ay hindi ko pa rin inaalis ang mata ko, parang gusto kong saktan si Mommy!

Knowing her alam ko na masasakit ang salitang sinabi niya kay Missy, nang pakiramdam ko ay kampante na ako saka ko lang binalik ang papel sa loob ng envelope.

“Mom, why did you do this?”

“Ayokong masira ang reputasyon ng pamilya natin anak!” sabi ni Mommy na nakikipagsukatan ng tingin sa akin.

“Okay lang sa inyo na masira ang buhay ng anak ninyo kesa sa reputasyon na yan?”

Napamulagat siya, hindi niya siguro inaasahang masasabi ko ang mga iyon, ngayon ko lang nagawang sumagot kay Mommy, “So, yan ang itinuturong manners sayo ng girlfriend mong anak ng bayaring babae Venn?”

“Wag mong ganyanin si Missy sa mismong harap ko Mom, hindi ganoong klase ng tao si Missy, mas kilala ko siya higit pa sa pagkakakilala niyo ni Janna sa kanya.”

“Malinis na babae ang turing mo sa katulad ni Missy na pumayag na may mangyari sa inyo sa unang araw pa lang ng pagkikita ninyong dalawa?”

“Alam kong mahirap paniwalaan Mom, pero virgin pa si Missy ng may mangyari sa aming dalawa.”

“Hindi ako pinanganak kahapon lang Venn, wag mo akong gawing tanga,”

Alam kong kahit ano pang pagpapaliwanag ang gawin ko hindi rin siya maniniwala sa akin. nakipagsukatan ako ng tingin sa kanya, pero matigas talaga si Mom,

“Kung yan ang gusto mong paniwalaan, yan ang paniwalaan mo Mom, pero hindi ko papayagang mahadlangan niyo ang relasyon namin ni Missy dahil MAHAL NA MAHAL KO SIYA.”

Iniwan ko na lang si Mom sa kwarto, ayoko ng makipagtalo pa sa kanya, hindi ko man alam kong saan ako pupunta pero isa lang ang alam ko.

Ayoko munang makipag-usap kay Mom…

MIJUSHA : MiSSY GLANCE BLACHE *fin*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon