Kabanata Tatlumpu

123 8 14
                                    

Kinabukasan ay maaga nagising si Missy para puntahan si Venn. Sinadya niya talagang agahan kasi alam niyang maaga gumising ang binata, naalala niya pa ng ayain siya ni Venn ng breakfast date.

Agad siyang pumasok sa condo unit ni Venn, at dire-diretsong nagtungo sa kwarto nito, mabuti talaga yong nabigyan siya ni Venn ng spare key at nang hindi na nya kailangang kumatok. Ayaw niya din maistorbo ang tulog ng binata kung sakali mang tulog pa ito.

Dahan-dahan ko pang binuksan ang pinto para hindi makalikha ng ingay.

Nagulat pa ako ng hindi ko tuluyang mabuksan ang pinto, tiningnan ko ang harang at nanlaki ang mga mata ko ng makitang bra ng babae ang nakaharang rito.

Alam kong hindi akin ang bra na yun, masyadong maliit ang size kumpara sa boobs kong 36A.

Agad napadako ang mata ko sa kama ni Venn to check if nag-iisa lang ba siyang matulog.

Pero nasaktan lang ako sa nakita ko, si Venn ang sarap ng tulog habang yong babae nakayapos sa katawan niya, ANG SAKIT!

Alam mo yong iniisip mo na sana naging bakla na lang siya para kahit papano tanggap mo kung bakit may bra dun sa pinto, kaya lang hindi eh.

Tapos yong iisipin mo na ayos lang kahit maghiwalay kayo kasi parehas na kayong babae. Pero hindi eh, yan siya ngayon, pagkatapos naming maghiwalay ayan siya sa kama niya at may katabing ibang babae.

"Venn!!!!!" sumigaw ako pero hindi dahil sa eskandalosa ako, kundi dahil gusto komg magising sila ng babae niya at para malaman niya na nakita ko ang kahayupang ginawa niya. Hindi ako katulad ng ibang babae na tatakbo, iiyak sa sulok at magpapakamatay, I’m not that type, hindi ko sasayangin ang ganda kong to para lang sa pangloloko ng mga hinayupak na lalaki na yan.

At tsaka pag tumakbo ako palabas, at sasabihin niyang kailangan niyang mag-explain, pwede siyang magdeny, kaya ito ako ngayon, ipapaalam ko sa kanya na nandito ako.

Nakita kong gumalaw si Venn at kinusot ang mata niya.

"Missy, honey!" akmang tarayo na sana siya ng mapatingin siya sa katabi nya. Agad siyang nagbalik ng tingin sa akin at nangungusap ang mga mata niya. "Mali ang iniisip mo Missy"

Bakit ano bang iniisip ko?

Ano nga bang tumatakbo sa isip ko ngayon?

Parang ayaw nga gumana ng utak ku eh, kahit ang normal kong pag-iisip at ang malandi kong pag-iisip parang magshut down na.

Kainis! Nasan sila ngayong kailangan ko sila?

Ang drama ko!

Bumangon si Venn sa kama at agad na lumapit sa akin hinawakan ako sa kamay at hinila ako palabas ng kwarto,

"Missy," niyakap niya ako ng mahigpit. Kahit na gusto kong nakayakap lang ako sa kanya, alam kung kailangan kong kumalas. Tinanggal ko ang braso niyang nakapulupot sa bewang ko, tiningnan ko siya sa mga mata.

Ito pa ba yong Venn na minahal ko?

Pero sino ba talaga ang totoong Venn?

Ganyan na ba talaga siya dati pa?

Hindi ko na alam kung ano ang dapat isipin. Kusa na lang pumatak ang mga luha ko habang nakatingin ako sa kanya.

"Honey, mali ka ng iniisip, walang nangyari sa amin ni Donna, okay?"

"Wag mo kong gawing tanga Venn, kitang-kita ng dalawang mata ko ang pagtataksil na ginagawa mo!" umagos na naman ang panibagong batch ng luha ko at agad ko yong pinunasan. Tumingin ako sa pinto ng kwartong pinanggalingan namin para iiwas ang tingin ko sa kanya. "Kunsabagay, hindi nga naman kasi pagtataksil na matatawag ang ginawa mo kasi wala na nga pala tayong relasyon”

MIJUSHA : MiSSY GLANCE BLACHE *fin*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon