Author's Message:

3.1K 15 4
                                    

Created by: J.A. Caballero

Hi readers!

Ako nga pala si J.A. at ang mga ikukwento ko ngayon sa inyo ay pawang katotohanan lamang, totoong nangyari at hindi gawa-gawang kwentong kalye dahil ako mismo ang nakaranas at nakasaksi sa mga pangyayaring ito. May iilan lamang na inexagge ko ang pagsasalarawan upang mas maging maganda at epektibo ang kalalabasan. Noong una, hindi naman talaga ako naniniwala talaga na may something o kakaiba sa mundong ating ginagalawan dahil ako yung tipo ng tao na "TO SEE IS TO BELIEVE" ang drama. Pero nung ako na mismo ang nakasaksi ng mga kakilakilabot na eksena, eh ibang usapan na.

Sa totoo lang habang nagsusulat ako ng aking mga kwento, palagi akong may background na soft music para hindi masyadong tahimik ang aking paligid. Dahil madalas ko itong ginagawa tuwing madaling araw o sa tuwing ako ay nag-iisa. Huwag lang sanang may mangalabit o may gumawa ng mga pambihirang ingay dahil baka mapasigaw ako ng malakas dahil ang eksaktong oras habang sinusulat ko ito ay 1:24am. Maaga pa. Marami pa akong maisusulat. :)

BABALA:

Hindi ko hangad o hinahangad na kayo ay takutin o kung ano pa man. Just want to share lang ang aking mga naranasang  kakaiba nitong mga nakalipas na taon sa aking buhay. At kung ngayon pa lang ay may pag-aalinlangan ka ng basahin ang aking mga istorya, malaya kang mag-close, lumipat ng ibang istorya o wag ng ipagpatuloy ang iyong pagbabasa. Ang sa akin lang, walang bastusan sa mga mababasa niyo kung hindi kayo matatakot! Kanya-kanyang trip lang yan. At kung ikaw naman ay matapang, handang unawain at handang palawakin pa ang iyong imahinasyon mula sa mga kwentong kababalaghan, binabati kita, welcome ka kapatid!

Siguro hindi ko na pahahabain pa, ako'y atat na atat na rin na magsulat at ibahagi ang aking mga hindi malilimutang karanasan.

Ngayon, Handa ka na ba?

HORROR EXPERIENCED (ongoing series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon