Clash of Killers

56 4 0
                                    

Belle's POV

     Nakarinig ako ng isang putok mula sa likuran namin.

     "JOSHUAAAAA!!!!! Hindi!!!!! Hindi pwede!!!! Dadalhin ka namin sa ospital. Kaya mo iyan. Huwag kang bibitiw!!! Naandito lang ako." naiiyak kong sabi.

    Natamaan si Joshua ng isang bala ng baril sa may dibdib niya.

     "Hindi! Teka! Hindi ko sinasadya!! Mali ang napatamaan ko. Hindi dapat sa lalakeng iyan tumama ang bala! Hindi! Anong gagawin ko? Pakiusap wag kayong magsumbong sa police!! Maawa naman kayo saakin!!!" narinig kong sabi ng guard.

      Hindi Ko na lamang Ito pinansin dahil mas nagpokus ako Kay Joshua na ngayon ay nanganganib na ang buhay niya.

      Habang nakatingin ako Kay Joshua, nakarinig nanaman ako ng putok ng mga baril.

      Biglang hinila ni Andrea any kamay ko paalis sa lugar na iyon kasama si Miyuki.

     Hindi KO na maintindihan ang mga pangyayari. Parang lumalabo any paningin ko sa oras na iyon. Unti unti ring nanlalabo ang pandinig ko.

     "Belle!!! Halika na!!!!!" sigaw ni Andrea.

      Pero paano si Joshua? Hindi ko siya pwedeng iwanan.

      Lumingon ako sa likuran ko at nakita ko mismong pasan ni Sir Luke si Joshua. Napangiti ako dahil alam kong may nagliligtas sa kanya. Dahil alam Kong kakampi si Sir. Dahil alam Kong matatapos na ang lahat.

      Pero biglang nawala ang mga ngiting iyon ng makita ko ang isang babaeng paika-ika at punk ng dugo sa katawan. Mula sa likuran nila sir, itinutok ni Tita Leila ang baril sa kanila.

      "WAAAAAAAG!!!!!!!" Sabi ko. Napapikit ako sa mga pangyayari. Kasabay nun ang pagalingawngaw ng isang bala ng baril.

      Napaupo ako. Umiiyak. At sa gitna ng kalungkutan, nakaramdam  ako ng isang mainit na yakap at agad na sinundan ng is a pang mainit na yakap.

      "Belle, kung Hindi tayo aalis sa lugar na Ito, mapapahamak tayong lahat." sabi ng isang babae. Hindi si Miyuki o si Andrea ang nagsalita. Kundi si Ms. Choi.

       Tumingin ako sa kanya na nakangiti ng malamlam saakin. Ngumiti din ako sa kanya at saka umiyak.

     "Kung Hindi pa kayo lalakad diyan, bahala kayo. Haaayssst. Hindi ako pumasok sa pagpupulis para lang magbuhat ng bata."  Sabi ni sir habang karga pa din si Joshua. Muling lumapad ang ngiti ko.

  

      "Tara na." Sabi ni Miyuki. Bakit parang Hindi ko makita si Andrea.

       "Guys!!!! Nasusunog ang buong school!!!!!" Sabi ni Andrea na sinalubong kami sa Corner ng hallway.

       "ANO?!?! Pambihira. Doon tayo dumaan sa kabila!!" Sabi ni sir at nagsimula na making umalis.

       Habang papunta kami sa auditorium, nakasalubong na rin namin ang mga estudyanteng lumilikas na.

     "Araaay!!!!" sigaw ni Andrea. Nabagsakan siya ng isang bakal sa may paanan niya.

      "Andrea!!!" sigaw ko. Nagtulong kami sa pagalis ng bakal sa paa niya. Pero Habang inaalis namin ito, unti unti namang nahaharangan ng mga debris ang buong paligid naming.

        Napapaligiran na rin kami ng mga makakapal na usok na siyang dahilan ng paghirap ng paghinga namin.

      Nakita Kong nawalan ng malay si Andrea kaya pinilit ko siyang gisingin. Pero hindi siya gumagalaw.

     "Belle....." Sabi ni Miyuki na hinang hina na. May hika siya. Delikado ang lagay niya dito.

      Bigla nalang siyang natumba.

  

     "Miyuki! Gumising ka! Dadalhin kita sa ospital." Sabi ko Habang niyuyugyog pa ang katawan niya.

     Hinanap ko si Sir Luke at Ms. Choi. Lahat sila nakahiga. Hindi ko alam kung sino ang uunahin Kong iligtas.

       Pero paano ko naman sila maililigtas kung pati sarili ko, hindi ko magawang mailigtas.

      Punong-puno na ng usok ang paligid. Puri sunog. Siguro hanggang dito na lang talaga ako, maging lahat.

      Tuluyan na along nawalan ng malay. Pero bago iyon, may mga boses akong narinig. May mga taong nagsi-pagdatingan. Hanggang sa tuluyang binalot ng dilim ang paligid ko.

      Sa wakas, makakasama na rin kita, Ally.

     "Belle!!!" sigaw ng isang Babae. Si Allea. Naandito na na ako sa langit?

     "Ally? Ally!" Sigaw ko. Tumakbo ako sa kanya at niyakap ko siya ng mahigpit.

     "Grabe Isabelle! Miss na miss na miss na talaga kita. Marami Sana akong gusting ikwento saiyo. Sayang nga lang hindi ka na magtatagal dito. Pero di bale, marami akong naging mga kaibigan dito." Sabi niya. Kahit na alam ko kung and ang tinutukoy niya, pinipilit pa rin ng sarili ko na hindi tanggapin ang katotohanan.

     "Ally, hindi kita ma-gets." Sabi ko. Ngumiti na lang siya saakin.

     "Malalaman mo rin." pagkasabi niya nun at Bigla na lang siyang nawala kasabay din yum ng Biglang pagbigat ng katawan ko.

      Anog nangyayari?

Dormitory of DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon