Magkatapos makarinig ng isang sigaw ang mga estudyante, bumukas ang ilaw at dali-daling lumabas ang lahat papunta sa pinaroroonan ng sigaw.
Wala pang ilang minuto ay nawala na ang sigaw at siyang naging dahilan ng pagtigil nilang lahat sa pagtakbo.
"Sir, paano na iyan? Hindi na natin malalaman kung nasaan siya dahil huminto na siya sa pagsigaw!" Sigaw ng isang estudyante na halatang kinakabahan.
"Lahat kayo! Magu-grupo tayo sa dalawa!" Utos ng guro.
Naghati-hati sila sa dalawang grupo at nagkaroon sila ng kani-kanilang destinasyon.
Belle's POV
"Sa tingin mo? Mahahanap kaya natin yung taong sumisigaw?" Tanong sakin ni Miyuki.
Sa una, hindi ko talaga alam kung anong isasagot ko. Pero kailangan kong maging matapang sa sagot ko.
"Oo naman! Magtiwala ka lang sa sarili mo. Alam kong kaya natin to!" Sagot ko.
"Tama ka Belle! Salamat!" Siya.
"Walang anuman!"
"Mga bata! Kahit anong mangyari, walang hihiwalay sa partner niyo, maliwanag?" Tanong saamin ni Sir Luke.
"Opo!" Kaming lahat.
Buti na lang kami ni Miyuki ang magpartner. Sayang nga lang wala si Joshua dito. Sa kabilang grupo kasi siya napunta. Sa grupo ni Mdm. Ella.
"Belle? Ayos ka lang?" Narinig kong tanong saakin ni Andrea.
"Oo naman! Bakit?" Tugon ko. May pinag-uusapan kaya silang lahat na hindi ko alam?
"Wala lang, para kasing ang lalim ng iniisip mo eh. Stress ka siguro? Dapat kasi, sumasama ka sa mga getaway namin eh!" Mataray na pagkasabi niya.
"Ahhh hindi ako stress. Nag-aalala lang ako sa mga pwedeng mangyari." Mahinahong sagot ko.
Tumango na lang siya at saka umalis.
"Sir Luke, may nakita kaming bangkay sa may C.R. ng lalake!!" Sigaw ng hingal na hingal na si Joshua.
Sumunod kami sa kanya papunta rin sa mga grupo niya.
Pagkapunta namin sa C.R., agad na napayakap saakin si Miyuki.
Nanlaki ang mga mata ko sa kung ano ang nakita ko. Isang bangkay ng babae na hindi malaman ang itsura dahil sa puro hiwa at tapyyas ang mukha.
Eeeeeeeeennnnnnnggggg
"Ano ba yung ingay na iyon?! "
"Bwisit ang sakit sa taynga!!"
"Sir! Natatakot po kami!"
"Huminahon kayo! Hihinto din yan mamaya!!"
Sa wakas, huminto na rin ang ingay. Sasabog na ang taynga namin sa sobrang sakit! Saan nanaman kaya nanggaling iyon?
Walang anu-ano'y, bumukas ang isang flat screen na tv. Isang lalakeng nakabitin patiwarik!
"Ang unfair diba? Ang lalakeng ito at babaeng iyang ay nagme-make out samantalang kayo, nasa loob ng isang auditorium at nag-aalala. They deserve to die while you are suffering. If you want to save him, go find the answer."
Pagkasabi ng boses na parang alien, muli nanamang umingay ng napakalakas.
"Alam niyo ba kung saan ang lugar na iyan?" Tanong ni mdm. Ella habang tumuturo sa screen.
"Kung hindi ako nagkakamali, sa lumang bodega iyan!" Tugon ni Sir Luke.
Nagtawag siya ng ibang kalalakihan maliban kay Joshua para sumama sa kanya.
Habang kaming mga natira, napili kami para sagutan ang tanong.
"Paano tayo magsasagot kung wala namang tanong?" Inip na sabi ni Andrea. Nagkatinginan kami ni Miyuki.
"Iyon na nga!" Sabay naming pagkasabi.
"Anong ibig niyong sabihin?" Tanong ni mdm. Ella. Nagkaroon ng konting katahimikan at pumaligid saamin ang ibang estudyante.
"Mukhang alam ko na ang ibig mong sabihin!"
BINABASA MO ANG
Dormitory of Death
HorrorAll she wanted to have is JUSTICE for her karumal dumal na pagpatay. Sino kaya ang MAGLILIGTAS sa kanya? Ano kaya ang mga mangyayari?? I-search mo na lang sa google kasi hindi ko rin alam eh. Pag nahanap niyo, I-share niyo na lang saakin. Heart Hear...