-- natutuwa ako sakanya xD laughtrip daw siya kay Missy at nawala ang BV niya xD para sayo tong chapter na to, kasi sa lahat ng chapter ito lang vinote mo xD hahaha ! promise,di ko talaga kayo pinipilit xDD
************************
Napansin niyo bang napakaabnormal ko sa mga nakaraang chapter? Ayoko ng ganun ako, pero nabuo yata talaga ang MISSY GLANCE BLACHE na ito para maging katatawanan niyo, at nang abnormal na writer nito.
Gusto kong magrequest na maging matino, kagalang-galang at dalagang Filipina kahit sa isang chapter lang, pakikinggan kaya ng writer ang request ko?
YURIMIKA: kayo ano sagot niyo? Ako, ISANG MALAKING HINDI hahahahaha
**************
Nagising ako dahil sa tunog ng cellphone ko, hinanap ko pa yong cp ko with my eyes close, kinukusot-kusot ko pa ang mata ko habang dahan-dahang dinidilat ang mata ko para basahin ang message.
Sy-sy, may free time ka ba ngayon? Gusto ko sanang ayain kang kumain sa labas, and dahil businessman ako gusto ko ang breakfast date.
Agad akong bumangon sa higaan at agad kong dinial ang number niya.
“Hello Venn, magbreakfast lang ba talaga tayo, baka gusto mong magjogging pa tayo together?”
Para talaga akong tanga, sa lagay ngayon parang ako pa yong manliligaw, nakakainis, naiinis na ako sa sarili ko, kasi yong writer nito parang ewan, sabi ko pagbigyan ako kahit isang beses lang na maging dalagang Filipina, AYAW daw niya, yan tuloy nagmumukha akong easy to get :(
“Wag tayong magmadali Glance, darating din tayo sa point na yan, pero sa ngayon gusto ko magbreakfast tayo together, hindi kasi tayo nakapag-almusal nong first meet natin.”
Sa sinabi niya pakiramdam ko pumula ang buong mukha ko kasama na ang buong katawan ko, mula buhok hanggang sakong… okay ako na po ang exagg hahaha,
Pero kasi naman, naalala ko yong paghalik ko sa kanya ng maraming beses bago ako umalis sa condo niya. Hindi niya alam, nakapagbreakfast na akong kasama siya, kaya lang ang kaibahan non, lips niya ang ginawa kong almusal hahaha.
“Sy-sy?”
Ay! Kausap ko nga pala si Venn. ”SIge, magbreakfast tayo together”
Napag-usapan naming magkita sa restaurant nila Juls, ako ang nagsabi ng place, dahil wala siyang maisip na lugar.
8am ang usapan namin na magkikita dun, astig diba?
Business na business ang datingan ng pagkikita naming dalawa, kung nagtatanong kayo if anung oras siya tumawag sa akin. Well, it’s 6:45 in the morning lang naman, na kung ibang babae ang niyaya ng ganun, malamang tumanggi na, pero dahil may something ako para kay Venn, pumayag na ako.
Kung anu-anong something pinag-iisip mo noh? Yong something na tinutukoy ko ay yong feelings, hindi yong iniisip mo…
Pero ano nga bang iniisip mo? xD
Mamaya ko na kayo kakausapin, nakikita ko na ang kakisigan at kagwapuhan ni Venn na pumapasok sa loob ng restaurant.
Lumapit siya sa akin at…
Akala ko hahalikan niya ako sa pisngi pero ikinagulat ko ang ginawa niya
Inabot niya ang kamay ko,
hinalikan niya ako sa kamay…
Such a gentleman, NAKAKATOUCH
Sino ang mag-aakalang may nangyari na sa aming dalawa ni Venn?
Wala!
Napakagentleman niya at never niyang binuksan ang topic tungkol sa nangyari sa amin noon,
“For you,” tiningnan ko ang isang basket nang chocolates na bitbit niya, hindi ko yon napansin kanina. Halata tuloy na sa kanya lang ako nakatingin at hindi sa kung anumang dala niya.
Umupo na siya pagkatapos niya akong mapaupo ulit.
“Gusto mo yata akong tumaba eh,” nakaismid na turan ko sa kanya.
“Kahit naman mataba ka o ikaw pa ang pinakapayat na babae sa buong mundo, ikaw lang talaga ang titingnan ko.” nakangiti nyang sabi habang nakatingin sa akin.
Grabe, siguro pag pinaglaban sila ni Boy pick-up, mas mananalo si Venn, ang galing niyang bumanat eh. Pero hindi ko hahayaan na paglabanin silang dalawa, baka kasi mamaya magustuhan siya ni Neneng B at hindi na ibalik sa akin. :)
May lumapit na waitress sa amin at kinuha ang order namin, we we’re talking about his business and kung anong pinagkakaabalahan ko. Nalaman ko na ang bar na pinuntahan namin nila Juls at Shan that night ay pag-aari ni Venn at nang bestfriend niya, nalaman ko din yong mga pinaggagawa niya para mahanap ako, pinag-uusapan namin ang lahat ng bagay para magkaroon ng impormaston tungkol sa isa’t-isa.
Sobrang komportable ako na kausap ko siya, yong pakiramdam na kahit whole day mo siyang kausap, hindi ka magsasawa. Hindi din ako nagsasawang tingnan ang mukha niya, napansin ko na good speaker siya, parang wala siyang flaws, at ayoko na siyang i-describe pa dahil baka tuluyan niyo na siyang maagaw sa akin.
“I’m not rushing things to happen, pero hindi ko na mahintay ang araw na magigising ako at ang mukha mo ang masisilayan ko sa umaga.”
Kinikilig talaga ako sa kanya, grabe! Hindi niya ba alam na yon din ang pinakahihintay ko?
Yong paggising ko, siya agad makikita ko, babangon ako ng maaga para magluto ng almusal at aayusin ko ang kurbata niya bago siya pumasok sa work niya, ako ang mag-aasikaso sa mga magiging anak namin, at hindi ko mararamdaman ang pagod dahil paghiga ko sa gabi, makikita ko ulit na siya yong katabi ko.
At alam ko ang lawak na nang naiimagine ko kaya…
Ititigil ko na to, hahaha!
Simula nang nakilala ko si Venn, wala na akong ibang ginawa kundi maghalucinate at gumawa ng future naming dalawa sa imagination ko.
Kung pwede nga lang sanang sagutin ko na siya ngayon, tapos diretso na kami sa kakilala kong attorney at magpakasal na kami agad eh.
Kaya lang, gusto ko munang magpakipot ng konti at makita kung paano ako susuyuin nitong si Venn.
BINABASA MO ANG
MIJUSHA : MiSSY GLANCE BLACHE *fin*
Humor“Friends forever?” si Missy “Friends forever!” sabay na sabi ni Shan at Julienne “Oh magkakasama na naman kayong tatlo, pumunta na kayo ngayon sa dining room dahil kung hindi mauubusan kayo ng pagkain para sa tanghalian.” Si Sister Marie. Nagtakbuha...