Part IX: School - Auditorium

521 17 10
                                    

Isa siguro ang auditorium sa pinakamalaking facility ng school. Bukod sa pwede itong maging gym, dausan ng sports events, foundation week at christmas party, ito rin ang ginagamit sa tuwing may importanteng events sa school.

Kaya masasabi ko na maaaring may kababalaghan ding nangyari dito sa mga nakalipas na taon na hindi nga ako nagkamali.

_______________________________________________________

Foundation week noon at lahat ng mga estudyante ay busy at may kanya kanyang pinagkakaabalahan sa bawat department.

Isa ako sa mga nautusan para ayusin ang Auditorium tatlong araw bago mag simula ang naturang event.

Maraming estudyante naman ang nagvolunteer para tumulong din kaya hindi rin kami masyadong mahirapan sa aming gagawin.

Plinano namin kung ano ang mga gagawin at ininspection ang auditorium.

Sabado.

Nauna ako sa school namin at ako ang nagbukas ng Auditorium.

Pumunta ako sa backstage at sinilip ang mga props na pwede pa naming magamit ng biglang...

Nakarinig ako ng tumatakbo sa stage.

Parang may naghahabulan.

"Mga bata wag kayo dyan, bumaba kayo bawal dito maglaro." sigaw ko habang nasa backstage.

Pero tuloy pa din sila sa pagtakbo at rinig na rinig ko ang mga maliliit na halakhak nila.

Dahil sa init sa backstage at dahil nag-init ng onti ulo ko, pumunta ako sa stage at pagbukas ko ng pinto...

"Diba sabi ko -----"

Nawala bigla yung ingay at yung mga bata.

"Guni-guni ko lang ba yun? Pero parang hindi eh. May nagtatakbuhan talaga dito kani-kanina." medyo bulong ko sa sarili.

Katahimikan ang sumunod.

"Anung nangyari sa iyo?" tanong ng nagsalita.

"Rey, ikaw pala. Kanina ka pa ba dyan?" tanong ko.

"Medyo." sagot niya.

"So may napansin kang mga bata kanina dito na naghahabulan?" tanung ko ulit sabay turo sa stage.

"Anung bata? Wala namang naghahabulan dyan kanina." sabi nya.

"Meron! Hindi pwedeng wala. Rinig na rinig ko mga tawa nila kanina habang nasa likod ako." sabi ko.

"Wala nga. Kanina pa kaya ako dito. Nagtataka nga ako kung bakit ka sumisigaw kanina na bawal ang bata dito eh wala namang mga batang nagpupunta dito. Sabado kaya ngayon. Wala silang pasok." sagot niya.

"Ou nga nu." saka ako bigla napaisip baka guni guni ko nga lang siguro yun.

Maya maya pa ay nagdatingan na yung ibang volunteers.

Tapos ko na ding ilabas yung ibang props kaya naman nag cr muna ako na katabi ng auditorium para makapag hilamos at makapagpalit ng tshirt.

Pagbukas ko ng gripo at akma na sana akong maghihilamos ng biglang..

"Taya! Habulin mo ako." sigaw ng isa.

"Hahahaha!" sabi naman ng isa sabay takbo sa likuran ko.

Nabitawan ko yung tubig na nasa palad ko at napalingon ako sa likod.

Siguradong-sigurado ako na dumaan sila sa likod ko pero bakit bigla silang nawala?

HORROR EXPERIENCED (ongoing series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon