Nightmares

98 4 0
                                    

Belle's POV

"Mukhang alam ko na ang ibig niyong sabihin!" Sabi ni Joshua.

"Kung wala ang tanong, kailangan natin itong hanapin. Ang paghahanap sa tanong ay siya na mismong sagot. Kailangan na lang natin makita ang tanong na iyan." Dagdag pa ulit ni Joshua.

"Dali mga bata! Maghanap kayo sa lugar na ito kung anong pwedeng maging tanong. Basta walang lalayo sa inyo." Sabi ni Mdm. Ella. Nagsimula na ang lahat sa paghahanap.

Ang ibang estudyante ay nayayamot na sa paghahanap. May ibang sumusuko, ang iba naman ay natataranta.

Napatingin ako kay Miyuki. Nagtaka ako kung bakit nakatayo lang siya at hindi naghahanap.

Sinundan ko ang panigin niya at nakita kong nakatitig lang siya kay Mdm. Ella.

Pero bakit? Ano naman kaya ang iniisip ni Miyuki.

Maya-maya, may nahulog na kung anong bagay sa likuran ni Mdm. Ella.

"Teka ano to?" Tanong ni Andrea na siyang nakapulot sa nalaglag na bagay.

Parang isang plywood na may sulat gamit ang dugo.

"Here I can relax, in this place I can hear beautiful melodies. They sound so good. Where is this place I could be?" Basa ni Andrea .

Lahat kami ay walang masabi kung anong ibig sabihin ng mga iyon. Parang isang bugtong na walang sagot.

"Sa music room! Sa music room lang tayo pwedeng makarinig ng magagandang tugtugin at pwedeng makapagpahinga!" Sabi ni Joshua.

Oo nga! Tama siya! Kumapit sa kamay ko si Miyuki at parang kabayo kung tumakbo. Higitin ba naman ako ng napakabilis??!!

Halos hindi ko na matanaw ang mga kaklase ko sobrang layo namin sa kanila. Hanggang sa huminto kami sa tapat ng music room.

Sa wakas, nakapagpahinga na rin ako. Buti pa si Miyuki, hindi hinihingal!

"Miyuki, bakit ba tayo nagmamadali?" Tanong ko.

"Belle, patay na siya!" Sabi ni Miyuki na umiiyak na.

"Ano bang pinagsasabi mo? Sinong namatay? Hindi kita maintindihan Miyuki?!" Sabi ko sa kanya! Bigla na lang niyang itinuro ang Music Room.

Ni hindi ko napansing nakabukas pala ang pinto! Patay na siya! Wala na siyang buhay ng madatnan namin.

Napayakap na lang ako ng mahigpit kay Muyuki. Hindi ko na kaya ang mga nakikita ko. Nakakapanindig balahibo.

Maya-maya pa ay narinig kong may taong paparating.

"Belle! Miyuki! Bakit naman kayo nang iwan?!" Medyo inis na sabi ni Joshua.

"Anong nangyari? Bakit nandito-" naramdaman kong napahinto siya ng kilos at pagsasalita.

Tumingin ako sa kanya. Nanlaki ang mga mata niya sa nakita niya. Isang walang buhay at nakasabit na tao ang nadatnan niya sa loob.

Tumingin siya kay Miyuki na humahagulgol. Tumingin din siya saakin at binigyan ako ng nakikisimpatyang mukha.

Tinapik na lang niya ang balikat ko bilang pag-unawa sa mga nangyayari.

Dumating na rin ang iba pang mga estudyante.

"Anong nangyari?"

"Oh My God!!"

"No! It's dead!"

"We're too late!"

"Please help us!"

Dormitory of DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon