Part III: Nuno sa Punso

1.1K 19 2
                                    

Bata pa lamang ako nakakarinig na ako ng mga kwento patungkol sa mga dwende. Sila daw yung mga maliliit na nilalang na nakatira sa tinatawag nilang "punso"  kaya nabansagang NUNO SA PUNSO.

 _______________________________________________

Hindi pa masyadong sibilisado ang lugar namin noon dito sa Fortune, Marikina. At sa likod ng bahay namin ay mayroon isang malaking puno ng bayabas na mayroong umbok ng lupa na pinag hihinalaan nilang punso.

Sa likod ng bahay namin ay may nakatira na talaga. Itago nalang natin siya sa pangalang Kuya Mike. Binata pa noon si Kuya Mike at madalas sa tuwing gabi lamang siya naroon dahil na rin sa kanyang trabaho.

Isang araw, binungkal at tinanggal nila Kuya Mike yung maliit na bundok ng lupa sa labas ng bahay niya upang ito ay simentuhin at ayusin.

Nilagnat si Kuya Mike kinabukasan.

Sa tuwing natutulog din siya ay parang may dumadagan o sumasakal sa kanya at hindi siya makahinga.

Ang kwento pa sa akin ng mga kapit-bahay pa namin noon na kinuwento raw sa kanila ni Kuya Mike na mayroong namumuong lupa sa ilalim ng papag nya at sinabi ng mga kapit bahay na mukhang doon lumipat ang nuno sa punso na tinanggal niya sa kanyang bakuran.

Hindi naman pinaniniwalaan iyon ni Kuya Mike.

Isang gabi pagkarating ni Kuya Mike galing sa kanyang trabaho,

"Bakit ang kalat ng kwarto ko. Kakalinis ko lang nito kahapon." sabi niya sa sarili niya

Pagkakita niya sa kanyang papag na may kapirasong foam ay may isang invisible na nilalang na animo'y lumulundag sa foam dahil mapapansin mo ang bakas ng paglubog ng foam ng paulit ulit.

"AAAAAHHHHHHHH!!!" Sigaw ni Kuya Mike sa takot

Patakbo siyang lumabas ng bahay.

Lumipas ang ilang araw..

 pina house blesssing niya ang kanyang tirahan at nag-alay sa puno ng bayabas kung saan niya tinanggal ang isang maliit na bundok ng lupa na pinaniniwalaang punso o tirahan ng mga dwende.

At para na rin sa kanyang katahimikan.

_______________________________________________________

Thanks for reading it. Click VOTE if you still want more stories like this. :)

-  by J.A. / jayeycaballero

HORROR EXPERIENCED (ongoing series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon