iiyak na ko T___T waaah ! THANK YOU po ng marami sa pagvote sa Missy mula Chapter1!
hanggang ngayon po kasi hindi ako makapaniwala na marami ng nagbabasa ng gawa ko tapos bino-VOTE pa! Thank you :))
****************************************
Kinakabahan ako ng sobra, sa buong buhay ko ngayon lang ako kinabahan ng ganito.
Gusto niyo rin bang kabahan katulad ko?
Sige, dahil mapilit kayo at gusto niyo talagang malaman, sasabihin ko na kung bakit ako kinakabahan.
DELAYED AKO!
DELAYED AKO ng TWO MONTHS!
Kung hindi mo alam kung ano yong delayed, ganito yun..
Yon yung hindi ka pa dinadatnan…
Na dapat ay monthly meron ang babae…
GETS MO NA?
Buti naman, akala ko pahihirapan mo pa ako sa pag-eeksplika.
Pero kinakabahan talaga ako, kahit na sinabi kong hindi ko ipapalaglag ang bata kung sakali mang malaman ko na buntis ako dahil alam kong kasalanan iyon, nandito pa rin talaga ang kaba ko sa maaaring sabihin ng mga tao tungkol sa akin, higit lalo ang sasabihin nila mommy, alam ko mabait sila pero nakakahiya, ampon lang ako tapos ako pa ang magdudulot ng kahihiyan sa kanila.
Paano na lang ang sasabihin ng mga tao tungkol sa akin, napakatalino, maganda, mayaman, nabuntis dahil sa isang araw na pagkalaya mula sa aquarium. Grabe lungs!
Nakakahiya pero kailangan kong tanggapin, ganun siguro talaga. Wala akong dapat sisihin kundi sarili ko kasi ako ang nawala sa sarili ng gabing iyon. Pero para hindi sa akin lahat, idamay na natin ang lalaking iyon. Kasalanan to ni Stare eh o kung sinuman siya, iyon pa nakakadagdag ng stress ko eh, hindi ko matandaan ang pangalan niya kahit balikta-baliktarin ko pa utak ko. Pero mabalik tayo, nalalayo sa topic eh, hindi naman to mabubuo nang ako lang mag-isa diba?
Hindi naman uso ang sariling sikap ngayon.
Ano bang dapat kong gawin? Pupunta na ba ako sa OB gyne? O pupunta na lang ako sa malapit na drug store para bumili ng pregnancy test?
Ano sa tingin niyo?
Mas okay na siguro yong pangalawa, para ako lang nakakaalam. Mahirap na baka itsismis pa ako ng doctor.
Ay! Mas okay kung sa malayong drug store at hindi sa malapit, mahirap na baka may makakilala sa akin sa malapit lang.
Tumayo na ako sa higaan, naligo at nag-ayos, tiningnan ko ang mukha ko sa salamin.
MAGANDA PA RIN AKO
Kahit namumrublema hindi pa rin nagbago. ^______^
Bumaba na ako at pumunta sa garahe, nagbyahe papunta sa malayong drug store. Hindi ko napansin sa sobrang layo, nakarating na pala ako ng Antipolo.
Bago ako bumaba ng sasakyan ay sinuot ko muna ang sunglass na binili pa ni mommy sa Korea nong naisipan niya magbakasyon. I check the time, 12:34pm. Sakto, tanghaling-tapat, panigurado wala masyadong tao ngayon, pumasok na ako sa loob ng nasabing drug store.
“Good morning Miss, ano po ang kailangan niyo?”
Good morning? Anong good sa morning? Kinakabahan ka kasi baka buntis ka at walang ama ang batang dinadala mo, good ba yun?
“Miss?”
Natigil ako sa pag-iisip ng kung ano, at bumalik sa reyalidad.
“Pwede mo ba akong bigyan ng pregnancy test?” tanong ko.
“Yes ma’am.” Umalis saglit yong babae sa harap ko, naghanap siya sa estante, at lumapit sa akin.
“Ma’am ito po oh, 65 pesos po.”
I give her 100 “Keep the change.” And naglakad na ako papunta sa pinto, nang naisipan kong bumalik.
“Miss, pwede magtanong?”
Nakangiti siya ng tumango.
“Paano gamitin to?”
Oh, wag niyo akong tawanan, hindi talaga ako marunong gumamit nito. Virgin nga ako nang may mangyari sa amin diba?
“Through urine po iyan, kailangan po may pumatak na urine dun sa PT, and wala pa pong 1 minute lalabas na po yong result. Kapag two lines po positive po, buntis kayo. Pero kapag one line lang, negative, ibig sabihin hindi kayo buntis.”
I smiled to her shyly, nakakahiya naman kasi talaga eh.
“Thank you.” And then, lumabas na ako ng store na iyon.
And luckily, paglingon ko sa gilid may nakita akong public CR. Pumasok ako doon, kahit papano nakakatuwa pa rin kasi hindi madumi ang naturang palikuran.
Umihi na ako, (sorry for the term) at siniguro kong malalagyan ang PT.
Pumikit muna ako dahil kung kanina kinakabahan ako mas grabe yong kaba ko ngayon.
“Sana po hindi ako buntis, kahit alam kong kaya ko siyang buhayin, ayoko namang lumaki ang anak ko na walang kikilalaning tatay. Pero hindi ko po talaga hahayaang mangyari iyon, hahanapin ko po talaga si Stare, o kung ano man po ang pangalan ng lalaking iyon.”
Dahan-dahan kong binuksan ang mga mata ko, at tiningnan ang resulta ng ginawa ko kanina.
I
Isang guhit!
NEGATIVE ^_____________________^
Pero sayang, kagandang lahi sana noon :)
------------
i want to dedicate this to my mama :)
siya ang pinagtanungan ko, regarding sa PT, alam mo yong kaba mo na baka isipin niyang buntis ka kaya ka nagtatanong? HAHAHAHAHAHAHA!
yong tingin saken ni mama, parang kabado eh, pero natatawa ako kasi alam naman niyang wala akong boyfriend.
in.explain ko na lang na may gingawa akong story :DD
sana nagugstuhan niyo :P
BINABASA MO ANG
MIJUSHA : MiSSY GLANCE BLACHE *fin*
Humor“Friends forever?” si Missy “Friends forever!” sabay na sabi ni Shan at Julienne “Oh magkakasama na naman kayong tatlo, pumunta na kayo ngayon sa dining room dahil kung hindi mauubusan kayo ng pagkain para sa tanghalian.” Si Sister Marie. Nagtakbuha...