Part IV: BANGUNGOT

1K 20 18
                                    

Naranasan mo na bang bangungutin?

Yung tipong ang hirap gumising kahit na alam mong isang mulatan lang naman yun.

Yung tipong ang dilim dilim at wala kang makita.

Yung tipong alam mong gising ka pero bakit hindi ka magising-gising.

Yung tipong akala mong totoong-totoo na yung panaginip mo dahil dalang-dala ka.

Yung tipong ang hirap igalaw ang kahit anong parte ng katawan mo na akala mo ay nakagapos ka.

Yung tipong parang nakahiwalay yung kaluluwa mo sa katawan mo dahil kitang-kita mo yung sarili mong nakahiga at hindi mo magawang gisingin ang sarili mo.

At yung tipong paggising mo sobrang pawisan at hingal-kabayo ka.

OO! BINABANGUNGOT KA NGA!

 ________________________________________________

Taong 2007.

Madalas akong bangungutin sa tuwing ako ay matutulog. Yung tipong sobrang dilim pagkatapos ay bigla kang mahuhulog sa isang hukay na pagkalalim-lalim na walang katapusan.

Paulit-ulit. Paulit-ulit-ulit ng paulit-ulit.

Ganun nalang parati.

Hindi ko naman madalas nakakalimutan ang magdasal bago ako matulog. Yun nga lang minsan nakakalimutan ko lang talaga at aminado ako doon.

Una kong experience na mabangungot ako ay tuwing hapon pagkagaling ng school. Madalas kasi akong natutulog sa hapon. Medyo katutulog ko palang nun ng biglang,

" Ang hirap gumising kahit na alam mong isang mulatan lang naman yun.

Yung tipong ang dilim dilim at wala kang makita.

Yung tipong alam mong gising ka pero bakit hindi ka magising-gising.

Yung tipong akala mong totoong-totoo na yung panaginip mo dahil dalang-dala ka.

Yung tipong ang hirap igalaw ang kahit anong parte ng katawan mo na akala mo ay nakagapos ka.

Yung tipong parang nakahiwalay yung kaluluwa mo sa katawan mo dahil kitang-kita mo yung sarili mong nakahiga at hindi mo magawang gisingin ang sarili mo.

At yung tipong paggising mo sobrang pawisan at hingal-kabayo ka."

Takot na takot ako palagi sa tuwing binabangungot ako.

Pakiramdam ko kasi totoo na ang lahat. Ako pa naman ang palaging mag-isa sa bahay tuwing hapon dahil ang mga magulang ko ay may mga trabaho at ang mga kapatid ko naman ay mga panghapon ang pasok kaya lahat sila ay sa gabi na nakakauwi.

Hindi pa doon natatapos ang lahat.

___________________________________________________

Isang gabi habang ako ay natutulog na sa aking kwarto. Bigla na naman akong binangungot. At kakaiba ang bangungot na ito dahil ang scene ay sa kwarto ko din.

May isang maliit na nilalang ang unti-unting lumalapit sa akin.

Dahan-dahan siyang naglalakad habang papalapit ng papalapit sa kama na tinutulugan ko.

Ang nakakapagtaka ay nakikita ko rin ang sarili ko habang natutulog.

Doon ko napagtanto na nakahiwalay ang spiritual body ko sa physical body ko.

Mga ilang hakbang nalang ay makakalapit na ang dwende sa natutulog na katawan ko pero ang kaluluwa ko walang magawa para gisingin ang katawang panlupa ko.

HORROR EXPERIENCED (ongoing series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon