Part VII: School - pugot ang ulo

829 24 18
                                    

Author's Note:

Hindi naman siguro bago sa ating pandinig ang mga kababalaghan sa ating mga eskwelahan kaya itong kwentong ito ay hango sa totoong karanasan ko at ng mga kaklase/kakilala ko sa aming eskwelahan.

P.S. May ilang bahagi ng istoryang ito na kathang isip lamang ng may akda upang mas maging kaabang abang at mas maging maganda ang kalalabasan ng istorya.

__________________________________________________

FIRST YEAR COLLEGE

TAONG 2008.

MY POV:

Exam noon sa subject kong English 1.

As usual, lahat ng kaklase ko ay nagrereview maliban sa ilang estudyante na panay ang tsismisan sa likuran. (Nasa front row kasi ako nakaupo.)

Tinawag ako ng classmate kong girl na si Karen.

"Jay, sabay tayong magreview." sabi niya.

Pumunta naman ako sa 2nd row sa kabilang part tutal wala pa naman ang professor namin na magpapa exam.

Habang nagrereview ay napasilip ako sa may bintana at tinitingnan ang kalangitan at ang campus lalo na ang mga puno sa labas. Gawain ko kasi yun para makapagrelax lalo ang utak ko habang nagrereview.

Ng sa di sinasadyang may nakita ako sa di kalayuan na isang babae.

Nasa bubungan siya ng isang parang abandunadong bahay na tanaw sa classroom dahil nasa 4th floor ako.

Napakunot noo nalang ako dahil ano bang gagawin ng isang babae sa isang bubungan at umagang umaga.

Niyuko ko pa ang ulo ko para makita ang itsura ng babae pero laking gulat ko na..

"Oh my, pugot ang ulo." gulat na sabi ko.

"Ha?" tanong ni Karen.

"Karen, nakikita mo ba yung nasa bubungan ng abandunadong bahay na iyon? May babaeng pugot ang ulo. Ayun oh, kulay itim ang damit." tinuro ko pa sa kanya.

"Shocks Jay, ano yun. Bakit walang ulo yung babae." sabi nya.

"Nakita mo rin?" tanong ko.

"Oo." sagot niya sabay tingin sakin na parang natatakot.

Kinilabutan kami pagkatapos nun dahil wala sa isip namin na makakakita kami ng isang babaeng nakaitim na dress at may hubog ang katawan pero walang ulo.

Nagtaka naman ang mga kaklase kong nakarinig sa amin at tinatanung kung ano daw yung tinitingnan namin doon sa medyo may kalayuan.

"Nakikita mo ba yun Ian, yung nasa bubong ng abandunadong bahay?" tinuro ko sa kanya.

"Ha? wala naman akong nakikita." sabi niya.

Lalo tuloy kami kinabahan dahil ibig sabihin kami lang ang nakakakita ni Karen.

"Jay, wag mo nalang sabihin sa iba, baka hindi lang tayo paniwalaan." sabi ni karen.

"O sige." sang ayon ko.

Bumalik ako ng upuan ko pero isang malaking palaisipan pa rin sa akin ang babaeng walang ulo sa abandunadong bahay na iyon.

Natapos ang exam at saka tiningnan ulit namin yung babae sa bintana.

"Wala na." sabi ko sabay napatingin ako sa kanya.

"Naiisip mo ba ang naiisip ko Karen?" tanong ko.

"Hoy ayoko! Nakakatakot yan, hanggang ngayon nga tumataas pa rin balahibo ko." sabi niya.

"Pupuntahan lang naman natin. Samahan mo lang ako." sabi ko.

Pinuntahan namin yung bahay at napag alaman namin na tatlong taon na daw walang nakatira doon. Isang bagong mag-asawa daw ang nakatira dati doon. Seaman ang lalaki at namatay daw sa isang aksidente sa barko. Naiwang mag-isa daw doon ang babaeng asawa nito at nagluluksa sa pagkamatay ng kanyang asawa. Pagkatapos noon ay hindi na daw nila ulit nakita yung babae. Naglaho nalang ito na parang bula.

"Kaya siguro siya nakaitim" sabi ko kay Karen.

"At hinihintay niya siguro ang pagbabalik ng kanyang asawa." dugtong ni Karen.

"Ha?" gulat na sabi ng Manong na napagtanungan namin.

"Nakita po kasi namin yung babae kanina sa may bubungan at parang may hinihintay siya. Baka siya po yung babaeng yun." sabi ko.

"Hindi ko alam. Matagal ng walang nakatira dyan." sagot ni Manong na parang kinilabutan saka umalis gamit ang kanyang bike.

Umalis kami sa lugar na iyon na dala-dala ang sagot sa katanungan namin. Pero ang isa pang tanong,

BAKIT PUGOT ANG ULO NG BABAE?

__________________________________________________

KINILABUTAN KA BA SA STORY?

If YES, VOTE ka na and LEAVE SOME COMMENTS. I need 10 VOTES kung gusto niyo pa makabasa ng mga stories tulad nito. Mas gaganahan akong magsulat kung kayo ay hindi mga SILENT READERS! :)

AGAIN, THANKS SA PAGSUPORTA NG MGA STORIES KO! :)

HORROR EXPERIENCED (ongoing series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon