Umupo ako ng walang class para mapaalam sa kanilang dalawa na nandito na ako ulit.
“Anong uunahin natin, pag-uusap o pagkain?” tanong ko sa kanilang dalawa.
“I guess kumain na lang muna tayo” si Janna ang nagsalita, bakit ganun, para siyang kinakabahan?
Tahimik lang kaming kumain, naiinis na ako sa mga pangyayari dahil hindi ko alam kung paano magsisimula ang pag-uusap.
At dahil hindi heavy ang in-order ko ako naunang natapos sa aming tatlo, I just called the waiter at nag-order ako ng dessert.
Bago pa man dumating ang order ko tapos nang kumain yong dalawa,
“Masyado nang maraming oras ko ang nasasayang, baka gusto mo ng mag-umpisa Venn.” Sabi ko na lang, may karapatan akong magtaray ngayon kasi may kasalanan siya sa akin, hindi porque nilibre niya ako ng dinner ay magiging mabait ako sa kanya.
“Si Janna ang hayaan mong mag-explain ng mga pangyayari Missy” tumango na lang ako. So, si Janna pala ang lawyer niya ngayong gabi, tagapagsalita para wala siyang masabing makakasama sa image niya, ano kami nasa korte?
“Una, gusto kong humingi ng sorry sa lahat ng ginawa ko, alam ko Missy nadadama ng girls instinct mo na may feelings ako kay Venn, and yes, hindi ko itatanggi na mahal ko si Venn noon pa man, sa sobrang tagal hindi ko na matandaan ang exact date.” Hinihingi ko ba ang exact date? As if I’m interested. “Alam ko nagtatanong ka kung bakit ako nandito ngayon, eh ang pag-uusapan niyo nga ni Venn ay tungkol sa relasyon niyo. Kaya ako nandito dahil ako ang dahilan kung bakit nagkakagulo kayong dalawa, I’m sorry…”
Ano? Di ko naintindihan, anong kinalaman niya doon eh hindi naman siya yong naabutan kong katabi ni Venn sa higaan.
“What do you mean ikaw? You did a surgery that day at ginaya ang mukha ng ex ni Venn?” hindi ko na napigilang hindi magsalita, kanina pa napapanis ang laway ko ah!
“Hindi ako nagpasurgery para maging kamukha ni Donna, binayaran ko si Donna para mag-away kayo ni Venn. Ang una kong plano non ay dapat maging si Venn ulit at si Donna pero ang nangyari ay nakita mo nga sila after that day ng muli nilang pagkikita.” OH MY GOSH! Nakakainis siya, napakaimmature. “Pero bago ka magalit sa akin ng tuluyan sasabihin ko pa yong isa kong kasalanan para kung magagalit ka isang bagsakan na lang. In-edit ko ang resulta ng investigation na pinagawa ko at yon ang pinabasa ko sa Mommy ni Venn, and again I’m sorry for that.”
Naikuyom ko ang mga palad ko, hindi ko maarok kung anong klaseng utak meron si Janna para maisip ang lahat ng bagay na nagawa niya. Akala ko dati sa movies lang nangyayari yong mga ganung bagay, hindi ko expected na mangyayari ito mismo sa buhay ko.
Tiningnan ko si Venn at nakita ko ang pagkagulat sa reaksyon niya. So, hindi niya pa rin pala alam ang tungkol sa bagay na iyon?
Hindi na ako nakapagpigil tumayo na ako at sinampal ko siya, kinuha ko ang drinks na in-order ko, ito pala ang dahilan kung bakit ko naisipang mag-order ng tatlong drinks. Binuhos ko sa kanya at hindi pa ako nakuntento binuhos ko pa ulit yong isa. “Ang sampal na binigay ko sayo bayad ko yan sa lahat ng iyak na ginawa ko dahil sa mga gulong dinulot mo, at yong dalawang drinks na binuhos ko sayo, ganti ko yan sa binuhos sa aking pineapple juice ng Mommy ni Venn nang malaman niya ang pekeng impormasyon tungkol sa pagkatao ko. Pasalamat ka at nakakapagtimpi pa ako ngayon, pasalamat ka din dahil hindi ako kasing-ugali niyong mga mayayaman na akala niyo kung sino kung makapagmalaki at makapanglait ng tao ng ganun ganun na lang dahil kung nagdilim ang paningin ko baka hindi lang yan ang inabot mo sa akin, baka napatay pa kita ngayon.” kinuha ko ang table napkin at hinagis ko sa kanya. “Punasan mo ang sarili mo, pasalamat ka concern pa ako sayo.” At umupo na ako ulit, sobrang lakas ng paghinga ko dahil sa galit na nararamdaman ko.
Ang daming taong nakatingin sa amin pero wala akong pakialam, mahalaga nasabi ko na yong mga gusto kong sabihin. Ngayon ko napatunayan na napakalakas ng temptation ko, nakakaya ko pang magstay dito kahit parang sobrang galit na galit ako.
Nakita kong tumayo si Venn at kinuha ang table napkin, “Bakit mo siya tutulungang punasan ang sarili niya? Hayaan mong matuto siyang ayusin ang sarili niya ng siya lang, kaya gumagawa yan nang ganyang kabulastugan kinukunsinti niyo din kasi.” Inis na sabi ko.
Binitiwan ni Venn ang table napkin pero tumawag siya ng waiter para bigyan si Janna ng towel.
Tiningnan ko si Janna and she’s crying.
“Nakikita mo ba kung anong ginawa sa akin ng girlfriend mo Venn?” sabi niya sa pagitan ng pag-iyak.
“Correction, its ex-girlfriend. Nakakalimutan mo yatang naghiwalay kaming dalawa dahil sa kagagawan mo.” Okay, maldita na ako kung maldita. Pero nagagalit kasi ako! Naiinis ako dahil nagpaapekto ako sa mga kalokohang pinaggagawa ng praning na babae na to na naging dahilan para muntik pang mawala sa akin si Venn.
Muntik pa lang naman diba? Di pa naman siya nawawala diba?
“Ex na kung ex, pero ang sama mo sa akin, nagsorry na ako sayo dahil sa ginawa ko and I’m sincere, hindi mo ba alam kung gaano kahirap para sa akin na magsorry kanina? I’m trying my very best para hindi mawala sa akin ang bestfriend ko at para hindi mawala yong relasyon na meron kayong dalawa dahil alam ko na kapag naghiwalay kayo ng tuluyan wala akong ibang sisisihin dahil alam kong ako ang may kagagawan kung bakit malungkot ang bestfriend ko. I’m sorry Missy, patawarin mo na ako…”
Dapat na ba akong magpatawad?
Ganoon lang ba kadali iyon?
Eh bakit parang gusto kong ipakaladkad siya sa ten wheeler truck o di kaya sa mga kabayo pagkatapos igapos ko siya sa puno nang nakabitin tapos ipapakagat ko siya sa napakaraming antic. Tapos di pa ako makuntento ihulog ko pa siya sa balon at hayaan ko na siyang mag-ala sadako para lang makaahon.
Ang dami kong gustong gawin sa kanya pero alam kong hindi ako ganun kasama kaya hindi ko yon kayang gawin. Alam ko sobrang baliw ako at sobrang nakakatawa ako pero hindi ko kayang may masaktan na ibang tao nang dahil lang sa akin, hindi kaya ng konsensya ko. Tingin ko naman nakaganti na ako sa kanya sa ginawa ko kanina, at sa palagay ko sapat na yun para mawala na ang galit ko. Naging okay na ako dahil sa mga naimagine ko, sapat na siguro iyong nakaganti ako kahit sa imagination lang.
Sa sobrang tagal ko sigurong kausap yong sarili ko nainip na si Janna kaya nagsalita na lang ulit siya. “Ayos lang kahit hindi mo na ako patawarin, basta patawarin mo na si Venn at magkabalikan na kayo yon lang masaya na ako.” Tumayo na siya, “tingin ko sobrang kahihiyan na ang dinanas ko ngayong gabi, at alam kong dapat lang yun sa akin pagkatapos ng ginawa ko, bahala ka na Venn kung paano mo mapapasagot ulit si Missy basta ako nagawa ko na yong part ko.” yon lang at lumabas na siya ng restaurant.
Hinabol pa siya ng waiter dahil hindi niya binalik yong towel.
Syempre joke lang yun, pakunswelo na lang yon ng restaurant sa kanya.
**********************
Mag-uusap na si Missy at si Venn :)
magkaayos kaya sila? :D
Thank You for reading :)))))
BINABASA MO ANG
MIJUSHA : MiSSY GLANCE BLACHE *fin*
Humor“Friends forever?” si Missy “Friends forever!” sabay na sabi ni Shan at Julienne “Oh magkakasama na naman kayong tatlo, pumunta na kayo ngayon sa dining room dahil kung hindi mauubusan kayo ng pagkain para sa tanghalian.” Si Sister Marie. Nagtakbuha...