Kabanata LabingSiyam -IkalawangBahagi-

198 14 14
                                    

Eksena ko xD -- HAPPY NEW YEAR gals and guys :) tulad ng pinangako ko, ito na ang UD ko ! :D

Dedicated ko ito kay Kring! ( sa telepono may tumatawag, ang telepono, sagutin natin xD hahaha! I love you kring :D )

*************************************************

“Hello hijo, I missed you so much.” Yan ang unang bungad sa amin ng Mom ni Venn, niyakap niya ng mahigpit si Venn at gumanti naman ng yakap ang huli. “Mukhang nagkakalaman ka yata ngayon, the last time na umuwi kami ang payat mo,” sabi pa ng mom niya habang pinipisil ang biceps niya.

Kung ibang babae ang gumawa non kay Venn, hindi ko talaga papayagan, pasalamat na lang siya at siya ang gumawa kay Venn, dahil kung hindi, naku!

At para na naman akong tanga dito, nakalimutan na yata ako ng boyfriend ko, nandito lang ako sa left side niya, pero parang hindi na ako nag-eexist sa dalawang to,

“Mom, two months ago lang ng huli kang umuwi, paano mo nasabing nagkalaman ako kagad,”

Two months ago, ibig sabihin yon yong time na hindi niya pa ako nakikita, so na-haggard talaga siya nong time na yon?

Tama ang kalkula ko, makakalimutin lang ako pero magaling ako sa computation.

“May nag-aalaga na kasi saken ngayon Mom kaya tumataba na ako,” tumingin sa akin si Venn at ngumiti. Akalain mo yon, naisip niya din na may kasama siya.

Napadako ang tingin sa akin ng Mom ni Venn,

“So, this is Missy, hello hija..” nakipagbeso sa akin ang Mom ni Venn, “You’re so beautiful,”

I smiled shyly, yon na yata ang pinakamasarap pakinggan na papuri, lalo na at galing sa Mommy ng boyfriend mo.

“Tara, pumasok tayo sa loob, at nakahanda na ang hapunan, kayo na lang ang hinihintay.”

Nang makarating kami sa dining room, nakita ko na nakaupo si Janna sa tapat kung saan uupo ang mom ni Venn,

“Venn, dito ka maupo” tinuro ni Janna ang upuan sa tabi niya,

“Thanks Janna, but I guess kailangan mong lumipat ng upuan kasi dyan ako uupo sa tabi mo at gusto ko sa tabi ko si Missy,”

Nakita ko ang pagkibot ng labi ni Janna, so immature!

“Hon, okay lang sa akin kahit sa sahig pa umupo basta kasabay ko kayong kumain, kaya okay lang ako kahit hindi tayo magkatabi,”

“No, you will sit beside me,” sabi niya saken at naramdaman kong mas humigpit pa ang hawak niya sa kamay ko, “Janna, pwede bang mag-adjust ka kahit papano? Wag ka naman na sanang isip-bata,”

“So, anong pinunta mo dito, maghahapunan ka ba o makikipag-away ka sa akin?” tumingin sa akin ng matalim si Janna and then nakipaghamunan siya ng tingin kay Venn.

Gusto kong matawa sa nangyayari kasi para silang mga bata, pati ba naman upuan pinagtatalunan nila, pero naiinis din ako kasi hindi ko nagugustuhan yong ugali ni Janna.

“Kung ayaw mong umalis dyan, sa iba na lang kami uupo.” Naglakad si Venn papunta sa kabilang side, panglabingdalawa katao yong kasya sa dining table eh, pinaghila niya ako ng upuan at umupo siya sa tabi ko. Ang nangyari tuloy mag-isa si Janna,

Tumingin sa akin si Janna, mula ulo hanggang sa bewang, bewang hanggang sa ulo. Buti na lang at nakaupo na ako at hanggang bewang lang ang nakikita sa akin, pero panigurado kung hindi nakaharang ang mesang ito ngayon ulo hanggang sakong ang tiningnan sa akin nitong si Janna, nakakainis, ang bait-bait ko kaya tapos may isang aaway sa akin, at BESTFRIEND pa ng boyfriend ko.

Hindi masyadong nagsalita itong si Janna habang kumakain kami, tinitingnan niya lang ako tapos kapag mapapatingin ako sa kanya, iismid na naman siya sa akin, nawalan tuloy ako ng ganang kumain.

Sa parents ni Venn,wala akong masabi, mabait sila pareho, halatang may mga pinag-aralan. Parang mataas ang pagpapahalaga sa moral. Kung pano ko nalaman secret na lang yon, wala nga kasi ako sa mood magkwento katulad ng pagkawala ng gana ko sa pagkain.

Pagkatapos kumain ay naisipan namin ni Venn na magpunta sa veranda at uminom ng kape,

“Are you okay?”

“Yeah,”

“Tingin ko hindi, kanina ka pa parang wala sa mood, anong nangyari?”

Sasabihin ko ba sa kanya? Sasabihin ko ba na parang hindi kami magkapalagayang-loob ng bestfriend niya, “Wala to, normal lang siguro sa babae ang moodswings”

“Glance, alam ko may problema ka, sa saglit na panahon tayong magkasama alam ko kung kelan ka okay at kung kelan hindi,”

Kilala niya na nga siguro ako, “I’m just uncomfortable with your bestfriend, alam mo yong pakiramdam na parang ayaw sayo ng isang tao? Ganun yong pakiramdam ko sa kanya, ayaw niya sa akin.”

“Don’t mind her Baby,” hinila niya ako palapit sa kanya at niyakap niya ako. “Hindi naman siya mahalaga sa relasyon nating dalawa, ang mahalaga eh yong tayo, yong mahal natin ang isa’t-isa”

Tumingala ako sa kanya “Gusto ko lang naman kasi, lahat ng tao sa paligid mo, lahat ng nakakakilala sayo, kahit hindi na nga yong tao eh, kahit yong hayop o kahit yong pinakamaliit na insekto, basta kilala ka nila, gusto ko lahat sila kapalagayan ko ng loob.”

“You’re so cute,” pinisil niya pa yong ilong ko, “Napakakulit mo talaga, wag mo na nga kasing isipin yon, baka nagseselos lang iyon kasi may kaagaw na siya sa oras ko,”

“Hmm, siguro nga, bahala na nga siya, basta ako wala akong ginagawang masama sa kanya.” Sinubsob ko ang mukha ko sa dibdib niya, wala na akong pakialam, basta kayakap ko ang machong boyfriend ko, okay na ako.

Pagkatapos naming mag-usap ay hinatid niya na ako pauwi.

MIJUSHA : MiSSY GLANCE BLACHE *fin*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon