-- masyado akong excited sa paghaharap nila MIssy at Janna pero bibigyang way ko muna ang chapter na ito :)))
*******************
Ang aga-aga kong nakatanggap ng call galing sa Investigator na kinuha ko. Sinabi niyang alam niya na kung sino ang tunay kung ina, kaya nagmamadali ako
Nakipagkita ako sa investigator dahil sinabi niyang may nakalap siyang impormasyon tungkol sa totoo kong ina.
Nakangiti pa si Mr. Marquez ng makita ako at nakipagkamay pa siya sa akin.
"Pwede na tayong magsimula," sabi ko ng tuluyang makaupo.
Kinuha niya ang laman ng envelope at nilatah sa table. "Ito ang lahat ng impormasyong nakalap ko tungkol sa iyong pagkatao. You are Missy Glance Buentura bago ka mapunta sa ampunan, ang iyong ina ay nagngangalang Mikaela Buentura, as you can see ang apelyido mo ay kinuha sa apelyido ng nanay mo."
Buentura? Bakit parang pamilyar sa akin ang apelyidong yun? Saan ko ba naencounter yun?
"Ms. Blache, are you still with me?"
Natigil ako sa pag-iisip at napatingin ako ulit kay Mr. Marquez. "Please continue,"
"Ayun nga as I was saying ang surname na gamit mo ay kinuha sa mama mo, ang tatay mo ay isang customer sa bar na pinapasukan ng mama mo, ang pangalan niya ay Ha Dong Woo, at may tatlong taon na siyang patay sa sakit na Liver Cancer."
Nararamdaman kung nagbabadya ang luha sa aking mga mata, agad kong kinuha ang tissue at pinunasan ang paligid ng mata ko. Ang tatay ko, hindi na ako magkakaroon ng pagkakataon na makasama pa siya.
"You can cry if you really want to, wag kang mag-alala, marami na ang umiyak sa mga nalaman nila.”
Napangiti na lang ako, "Kaya ko pa namang pigilan, wag kang mag-alala kapag hindi ko na kaya pigilan hahagulgol na kang ako mamaya."
Ito talaga ako eh, kahit naiiyak na ako nagagawa ko pa magbiro.
“Inalam ko din ang tungkol sa pagkatao ng mama mo, at tulad nga ng inaasahan ko ay mas madaling makakalap ng impormasyon dahil nasa Pilipinas lang ang mama mo.” Tumingin pa siya sa akin matapos kunin ang isang lumang litrato. “Missy, wag kang mabibigla,”
Tango na lang ang sinagot ko sa sinabi niya, pinakita niya sa akin ang litrato at tinitigan ko tong mabuti, dalawang babae ang nasa litrato at nakangiti sila sa nasabing larawan.
“Ang kumupkop sayo at ang kinilala mong ina ay kapatid ng tunay mong ina, tita mo siya.”
Ang luha na kanina ko pa hindi hinahayaang bumagsak ay tuluyan nang dumaloy mula sa aking mga mata. Paano nangyaring hindi ko naisip na magkamag-anak kami, na halos lahat ng taong nakakakita sa amin ay pinagkakamalan kaming mag-ina.
Hinawakan ako ni Mr. Marquez sa balikat at naramdaman ko ang marahan niyang pagtapik sa akin. “At sa palagay ko Missy kung may dapat ka pang malaman tungkol sa pagkatao mo, mas masasagot ang mga katanungan mo kung ang Mommy mo ang tatanungin mo.”
“Thank you.” Inabot ko lang ang sobre sa kanya at nagpaalam na siya, ako naman ay tila hindi pa nakakahuma sa mga pangyayari.
Kaya pala ganun na lang ang pag-aalaga sa akin ni Mommy, kaya pala ganun na lang siya kung magpahalaga sa akin at kaya pala ganun na lang niya akong mahalin kasi tita ko siya.
**************
“Mommy!” nang tuluyan akong makapasok dito sa bahay ay wala na akong ginawa kundi hanapin si Mommy, “Mommy!” pumunta naman ako sa kusina matapos kung pumunta sa sala. Naiinis ako kasi parang ang sarap tupiin ng bahay namin ngayon dahil sa sobrang laki, hindi ko tuloy makita si Mommy.
BINABASA MO ANG
MIJUSHA : MiSSY GLANCE BLACHE *fin*
Humor“Friends forever?” si Missy “Friends forever!” sabay na sabi ni Shan at Julienne “Oh magkakasama na naman kayong tatlo, pumunta na kayo ngayon sa dining room dahil kung hindi mauubusan kayo ng pagkain para sa tanghalian.” Si Sister Marie. Nagtakbuha...