The Investigators

222 5 2
                                    

Salamat kay anonymousParkMJ dahil siya agad ang nasa notif ko..

Go check her story, "My Fantome Sweeteheart" di kayo magsisisi kapag binasa niyo yan. Thanks...

DOD 2: The Investigators

Belle's POV (Oct. 07, 2014)

Top 5 Ranking of 2nd Year's

1.) Joshua Nathan Kim --> 98.9%

2.) Katrina Fajardo --> 96.3%

3.) Miyuki Takamoto --> 95.5%

4.) Isabelle Courtney --> 93.7%

5) Andrea Fernandez --> 90.1%

"Waahhh!!!!! Belle!!!!!! Pang apat ka!!!! Nice Belle!!" Bati ni Kisha saakin. Naandito kmi ngayon sa harap ng malaking screen na nasa tabi ng exit ng school,nakikipagsiksikan.

"Salamat Kisha." Medyo matamlay kong pagkakasabi pero pinipilit kong maging masaya. Ang inaasahan ko, nasa pangalawa ako, pero hindi pala.

"Congrats Bess." Sabi naman ni Miyuki. Batid ko sa kanya na nanghihinayang din siya para saakin. Pangatlo nga pala siya.

"May 3rd grading pa Bess. Kaya natin yan. Fight lang ng Fight!" Pag-eencourage niya saakin. Napangiti na lang ako sa kanya.

"Tama! Fight lang ng fight!" Sabi ko. Nagtawanan na lang kaming dalawa.

"Miyuki! Isabelle! Congrats sa inyong dalawa!!" Sigaw ni Ms. Choi, ang adviser namin.

"Salamat po." Tugon ko sabay bow.

"By the way, nakita niyo ba si Joshua?" Tanong ni mam.

Umiling na lang kami ng hindi tapos umalis na siya.

Mayamaya pa ay nagsalita ang principal sa speaker na konektado sa buong school.

"Mga bata, magkakaroon tayo ng Pre-exams bukasy ng 8:00 am. Para lang yun sa mga nakakuha ng ranks sa ibat ibang year. Saka kailangan ding um-attend ng mga SSC Officers o Supreme Students Council. Yun lang salamat."

Pagkatapos niyang sabihin yon, maraming nainis at nagalit. Bukas kasi ang freetime ng mga estudyante.

Kahit ako nainis! Anniversary kasi ng friendship namin ni Ally yun eh. Badtrip talaga naman ah ah!! Namiss ko tuloy siya bigla.

"Uy!"

"Ay! Anniversary!" Sigaw ko na gulat. Buti na lang walang nakarinig. Lumingon ako para tingnan kung sino ang hayop na kumalabit saakin.

"J-Joshua?! Ikaw pala! Bakit ka naman nangugulat!" Medyo inis kong pagkasabi. Ngumiti lang siya.

Kasama nga pala si Joshua sa sectio namin. Siya ang nangunguna sa ranking kahit noong first year pa kami. Napakagaling niya sa lahat ng bagay. Marunong siyang mangalikot ng mga computer, electricity lines ng school, mag solve ng napakahirap na equation sa math, mga nakaka lokong bugtong, meron din siyang mga device na ewan. Basta mga pang technology alam niya.

"Si Allea na naman ba?" Tanong niya. Tumango ako.

"Hinahanap ka ni Ms. Choi." Tangi kong nasabi.

"Nag-iinvestigate ka diba?" Tanong niya sabay ngiti ulit. Nanlalaki ang mga mata ko nung narinig ko ang sinabi niya.

Hinila ko siya papalayo sa mga estudyante at nagpunta kami sa isang vacant room.

Dormitory of DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon