38
Sobrang kinakabahan ako, para akong pusang di mapanganak sa sobrang kaba. Paroo’t-parito ako dahil hindi pa dumarating si Missy.
Thirty minutes na siyang late, kanina pa ako nagtatanong kay Gabe kung okay lang ba na nali-late ang babae sa kasal, tinawanan ba naman ako at sinabi pang “Pakiramdam mo lang matagal yong oras kasi kinakabahan ka.”
Pero napalawak ang ngiti ko ng marinig kong sumigaw si Shan na nandyan na nga daw si Missy, napahinto pa ako noon at para akong naparalisa sa kinakatayuan ko.
Kahit kelan talaga basta pagdating kay Missy napakaOA ko magreact.
Buti na lang tinapik ako ni Gabe kaya naisipan na ng utak kong pagalawin ulit ang sistema ko.
Tumunog ang kampana ng simbahan hudyat na magsisimula na ang kasal.
Nagsipasukan na ang mga abay, ang mga ninong at ninang at ang lahat pa ng mga bisita, nakikita ko pa nga ang mga langgam na closefriend ni Missy. Kasama daw yun dahil yun daw ang nagdadala sa kanya ng mga balita.
Haha! Just kidding, nahahawa na din ako sa future wife ko.
Sobrang naiinip na ako sa dami ng mga naglalakad sa aisle, gustong-gusto ko nang makita si Glance.
And ayun finally after ng hindi ko malaman kung gaano katagal, nakita ko na din ang mapapangasawa ko.
She’s walking slowly suot ang kanyang traje de boda, kahit ano talagang suot niya ang ganda niya pa rin.
She was smiling habang nakatingin sa ibat-ibang bisita namin, gusto ko sa akin naman siya tumingin, gusto ko ngitian niya din ako.
Pero hindi nga ako nabigo kasi bago pa man siya makarating sa Mommy at Daddy niya tumingin na siya sa akin at ngumiti.
Siguro dalawang hakbang na lang at makakarating na siya kila Mommy pero tumalikod siya at tumakbo palabas ng simbahan.
Oh my Ghad, what’s happening?
Bakit naging runaway bride ang mapapangasawa ko?
Nakita ko rin ang pagtayo ng bisita namin dahil siguro sa shock sa nangyari.
Hindi ko na alam kung anong nangyari, ang huli kong narinig ay ang pagsigaw ni Gabe nang “Pare!” bago tuluyang magdilim ang paningin ko.
---- WAHAHAHAHHAHAHAHHAHAHAHA :)))
wala lang natatawa lang ako kay VEnn xDD
BINABASA MO ANG
MIJUSHA : MiSSY GLANCE BLACHE *fin*
Humor“Friends forever?” si Missy “Friends forever!” sabay na sabi ni Shan at Julienne “Oh magkakasama na naman kayong tatlo, pumunta na kayo ngayon sa dining room dahil kung hindi mauubusan kayo ng pagkain para sa tanghalian.” Si Sister Marie. Nagtakbuha...