PART VI:

850 27 15
                                    

MY POV:

January 25, 2013. 1:03am

Yes. Bagong bago. As in ngayon lang talaga. Pero hindi ko alam kung ano ita-title ko sa Part 6 ng story ko na ito. Kahapon pa kasi talaga may nagpaparamdam sa akin ng hindi ko maintindihan.

MATUTUWA BA AKO?

O

MATATAKOT?

Matutuwa siguro dahil may bago na naman akong story na maise-share sa inyo

pero nakakatakot lang din talaga pag dama mo mismo sa sarili mo yung takot ng aktuwal na nangyayari.

GUNI-GUNI ko nga lang ba ito o meron talagang kakaibang NAGPAPARAMDAM sa tabi ko?

Kani-kanina lang may nakasilip sa bintana ng kusina namin.

Tapos may anino sa ilalim ng lamesa na gumalaw.

Pagkatapos may humawi ng kurtina sa likuran ko habang nagtatype ako.

Tapos kahapon ng umaga, may mga yabag ng paa akong narinig sa kwarto kahit na walang tao.

Totoo ba itong aking nararamdaman o dala lamang ng aking malikot na imahinasyon?

LAST WEEK LANG.

Nag overnight ate ko at mga classmate niya dito sa bahay para gumawa ng thesis.

Bago pa lang sila pumasok ng gate ay may nakita yung classmate ng Ate ko na isang batang babae na nakaupo sa isang sulok sa dilim.

Akala niya mang gugulat o baka nangtitrip lang yung bata pero nung niyakap nito yung isa nilang kaklase,

TUMAGOS YUNG BATA SA KATAWAN NG KASAMA NILA.

SAKA BIGLANG NAWALA YUNG BATA.

________________________________________________

Speaking about sa BATA.

Naalala ko yung matandang manghihilot na taga dito lang sa lugar namin.

FLASHBACK.

"May third eye ka tama?" sabi niya

"Ho?" sagot ko.

"Alam kong nakakakita ka noon, pero hindi na ngayon" sabi niya.

"Sinara mo kasi ang third eye mo kaya NARARAMDAMAN mo nalang sila." dugtong pa niya.

Naelib ako sa matandang manghihilot dahil nalaman niyang may third eye ako noon pero ito ngayon ay nakasara. OO NAKASARA NA. Kaya ngayong mga panahon na ito ay wala na akong nakikita, pero hindi ko man sila nakikita, NAGPAPARAMDAM naman sila sa akin.

Saklap noh?

Wala akong binabanggit sa kanya kahit na ano, na nakakakita at nakakaramdam ako pero alam na agad niya simula palang ng hawakan niya ang itaas na bahagi ng noo ko.

"Buksan mong muli ang third eye mo hijo. At makakatulong ka sa pamilya mo. Gamitin mo lamang ito sa mabuti." sabi niya sa akin.

Hindi ko naman kasi talaga maalala na sinara ko ito. Ang alam ko lang, wala na akong nakikita ngayon,

pero NARARAMDAMAN MERON.

Medyo may pag aalangan pa din ako sa sinabi niya pero nung pagkatapos magpahilot ang aking ama.

"Nakatapak ka ng maliit na bata" sabi ng manghihilot.

Nagkatinginan kami ni Papa kasi alam niya noong nagdaang linggo lang ay may nakikita at nagpaparamdam sa amin ng mga kapatid ko na isang BATA.

Oo. Isang bata.

Yung tipong gusto niyang makipaglaro.

Yung tipong habang nanonood ka, bigla nalang siyang sisilip sa bintana niyo.

Yung tipong pagpasok mo sa pintuan niyo biglang may tumakbo sa likod mo.

Yung tipong nagluluto ka at iniwan mong nakabukas ang kaserola pero pagkabalik mo nakasarado na. Nagtaka ka pa baka namamalik-mata ka lang kaya binuksan mong muli, pero pagkabalik mo maya-maya lang ay NAKASARA na ito ulit.

Ilan lang yan sa pakikipaglaro ng bata sa amin ng mga kapatid ko.

Hindi naniniwala si Papa sa lahat ng kinukwento namin sa kanya sa tuwing nilalaro kami ng BATA pero nung siya na mismo yung nagkasakit at nagpahilot...

Ang sabi sa kanya ng manghihilot ay:

"Nakatapak ka ng maliit na bata"

Doon na si Papa nagsalita at nagkwento sa matandang manghihilot na may mga kwento nga kami ng mga kapatid ko sa kanya pero hindi niya pinaniniwalaan.

Kinilabutan ako pagkatapos.

______________________________________________

KINILABUTAN KA BA SA STORY?

If YES, VOTE ka na and LEAVE SOME COMMENTS. I need 10 VOTES kung gusto niyo pa makabasa ng mga stories tulad nito. Mas gaganahan akong magsulat kung kayo ay hindi mga SILENT READERS! :)

AGAIN, THANKS SA PAGSUPORTA NG MGA STORIES KO! :)

HORROR EXPERIENCED (ongoing series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon