His Right Thoughts

101 4 0
                                    

3rd Person's POV

"Are you ready to play the game?"

Bigla na lang may nagsalita sa speaker na siya ring konektado sa buong school.

Lahat ng mga estudyante at guro ay nagulat at hindi nakapasalita.

----Classroom----

Mdm. Ella's POV

"Bwisit! Sino namang lintik ang nangialam ang nagpasimuno niyan?!" Gigil na gigil na sabi ni Sir Luke.

"Sir! Si Joshua po at Isabelle! Kanina pa wala sa room!!!" Sabi naman ng isang studyante.

"Mdm. Ella! Papuntahin mo lahat ng estudyante sa auditorium. Pagsama-samahin mo silang lahay doon!" Padabog na sabi ni Sir Luke habang lumalabas ng room.

Habang ako, nagsimula ng maglipat ng mga estudyante.


Belle's POV

Yakap ko parin si Miyuki habang papunta kami ng room. Siguradong lagot kami nito kay Sir.

Si Joshua naman, alertong nakabantay saaming dalawa.

Habang pababa kami sa hagdan, nakasalubong namin si Sir.

"S-Sir?" -ako.


"Saan ba kayo nagpupuntang mga bata kayo? Hindi niyo ba alam na delikado na ngayon? Saka anong nangyari kay Miyuki? Bakit ganyang ang itsura niya?" Tanong ni Sir.

"Sir ayos lang naman kami eh .." Pagpapaliwanang ni Miyuki.

"Kung ganun? Dalhin mo na si Miyuki sa auditorium. Andun lahat ng mga estudyante! Pagkatapos, bumalik ka dito! Hihintayin ka namin! Kaylangan nating masuri ang insidente since kayo ang mga elites ng school! Maliwanag?!" -sir Luke.

"Opo!" Sabi ko saka umalis na kami.

Miyuki's POV

"Miyuki sorry ha? Peri kaylangan ko talagang sumama sa kanila ehh... Pasensiya na kung hindi kita mababantayan ngayon! Hayaan mo ihahabilin na lang kita kay Mdm. Ella!" Sabi niya saakin.

"Alam ko at naiintindihan ko. Para yun sa school natin at para sa n-namatay! Pero isang pabor lang, Belle!" Sabi ko.

"Pabor? Sige, ano yun?"

"Pwede bang kay Andrea na lang ako mag-stay?" Pakikiusap ko.

"Hah?!! Pero bakit?! Mas ligtas kung kay-"

Alam kong sasabihin niya ang mga bagay na iyon. Pero kaylangan ko siyang pilitin. Ayoko kay Mdm. Ella!

Kung nakita mo lang ang lahat Belle.....

"Please....Belle!! Pakiusap! Ayoko talaga sa kanya!! Doon na lang ako kay Andrea. Mas ligtas ako sa kanya!"

"Hindi kita naiintindihan pero bigyan mo muna ako ng rason para ibigay kita kay Andrea!"

"......Na-Naiilang k-asi ako eh! Gusto ko sa kapwa estudyante ko na lang!" -ako.

"Okay sige! Kung yan ang gusto mo! Pero mag-iingat ka ha?" Sabi niya tapos tumango-tango na lang ako. Tumingin ako sa kanya ng seryoso.

"Ako dapat ang magsabi niyan. Ikaw ang mas dapat na mag-ingat Belle." Babala ko sa kanya.

Belle's POV

Hindi ko na naiintindihan si Miyuki pero nagtataka lang ako sa mga sinasabi niya.

Mas ligtas siya kay Mdm. Ella at hindi kay Andrea.

Tsaka anong mas dapat na mag-ingat ako ngayon?

"AY PUSAKAL!!!!!" Nagulat na lang ako ng biglang may kumalabit saakin.

"May problema ba Belle?"

"Haaaay.... Kaylan mo ba balak na tigilan yang panggugulat mo?" Inis na tanong ko.

"Ummm....Mannerism ko na siguro toh! Pero wag mong ibahin ang tanong ko! May problema ka ba?" Nag-aalalang tanong niya.

Nandito na kami sa auditorium ngayon. Natapos na yung kaso sa babaeng nahulog sa building.

Aksidente lang daw ang lahat.

Si Katrina Fajardo ang namatay! Isa ring top students. Masyadong emotional si Katrina. Kaya siguro na depressed siya sa mga nangyayari ngayon. Hindi niya kinaya at nagpakamatay na siya.

"Malalim ang iniisip mo. Ayos lang kung sabihin mo saakin. Wala namang makakarinig eh. Tulog na ang lahat! Kahit marinig ng killer, ayos lang kasi mata-touch siya! Ayaw mo nun?! Baka magbago pa isip ng killer?!" Sabi niya. Nung una, maganda na, pero may patawa efek pa eh..

Napatawa na lang tuloy ako aa ginawa niya.

"Loko ka talaga!

Pero hindi naman kadramahan ang iniisip ko eh. Kundi si Miyuki." Sabi ko at napatungo ako na lang ako.

"Si Miyuki ba?" *lingon kay Miyuki* "Natutulog naman siya at
...............................katabi niya.......................si..........si Andrea?! Ang alam ko malayo ang loob niyong dalawa sa kanya? Diba dapat nasa tabi niya si Mdm. Ella?!" Gulat na gulat na tanong niya.

"Iyon na nga eh! Siya ang nagpumilit na kay Andrea na lang siya tatabi. At ang weird pa ng sinabi niya saakin kanina!"

"Ano yun?"

"Ilang beses siyang nakiusap saakin na ayaw niya kay Mdm. Ella. At ang sabi pa niya, mas ligtas siya kay Andrea kaysa kay Mdm. Ella! Isa pa! Nung sinabihan ko siya ng mag-ingat, bigla na lang siyang tumingin saakin. Isang tingin na kahit kailan ay ngayon ko lang nakita. Ang sabi niya ako ang mas dapat na mag-ingat. Hindi ko alam ang gagawin ko. Nalilito na ako Joshua!" Sabi ko tapos tumingin ako sa kanya. Hindi ko naman alam pero nakatingin din siya saakin na para bang may iba?

"Belle. Tama nga ang hinala ko." Sabi niya.

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko.

"Aaaaaaaahhhhhhhh!!!!!!!!!!! TULOOOONG!! TULUUUNGAN NIYO AKOOO!!! WAAAAA!!!!!!" Walang anu-ano'y may narinig na lang kaming boses ng isang babaeng sumisigaw.

At bigla na lang namatay ang ilaw sa buong auditorium!

Dormitory of DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon