The Exams

138 4 1
                                    

DOD 3: The Killing

(Oct. 9, 2014)

Belle's POV

"Ngayon ang second and last day of Pre-exams. Sa wakas, matatapos na rin. Medyo mahirap kasi Essays. Saka Ally, siya nga pala si Miyuki, half japanese. Alam mo bang magkasing-ugali lang kayo?" Sabi ko sa puntod ni Ally. Pinayagan kasi kami ng teachers na lumabas ng school para bisitahin siya kasama si Miyuki at si Joshua.

"Am...Hi Ally. Ako nga pala si Miyuki. Masaya akong makilala ka." -Miyuki.

"At kasama ko rin dito si Joshua, ang top students sa second year. Alam mo bang nakaka-inggit yung talino niya." Sabi ko na tila nang-aasar kay Joshua with matching pout.

"Ally, Joshua nga pala ang pangalan ko. Nice to meet you. Nagsimula na naman tong kaibigan mo sa ka ek-ekan. Wag mo na lang pansinin. Nakalimutan lang niyan uminom nhlg gamot." -Joshua. Wow ah! Gantihang asaran lang. Anyway, lahat naman kami ay napatawa sa sinabi niya.

Pagkatapos naming magkwento sa kanya, nag-alay kami ng bulaklak at kandilang amoy tsokolate at mga kandilang mahahaba na may maraming designs. Paborito niya kasi yun.

At dahil nga paborito niya yun, nagkaroon siya ng mga imbakan ng kandila sa school kung saan kami lang ni Ally ang may alam kung saan iyon matatagpuan.

"Aalis na kami Ally. Happy happy happy 3rd anniversary!!! Miss na talaga kita ng sooooobraaa!!! GoodBye!" Pagpapaalam ko sa kanya. Bigla na lang akong napaiyak dahil naa-alala ko yung mga bondings naming dalawa.

"Eto oh.." sabi ni Miyuki sabay abot ng panyo niya.

"Salamat." Sabi ko tapos nagyakapan kaming dalawa. Tinapik naman ni Joshua ang balikat ko bilang pakikiramay.

-------------------------------

Nasa loob na kami ng classroom, at nagpapaliwanag ang aming mga proctor tungkol sa last day of exams.

Pinag-desisyonan nilang kuhanin ang aming mga cellphones at kung anong gadgets na pwedeng makagulo sa aming exam.

Mas mahirap na daw kasi ito ngayon kesa sa nauna na puro essays lang.

Kahit ayaw namin, ibinigay pa rin namin ito sa isa pang proctor namin.

Si mdm. Ella, ang pinakabatang teacher sa buong school.

"So let the exams begin!!" Pagpapa-hayag ni Sir Luke.

"Hay nagsimula na naman ang bangungot." Narinig kong bulong ni Andrea. Napangiti lang ako sa ginawa niya.

3 minutes

5 minutes

7 minutes

25 minutes

35 minutes

"Class, you still have 25 minutes remaining for that subject." pagwa-warning naman ni Sir Luke.

Bigla akong napatingin kay Mdm. Ella kung totoo ba yung sinasabi ni sir o hindi. Nginitian lang niya ako bilang pagsagot ng oo.

Patakaran kasi ni Sir Luke na hindi pwedeng mag-pasa ng test papers hanggang hindi pa tapos ang time limit.

Kanina pa talaga ako tapos. Hinihintay ko lang na maubos yung time limit namin.

Tumingin ako kay Miyuki. Halatang tapos na siya at nagdo-drawing lang siya ng anime chibi sa test paper niya. Napaka-OTAKU kasi ni Miyuki eh...

Dormitory of DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon