Kabanata Una

333 21 14
                                    

Sino sila Shannie Leth at Julienne? Sila lang naman ang mga kaibigan ko noon sa bahay-ampunan. Yah ! you’re right, lumaki ako sa bahay-ampunan. Inalagaan at pinalaki ako ng mga madre, kaya alam mo na MABAIT AKO!  Maniwala ka, mabait ako from head to toe, pero obviously hindi uso ang word na humble sa akin. I believe kasi na walang masama sa pagsasabi ng totoo. Ikaw naman iyon eh, sinasabi mo lang kung ano ka talaga.

Gusto mo bang malaman kung ano nang nangyari sa dalawang kaibigan ko? wait, next time iku-kwento yan ni AUTHOR. Pero siyempre bago sila, dapat ako muna. Ako ang bida sa story na ito eh.

I am Missy Glance Blache, I am 24 years old now. Hindi pa ako matanda ah! Pero kung ico-compare mo sa dalawa kong kaibigan ako nga ang matanda na sa amin. Yong dalawa kasing iyon ay parehas 22 years old. Kaya bale nong nagpromise kami na friends forever,10 ako at 8 naman yong dalawa. Pero teka kwento ko nga to diba? Kaya yong tungkol saken yong sasabihin ko.

Yon! Napunta ako sa bahay-ampunan na iyon 3 years old daw ako, sabi yan ni Sister Marie. Kung sino ang parents ko, I have no idea, kasi kung may idea ako malamang hinanap ko na sila. Hahanapin ko sila hindi para manumbat ng kung anu-ano kundi para magpasalamt sa kanila kasi binuhay nila ako. I don’t like drama noh!

I was 10 years old din ng kuhain ako sa ampunan, yon mismo yong araw ng pinagpromise ko yong dalawa na dapat friends kami forever. Umaga kami non nagpromise tapos by afternoon non kinuha na ako nila mommy.

Ang parents ko ay sina Mary at John Blache. Si daddy Fil-Am siya kaya ganun ung apelyido namin. Kaya ako inampon nila mommy at daddy kasi hindi pwedeng magkaanak si mommy. 2 years kasi before nila ako ampunin nagkaroon ng miscarriage si mommy tapos sinabi ng doctor na hindi na daw pwede magkababy sila mommy.

Sabi ni mommy sa akin nang pagdating namin sa house galing sa ampunan, kaya daw ako yong pinili niyang maging anak sa dinami raw ng bata don sa ampunan kasi magkamukha daw kami, ganon din daw yong hitsura niya nong bata pa siya.

Nakarinig ako ng katok sa pinto, I think that’s my mom. “Baby, bumaba ka na, ready na ang breakfast.”

Oh diba ang sweet ng mommy ko? baby pa din tawag niya sa akin kahit na 24 years old na ako. Kaya sabi ko sa inyo hindi pa ko matanda eh. Hihihihi *grins*

“Yes mommy, bababa na ko. wait lang.”

Inayos ko na lang yong pagkakacurl ko ng hair ko tapos tumingin saglit sa mirror and then lumabas na ako ng room ko.

“Good morning daddy, good morning mommy.” Sabi ko sabay kiss sa kanilang dalawa.

Hays ang gulo ko ba? Parang hindi ako 24 diba? Well, kasi sobrang kalog ako. Kaya hindi halata yong edad ko.

“Umupo ka na dyan.”

Umupo ako and then kumain, si daddy ang ganda ng smile habang nakatingin, ganyan yan siya everyday. Natutuwa kasi talaga siya sa personality ko.

“Si daddy oh, naiinlove na naman sa kagandahan ko.”

^_____^ si daddy

“Eh kasi princess you’re so beautiful, kamukha mo talaga ang mommy mo.” Oh diba astig, ang mommy ko baby tawag sa akin tapos si daddy naman Princess.

“Daddy I know naman na beautiful ako, hindi mo na kailangan pang sabihin, nakita ko na sa salamin kanina.”

Napapangiti rin si mommy sa sinabi ko.

“Kumain na tayo at baka malate kayo ng daddy mo sa work.”

“KAYO?” O_________O

“Oo princess, tama ka ng rinig KAYO talaga iyon kasi isasama kita sa work ngayon. Balak kong ikaw na ang humawak ng Finance Department natin, nagfile ng resignation letter si Mrs. Santos dahil malapit na siyang manganak, ayaw na siya pagtrabahuin ng asawa niya.”

“Talaga Daddy? Sigurado ka talaga na magwowork na ako?”

“Yes. I guess it’s the right time para magamit mo na ang napag-aralan mo.” Tumatango pang sabi ni Daddy.

“Oh dad!” tumayo ako at niyakap ko ang daddy ko.

“Pagpatuloy muna ang pagkain baby, at para makaalis na kayo.”

“Oh yes mommy.”

Umupo ako ulit at kumain. Ganado ako kumain sobrang masaya ako eh.  Sa wakas ang 5 years kung pinag-aralan magagamit ko na din.

I finished Bachelor of Science major in Accountancy, and I’m the top 3 on our MBA examination. Imagine? Kahit baliw ako, may UTAK ako. Brain and Beauty magkasama binigay sa akin ni God! Yeah! Praise him, the best talaga siya.

Nang matapos kaming kumain ay nagmamadali akong umakyat sa kwarto ko at nag-ayos. Kailangang maging formal-formalan ng lola niyo. Nang makapagbihis ako ay tumakbo ako pababa ng hagdan habang bitbit ko ang sapatos ko, at nang nasa garage na ako ay sinusuot ko ang 3 inches kong sandals.

Naiimagine niyo ba ang mga kalokohan ko? well, wag niyo ng i-imagine kasi sasakit lang ang ulo niyo at baka mahawa kayo sa pagiging baliw ko.

Nang masuot ko na ang sapatos ko ay pumasok na ako sa kotse ni daddy, nakita ko si Kuya Marlon ngiting-ngiti siya, nakita niya siguro yong ginawa kong pagsuot sa sapatos ko.

Gumanti ako ng ngiti sa kanya. “Kuya Marlon, good morning. Wag kayong maingay kay Daddy sa ginawa ko kanina ah.”

“Yes ma’am,” nakangiti pa rin niyang sabi.

Hays ang tagal ni Daddy, excited much na ako.

Tutal matagal pa siya, nilabas ko ang kikay kit ko at tiningnan ang mukha ko sa salamin

Maganda pa rin ako, walang nagbago. Medyo nilagyan ko lang ng blush-on yong mukha ko kasi hindi pantay yong pagkakalagay ko kanina, mas makapal yong nasa kaliwa kesa sa kanan. After sa mukha inayos ko ulit yong hair ko, at ayun finally nandyan na ang gwapo kong daddy.

“Hindi ka rin naman masyadong excited Princess?”

“Hindi nga daddy kaya nga kanina pa ako nandito at sinabi ko sa sarili kong kapag wala ka pa in three minutes iiwanan ka na namin ni kuya Marlon.” Pero joke ko lang iyon. Hihihi! Love ko kaya ang daddy ko.

“Maloko ka talagang bata ka.”sabi niya sa akin habang hinihimas ang hair ko.

Tinapik ko yong kamay ni daddy. “Daddy naman, wag yong hair ko ang tagal kong inayos yan kanina eh.” Natawa na naman si daddy sa akin.

“Paandarin mo na ang sasakyan Marlon, dahil baka pag hindi pa tayo umalis ay ito nang anak ko ang magdrive ng sasakyan.”

Ngumiti lang ako nang napakatamis kay daddy, buti naman at naramdaman niyang kanina ko pa talaga gustong umalis.

*****

ahihihihi :DD

i love writing this ..

kasi parehas kaming makulit ni Missy :))

MIJUSHA : MiSSY GLANCE BLACHE *fin*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon