Sobrang napagod ako, magkahawak-kamay pa din kami ni Venn nang pumasok sa bahay, nauna kami kila mommy na dumating,
Pasalampak akong umupo sa sofa
“Sy-sy…” si Venn,
Inayos niya ang pagkakahiga ko sa sofa at tinanggal ang Christian Louboutin Replica sandals ko (makapagshare lang talaga ng sandals si Missy eh no, hayaan na natin favorite niya yan)
Napakasweet talaga nito ni Venn, parang gusto ko na tuloy siyang pakasalan agad-agad hahahaha, ang landi ko lang talaga.
“Sy-sy nandyan na ang mommy at daddy mo,” Tamad na tamad pa akong bumangon para umupo, sobrang sakit na nang paa ko.
“Baby, dapat pinagpahinga mo na yang si Venn. Bakit nagpahatid ka pa, pwede ka naman nang sumabay sa amin ng daddy mo?”
Tumayo ako mula sa pagkakaupo, hinawakan ko ang kamay ni mommy at daddy at pinaupo ko sila. “Mommy,” tumingin ako kay mommy, “Daddy” tapos tumingin naman ako kay daddy, “Boyfriend ko na po si Venn sinagot ko na po siya kanina, narealize ko kasi, siya ang the best gift na pwede kong matanggap.”
“Ang drama ng baby ko,” niyakap ako ni Mommy, “Hindi ka na talaga bata ngayon…” pinisil pa niya pisngi ko. “Sa susunod mamamalayan ko na lang ikakasal ka na,”
“Oo mommy, tapos magkakaapo ka na.” tapos ngumiti ako ng napakalapad, hinampas naman ako ni Venn ng mahina, tapos sabay na natawa sila Mommy at daddy.
“Pero anak, hindi mo naman na kailangang sabihin samen, kasi nakita naman namin kanina kung paano mo sinagot itong lalaking ito.”
“Pero, princess, bakit CAN WE CONTINUE yong nakalagay doon sa tatlong nahuling sasakyan, meron ba kayong naunsiyaming lakad?”
Nagkatinginan kami bigla ni Venn, tapos sinasabi ko sa titig ko na siya gumawa ng palusot kay daddy, pero ang lakas ng trip niya, ngumuso ba naman para sabihing ako na ang bahala.
Nagulat na lang ako ng tumawa sila mommy at daddy, tinitingnan pala nila yong gingawa naming pagtuturuan.
“May sikreto yata kayong dalawa ah, at ayaw niyong ipaalam sa amin,”
Naku daddy kung alam mo lang kung ano ibig sabihin non, siguro itatakwil mo na ako bilang anak at ibabalik mo na ako sa ampunan.
Pero tumatanggap pa kaya sa ampunan ng ganitong edad? Pwede siguro, basta kasing ganda at kasing kulit ko, hahahahaha!
Pero hindi ako nagbubuhat ng bangko ah, marami akong alalay, sila tagabitbit niyan. De joke lang :)
“Magpahinga ka na anak, at nang makauwi na itong si Venn,” si mommy nagsalita, natigil tuloy ako, duda talaga ako, tingin ko may lihim na relasyon si Venn at mommy eh, nong nanliligaw kasi saken yan si Venn, nagdala siya sa akin ng flowers tapos si Mommy binilhan niya ng isang basket ng fruits, unfair diba? Hindi ko naman makakain yong petals ng pink roses na dala niya.
Pero yong totoo, tama bang pagselosan ko si Mommy? Hahahaha!
Bakit ba, selosa akong girlfriend eh,
“Venn, tara na at ihahatid na kita sa pinto,” inakay ko na siya palabas ng bahay pagkatapos niyang magbow kila Mommy at Daddy, natatawa na lang ako, anong feeling niya Korean siya? haha!
“Glance,” sabi niya sa akin ng nasa tapat na kami ng pinto,
“oh bakit?” Ayoko mang magpacute pero parang ganun yong nangyayari, hindi pa din kasi ako makaget-over na boyfriend ko na ang lalaking kaharap ko ngayon. Idagdag pang binanggit niya ang pangalan kong GLANCE – na siya lang ang hinayaan kong tumawag sa akin—ng walang ka-effort-effort pero ang ganda pakinggan sa tenga ko.
“Yong letter ko para sayo, basahin mo yon ha…” hinalikan niya ako sa labi, tapos hinalikan niya din ako sa noo. “I love you,” iyon lang at tuluyan na siyang umalis.
Napapangiti ako habang tinitingnan siyang sumakay sa kotse niya, napahawak pa ako sa labi kong hinalikan niya, kahit dampi lang yon masarap pa din.
Kumaway pa siya bago paandarin yong sasakyan niya, para lang akong ewan, nakahawak yong daliri ko sa labi ko tapos yong isa kong kamay gumanti din ng kaway sa kanya.
Nang tuluyan na siyang mawala sa paningin ko bumalik na ako sa sala at nag-goodnight na kila Mommy at Daddy and I kiss them on their cheeks bago ako umakyat sa kwarto ko.
Nilabas ko yong letter na kanina ko pa gustong basahin,
Missy Glance,
Happy birthday,
From the moment I lay my eyes on you, I know that you’re the one for me, I know you feel the same way, but if you don’t... I will do anything just to make you love me the way I love you. I just want you to know that I’m so happy that I finally found you, and I will never let you go.
Hindi ko hahayaang makagawa ako ng mga bagay na makakasakit sa’yo, kasi kapag nangyari yon masasaktan din ako. Nirerespeto kita, ang buong pagkatao mo, lalo na ngayong kilala na talaga kita, mas lalo pa kitang minahal. Hayaan mong magsimula tayo na parang hindi iyon yong una nating pagkakakilala. Hindi ang katawan mo ang minahal ko sayo, kundi ikaw mismo.
Let me love you sa way na alam ko, at sobrang magiging masaya talaga ako sa araw na sagutin mo ako.
Love,
Stare/Venn
Napangiti ako sa nabasa kong sulat niya, hindi niya pa kasi alam na sasagutin ko na siya nong sinulat niya yan.
Nakakatuwa, nirerespeto niya ako kahit na ganun yong una naming pagkikita. I’m so lucky that I have Venn in my life.
Natulog akong may ngiti sa aking mga labi,
Pero naligo muna ako bago natulog, hindi ko na sinabi kasi panira sa moment ko. ^___^
*************************************************************
THANKS FOR READING <3
BINABASA MO ANG
MIJUSHA : MiSSY GLANCE BLACHE *fin*
Umorismo“Friends forever?” si Missy “Friends forever!” sabay na sabi ni Shan at Julienne “Oh magkakasama na naman kayong tatlo, pumunta na kayo ngayon sa dining room dahil kung hindi mauubusan kayo ng pagkain para sa tanghalian.” Si Sister Marie. Nagtakbuha...