Belle's POV
Si Tita Leila!
Si Mdm. Ella!
Si Ms. Choi!
At ang School guard!Naandito silang apat. May kinalaman ba silang lahat? Bakit hindi sila humingi ng tulong sa Police?
Ang laki na nang ipinagbago ni tita Leila. Noong parang manang ang itsura niya. Ngayon, daig pa niya ang office girl kung manamit. Ang ganda na niya.
Saka hindi naman siya iyung principal dito noon ah..
Oo nga pala. Isang kriminal si guard, principal at Mdm. Ella.
Pero anong kinalaman dito ni Ms. Choi???
"Akala namin mababait kayo....Hindi pala!!! Mga mamamatay tao! Mga kriminal!!!" hindi na napigilang sigaw ni Andrea.
"Sabihin niyo. Bakit niyo ginagawa ito?" sabi naman ni Joshua na nagtatagis na ang mga bagang sa sobrang galit.
Pero mukhang hindi kami pinapansin ng apat at tanging kay Sir Luke lang sila nakatingin.
"Na-late ka. Ang usapan natin, before 30 minutes, naandito kana!" sabi ni Tita Leila, ang nanay ni Ally.
"Pasensiya na. Nagkaroon lang ako ng hindi pagkakaunawaan sa mga estudyante. " tugon ni Sir.
Teka! Anong ibig niyang sabihin???? Anong nangyayari??
Pinaglalaruan lang ba kami ng mga taong Toh?!?!
"Sir? May kinalaman ba kayo dito?" sabi ko na nagtataka.
"Siguro ang mga elites na ito ang tumulong saiyo para makapunta ka dito. Pero bakit sila lang? Nasaan ang ibang estudyante?" tanong ni Mdm. Ella.
"Hindi ko na sila isinama. At hindi ko na sila isasama pa. Tapos na ang paghihiganti niyo diba? Pakawalan niyo na ang mga bata. Inosente na silang lahat dito." sabi ni Sir Luke kay
Tita Leila. Bakit nga pala nakaupo sa principal's chair si tita?? Saka anong ginagawa niya dito??
"Tanga ka ba?!? Marami na silang nakitang mga ebidensiya. Tapos, pakakawalan ko pa sila?? Are you stupid? Instead, ipaparanas ko sa kanilang lahat ang dinanas ng anak ko sa school na ito."-Tita Leila.
"Tita ano bang ibig sabihin nito? Saka bakit niyo ito ginagawa??!!" nangagalaiting tanong ni Joshua.
"Tita pakawalan niyo na kami. Wala naman kaming kinalaman sa lahat ng ito ah...." sabi ko naman.
"The both of you, Shut Up!!! Sa tingin niyo ba idadamay ko kayo dito kung wala kayong ginawa??? Hindi diba?!?!" sabi naman ni tita na nangingilid na ang mga luha....
"Wala kaming ginawa sa kanya. Itigil mo na itong kabaliwang ginagawa mo tita." Walang respetong sinabi ni Joshua sa mama ni Ally.
"Joshua huminahon ka. Saka gumalang ka nga sa matatanda sa iyo. Baka nakakalimutan mong siya ang mama ni Ally." sabi ko.
"Matapos ang lahat-lahat!! Irerespeto ko pa ba iyang taong iyan." sabi niya. At base sa tono ng pagsasalita niya, mukhang may malaking galit talaga siya.
"Teka, anong ibig mong sabihin?" sa wakas nagsalita din si Ms. Choi.
"Tss. Siya lang naman ang dahilan kung bakit kami naghiwalay ni Ally. Mas pinaboran niya ang pinsan kong si Charles. Tinakot mo pa si Ally na kung hindi kami maghihiwalay, ipapapatay mo ako. Hindi na ako magtataka kung malalaman ko na lang na ikaw ang suspect sa sarili mong anak!!!" sabi niya. Masyado ng bumibigat ang atmosphere dito sa loob.
BINABASA MO ANG
Dormitory of Death
УжасыAll she wanted to have is JUSTICE for her karumal dumal na pagpatay. Sino kaya ang MAGLILIGTAS sa kanya? Ano kaya ang mga mangyayari?? I-search mo na lang sa google kasi hindi ko rin alam eh. Pag nahanap niyo, I-share niyo na lang saakin. Heart Hear...