Their Past

82 3 0
                                    

"Sagutin mo ang mga tanong ko Joshua! Ngayon na!" Sabi ko.

Hindi ko na napigilan ang pag-iyak ko.

"OO! AAMININ KO! NAGING KAMI NI ALLY NOONG HIGHSCHOOL PA LANG!!! PINSAN KO DIN SI CHARLES!! SA TOTOO NIYAN GINAMIT LANG TALAGA KITA PARA MAPABILIS ANG PAGHAHANAP KO SA PUMATAY KAY ALLY NOONG NALAMAN KO NA NAG-IIMBESTIGA KA! TOTOONG MAY KINALAMAN DIN AKO SA MGA UNANG PAGPATAY DITO NOON. PERO SA NANGYAYARI NGAYON, WALA NA AKONG ALAM DIYAN!" Sabi niya na nagagalit.

"Diba dapat *sobs* ako ang nagagalit ngayon! Dahil itinago mo saakin ang *sobs* katotohanan?! Pero bakit parang lumalabas na parang ikaw pa ang galit saakin?" Sabi ko. Huminga na lang siya ng malalim saka ako tiningnan.

Hinawakan niya ang balikat ko.

"Belle hindi ako galit saiyo! Galit ako sa sarili ko dahil ang gusto ko, ako ang unang magsasabi saiyo ng lahat! Pero sa iba mo pa nalaman ang tungkol dito. Patawad Belle. Hindi ko gustong itago sa iyo ang lahat ng ito. Naghahanap lang ako ng tamang oras at tamang pagkakataon. Patawad. Sana patawarin mo ako dahil sa paggamit ka sa iyo." Sabi niya ng mahinahon saka niyakap ako.

"Apology accepted. Bibigyan kita ng last chance. Pero gusto kong sabihin mo saakin ang totoo Joshua, mahal mo pa ba si Ally?" Tanong ko na agad bumitiw sa yakap niya. Ilang minuto muna bago siya sumagot.

"Oo, mahal ko si Ally. Mahal na mahal ko siya. Pero noon iyon. Kahit na kami pa ni Ally noon, may puwang pa rin sa puso ko na hindi niya kayang punan. At ikaw! Ikaw ang kumumpleto saakin, sa puso ko, at sa buong buhay ko. Mahal kita Belle, sayo ko lang naramdaman ang isang bagay na hinahanap ko noon sa kanya." Sabi niya habang pinupunasan ang luha ko. Saka nagsalita ulit siya.

"Parati kang nandiyan sa tabi ko. Isang bagay na hindi naibigay saakin noon ni Ally. Hindi dahil sa lagi ka niyang kasama kundi dahil may mahal siyang iba. Si Charles. Nagseselos ako tuwing nakikita ko silang magkasama. Pero ang mas masakit ay noong malaman kong pinagtataksilan ako ni Ally." Sabi niya na may luhang tumutulo sa mata niya.

"Nung araw na gusto kong komprontahin si Ally, ay nung araw kung kailan ko siya nabalitaang namatay." Sabi niya. Ngayon ko lang nakita na umiyak ng ganito si Joshua.

Agad ko na lang siyang niyakap ng mahigpit.

"Joshua, hindi ko maipapangako na palaging nasa tabi mo ako." Sabi ko na kumawala agad sa yakap namin.

"Belle? A-Ano? Pero bakit?"

"Hindi ko alam kung anong pwedeng mangyari ngayon dito. Hindi ko alam kung makakaalis pa tayo sa lugar na ito." Nababahalang pagkasabi ko.

"Atlis, sabay tayong mamamatay!" Sabi niya ng nakangisi.

Hinampas ko sya sa ginawa niya.

"Kanina lang umiiyak ka! Ngayon naman, nangaasar kana! Ako ba niloloko mo?! Ha?!" Galit kong sabi.

Iniwanan ko na lang siya tapos umupo ako sa tabi ni Miyuki.

Mukhang nagising ko ata siya.

"Belle, may problema ba?" Tanong niya.

"Wala! Matulog ka na ulit!" Pilit ngiti kong sabi.

Tumango na lang siya.

"Guys!!!! Stand up!! We'll be having our best activity, now!!!!" Sabi ni Sir luke at pumalakpak ng malakas.

"HUH?!?! Seryoso ka ba sa sinasabi mo Sir?!" Gulat kong tanong.

"Oo naman. Once you're ready, I'm gonna tell you guys, Kung ayaw niyo magparticipate, iiwanan na lang namin kayo dito sa school na to!" Sabi niya.

Dormitory of DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon