Part II: Ang Aswang

1.1K 19 4
                                    

Taong 2006.

Sariwa pa rin sa aking ala-ala ang unang karanasan kong makakita ng white lady. Isang buwan lamang ang nakakalipas ng makaranas na naman ulit akong makakita ngunit ng isang aswang naman.

Fullmoon noon kaya maliwanag ang labas kahit pa walang ilaw.

Gabi na noon at tulog na ang halos lahat ng tao maliban sa akin. Hindi lang siguro ako dinadalaw ng antok kaya naman paikot-ikot lang ako sa aking kama.

Mga ilang minuto din ang nakalipas ng bigla akong antukin at akma na sanang matutulog ng biglang may...

"BAAGGGGG"

Isang malakas na kalampag na nanggaling sa bubungan namin ang aking narinig. At hindi lang basta sa bubungan ng bahay namin kundi sa mismong bubong kung saan naroon ang kwarto ko kaya naman rinig na rinig ko ito.

Hindi ko na nagawa pang lumabas ng bahay dahil sa gabi na at baka pusa lamang iyon na tumalon galing sa kabilang bahay. Sinilip ko nalang ito sa bintana mula sa anino sa pader.

Ngunit laking gulat ko ng makita ko sa anino ng bubungan namin na kita sa liwanag ng buwan ang isang nilalang na medyo malaki sa pusa pero mayroon itong napakalaking pakpak

Nanlaki ang mata ko.

Tiningnan kong mabuti ang anino sa pader ng bahay na nasa unahan ng bahay namin at hindi talaga ako namamalik mata.

Ibang nilalang nga ito.

Kayo na ang humusga kung aswang, manananggal o kung ano mang klaseng nilalang ang nakita ko.

_______________________________________________________

Thanks for reading it. Click VOTE if you still want more stories like this. :)

-  by J.A. / jayeycaballero

HORROR EXPERIENCED (ongoing series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon