Part X: High School Reunion

304 10 2
                                    

AUTHOR'S NOTE: Hey guys! It's been a year since last akong nakapag udate. But thanks anyways for the supports and votes nyo na umabot na ng 7,300+ reads and 170+ votes kaya nainspire ulit ako magsulat. But then again, i can't promise na everyday ako makakapag update dahil busy ako sa work at the same time, nag sstudies din ako. Kaya pag may time gaya nito, mag uupdate na po ako.

Salamat ulit! So this next story is about my HIGH SCHOOL REUNION nito lang May 2014. And nag start ito ng ganito..

__________________________________________________________

6 YEARS AGO na ang nakalipas simula ng grumaduate kami ng mga kaklase ko nung high school at ngayon ay may kanya-kanya na kaming mga trabaho at pinagkakaabalahan sa buhay.

Pero hindi pa rin nawawala ang mga bonding lalo na pag ganitong summer or christmas vacation.

Napag-usapan namin na mag out of town trip naman kami since lagi nalang kaming dito sa metro manila nago-outing at napagdesisyunan namin na sa Anilao, Batangas magreunion.

(Hindi ko na babanggitin pa ang mismong resort kung saan nangyari ang kakila-kilabot na story basta ang resort na ito ay nasa dulo ng Anilao at isa sa mga sikat na resort sa batangas)

"YEHEEEEEYYYY!" Sigaw ng lahat habang bumababa sa van ng makarating kami sa isang beach resort kung saan kami magrereunion. 

"Wow ang ganda naman dito! Ang fresh ng hangin. Ang sarap siguro manirahan dito." Sabi ni gehlai na kaklase ko.

"Nanlalagkit na nga ako, gusto ko ng magswimming! hahaha." sabi naman ni Ken.

"Mauna lang ako guys para bayaran yung rooms na pinareserved natin. Mag-ikot ikot nalang muna kayo." sabi naman ni Syd.

Nag-ikot ikot ang iba at ang iba naman ay nanatiling nakaupo lang sa loob ng lobby dahil sa sobrang pagod sa byahe. Maya maya pa ay hinatid na kami sa mga rooms namin.

"Since sobrang dami natin, dalawang room ang kinuha namin, isa para sa mga girls, at isa para sa mga boys." Sabi ni Santri.

"Sureeee!"

"Tara tingnan na natin yung loob"

"Wowww!"

"Ang linis. Ang ganda"

"San ang cr."

"Uyyy dito ako ahh."

"Uyy tabi tayo."

Usapan ng lahat.

Nang makapag ayos ng mga gamit, nagbihis na agad ang iba dahil gusto nila makita ang dagat kung ano ang itsura.

Naiwan lang ang ilang babae na nag-aayos ng kakainin namin sa pananghalian.

Ako naman ay nanatili sa kwarto at inaayos ang room at higaan namin ng biglang may kumalabog..

"DDDUUUUUGG!" pagsara ng isang bintana..

HORROR EXPERIENCED (ongoing series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon