I was looking at her with so much emotions. I couldn’t take my gaze away from her. Is she really my baby? So do we have the same eyes? Is that how I felt when I first saw her? But how? Savvy is already dead. That’s what I believed in what Easton said when I woke up in Coma.
Kung hindi lang kami sa ganitong sitwasyon. Kanina ko pa siya niyakap. I want to hug her. Hindi maiwasan tumulo ng luha ko habang pinagmamasdan siya. I still need confirmation from Atticus. Tama ang hinala ko ng una na baka hindi talaga siya anak ni Axill at kapag napatunayan ko. No matter what happend kukuhanin ko siya kay Nix. I don't understand kung bakit niya tinago sa akin ang lahat. I hate him. Hindi niya alam kun gaano kasakit ang mawalan ng isang anak. He didn't know. Hindi ko siya mapapatawad kung ano man ang rason niya. Hindi niya alam kung ano ang pinagdaanan ko ng mawala si Kea. And now she's here. Even he is a Billionaire gagawin ko ang lahat.
Nakatayo ako sa tabi niya habang hawak ang isang baril. Mabuti naman at binigyan kami ng lalaki ng kaunting minuto at nakausap ko si Kea. Kailangan ko ng tulong niya para makatakas kami sa kamay nila. Kinausap ko siya na kung pwede huwag niyang sabihin sa Daddy niya na nagpapanggap lang ako. Kailangan ko makuha ang loob ni Atticus para lang mailigtas ang anak ko. Marahil sa sobrang pagod ay nakatulog na naman ito ulit. Sinabi ko sa kanya na hindi ko siya pababayaan. Naawa ako sa kanya dahil malapit nang mag-umaga kaya ang lamig ay mas lalong tumitindi. Pero hindi iyon ininda ng Anak ko. Sa tingin ko ay ayaw niya rin ako mag-alala.
Mahigit two hours na ang nakalipas ngunit wala pa akong nararamdaman nakakaiba. Tahimik ang paligid maging ang alon sa dagat ay kumalma. Napatingin ako sa kanan ng may marinig akong kalukos. Kumunot ang noo ko ng may mapansin akong kakaiba hindi lang ako maging ang tauhan ng lalaki. Kaya agad nila kaming pinalibutan. Duh! Hindi na kaya kailangan. Kung sila man 'yon hindi nila kami sasaktan.
Bagamat nanginginig ang braso ko ay naikasa ko naman ang baril ng maayos at itinutok iyon sa likod namin. Kanina ko pa nararamdaman na parang may nagmamasid sa amin at hindi nga ako nagkakamali dahil ilang metro lang ang layo ng isang lalaki sa amin. He is wearing a mask also pero iba sa kanila sapagkat may X drawing sa ibabaw ng mata.
"Mommy Bitch, I know them. Huwag kang magpalahalata kasi marunong silang basahin ang emosyon mo at galaw. Just act normal." sabi ni Kea na hindi ko napansin na gising na pala. "Promise me one thing Mommy. Just don't hurt, Daddy. Please!"
I bit my lower lip. "I don't believe in promises, Baby! But i'll try."
She just nodded. She is smart and I know she understand me.
Naalerto ako ng magpaputok ng baril ang kasamahan ni Nix at sa isang iglap bumulagta ang isang kasamahan namin. Ew! Kasamahan pala ng lalaki. Duguan ang ulo nito. Agad kong kinuha ang baril niya sa kamay kaya dalawang kamay ko na ang may hawak na baril. Isa likod at isa sa harap pero halos mapasigaw ako sa gulat na ang baril sa kanang kamay ko na nakatutok sa likod ay natilapon ng barilin ito ng hindi ko makilalang lalaki. Mahigpit ang hawak ko sa baril. Nanginginig na ang katawan ko sa takot hindi para sa sarili ko kundi kalagayan ng anak ko
Napamura ako nang pati ang isang kasamahan ng lalaki na nagbabantay sa amin ay bumulagta sa buhangin. Tulad ng isang sa ulo rin ang target nila. Hawak ko lang naman ang baril just to protect myself. Hindi ko kayang pumatay pero bakit ang dali lang para sa kanila?
Nasaan na ba ang putanginang lalaking iyon? Ano, Ako pa gagawin niyang masama sa putanginang plano niya? Napakagago!
Hindi na ako magtataka kung biglang sumulpot sa harap ko si Nix. He is holding a gun. His gaze was sharp on me as he kept on staring. I think he is ready to shoot me but he thinks that Kea is with me and his daughter can see for herself.
Tinututok niya sa akin ang baril dahilan para sumigaw ang bata. "No, Daddy." Narinig ko ang paghikbi ng anak ko. This is part of our plan but seing her crying is breaking my heart. Pero kailangan kong tatagan ang loob ko.
YOU ARE READING
Wrath of a Broken Soul
General Fiction"How did you manage to hide my daughter from me, Atticus?" -Savannah Ain Wesley "Damn! Don't you remember that you took her life before? You left me once, Ain. I love you so much." - Atticus Nix Grecco