Taong 2011.
Malinaw na malinaw pa rin sa aking ala-ala ang kababalaghang naranasan ko kasama ang dalawa kong kaklase bago magbakasyon.
3rd Year College ako noon at Presidente ng isang organization.
Sinabihan kasi kami ng adviser at chairman ng department namin na ayusin yung bulletin board namin na nakalagay sa classroom.
Dahil officer ako at ako ang presidente, ako ang nanguna sa pag-aayos.
Ngunit hapon na noon kaya nag-uwian na ang ibang officers and members at dahil classmate ko ang Vice President at ang Treasurer, sila nalang ang mga naging katuwang ko.
8:30pm.
Natapos ang klase sa last subject namin.
"Tara na, bumili na tayo ng kulang para sa gagamitin natin" sabi ko.
Sabay-sabay na kaming bumaba mula sa 4th floor.
Pero habang nasa hallway palang kami ng mga classroom, napansin na namin na wala ng mga nagkaklase sa mga room.
"Maaga siguro silang natapos." sabi ni Peach, Vice President namin.
"Oo nga eh. Tayo nalang tuloy naiwan dito sa floor natin." pagsang ayon ni Marie, Treasurer namin.
"Wag nalang nating iwang nakasara ang mga ilaw tutal babalik pa naman tayo saka para hindi madilim" sabi ko.
Wala na nga talagang mga estudyante sa campus. Nag uwian na nga sila. May mga iilang empleyado lang ang natira.
Pumunta kami sa School guard at pinaki usapan na babalik kami at may bibilhin lang sa grocery.
"Kuya, wag niyo pong papatayin yung ilaw sa 4th floor. May tatapusin lang po kami na bulletin board. Kailangan na po kasi matapos yun ngayon." sabi ko.
Yun ang nireason ko kahit na alam ko na meron talagang kakaiba sa fourth floor. Pero hindi ko lang pinapansin dahil ayokong takutin sila lalo na yung dalawa kong kasamang babae.
"O sige. Bilisan niyo lang." sabi nya.
"Sige ho." sagot namin.
Mabilis kaming bumalik pagkabili ng mga materyales at sa pag akyat namin ay may napansin kaming kakaiba.
"Teka, sino nagpatay ng mga ilaw?" sabi ni Marie.
"Nakakahiya naman sa nagpatay, di pa nya nilahat. Hahaha!" sabat ni Peach.
Ngumiti lang ako at di ko na iyon pinansin.
9:30pm.
Nasa kalagitnaan na kami ng aming ginagawa ng biglang nagsalita si Peach.
"Nakakatakot pala dito sa school pag ganitong oras." sabi niya.
"Oo nga eh. Antahimik pa. Wala kasing mga estudyante." sabi ni Marie habang inaayos ang mga upuan.
"At ang dilim pa. Walang kailaw ilaw sa ibang building oh." sabay silip ko sa bintana..
Tumulong na din ako sa pag-aayos ng upuan para hindi magulo ang classroom bukas.
Ng biglang...
"Buuuugggggg."
Nagulat kami lahat.
Mula yun sa kabilang classroom.
Tunog ng isang natumbang upuan.
Di namin iyon pinansin dahil ayaw naming takutin ang isa't isa.
BINABASA MO ANG
HORROR EXPERIENCED (ongoing series)
HorrorMga kwento ng tunay na kababalaghan at tunay na karanasan na kakikilabutan ng bawat mambabasa. Handa ka na ba? - J.A. Caballero/ Author