Kaakit-akit sa paningin ang damit na kulay puti lalo na pag suot ito ng isang babae. Pero paano kung makakita ka ng isang babae sa dis oras ng hating gabi na may mahabang buhok at nakadamit na puti?
Taong 2006.
Ang hilig ng isang tulad ko sa tuwing gabi bago matulog ay ang magtext. Uso ang texting sa school, sa trabaho o kahit saang lugar. At kapag wala sigurong cellphone, hindi ka IN.
Ako nga pala si Jay.
Isang hating gabi habang ako ay nakahiga sa aking kama at nagtetext, biglang umalulong ng kakaiba si doggie, ang aso namin.
Ang Kama ko kasi ay may katabing bintana sa tapat ng aking uluhan at sa labas ng bintana, doon nakatali ang alaga naming aso. Uso pa noon ang mga akyat-bahay gang kaya naman sa tuwing kakahol ang alaga namin ay napapasilip ako sa butas ng bintana. Natatakpan naman ang bintana namin ng kurtina kaya hindi masyadong mahahalata kung dadahan-dahanin itong bubuksan.
Sa mga oras na iyon, bigla-bigla nalang umalulong ang aso namin.
Ibang ungol ito kung ikukumpara sa mga kahol na pinapakawala nya sa tuwing may mga dumarating na mga hindi kilalang bisita.
Sa isip-isip ko, medyo imposible naman na bisita namin o ng kapit bahay namin ang pupunta ng dis oras ng hating gabi para lang sa isang bagay na kakailanganin niyang puntahan na maaari namang ipagpabukas nalang. At mas lalong hindi kapit bahay namin ang darating dahil kilala na sila ni doggie, kaya naman sa tingin ko, isa itong akyat-bahay gang.
Dalawang minuto ang tinagal ng ungol ni doggie. At dahil narin sa curiousity ko kung bakit walang tigil ang kaka alulong/kakaungol niya ng pagkahaba-haba na para bang wala ng bukas sa ingay, eh sinilip ko na nga kung sino ba yung taong iyon at ayaw pang umalis sa kinatatayuan nya sa labas ng gate namin.
Nakaka-inis yun ah! Bwisit.
Sa una inunti-unti kong hawiin ang kurtina hanggang sa maaninagan ko na ang tao sa labas
At laking gulat at laki ng mata ko ng makita ko na isang...
WHITE LADY ang nasa may labas ng gate namin.
"oh... my....." sabi ko ng pagkabigla.
Siniyasat ko munang mabuti dahil baka namamalik-mata lang ako.
Isang babaeng nakalugay ang itim at mahaba nitong buhok, maputi, naka white dress, may hubog ang itaas na parte ng katawan niya at medyo nakatagilid ang kanyang pwesto.
Hindi ko masasabing matangkad siya dahil hindi ko makita kung lumulutang ba siya dahil sa sarado ang gate namin at hindi nakikita yung ibabang parte pag may mga dumarating.
Hindi ko rin masyadong maaninag kung ano ang itsura niya pero siguradong-sigurado ako na isa siyang white lady dahil sa ayaw niyang umalis o gumalaw man lang sa kinatatayuan niya na para bang may hinihintay o tinitingnan sya.
"oh... my...... God" ulit ang nasambit ko.
Hanggang sa...
Unti-unting lumilingon ang kanyang ulo patungo sa kinaroroonan ng kwarto ko.
"Haaaaahh." biglang takip ko sa bibig ko
Bago pa ito makatingin sa kinaroroonan ko kung saan ako nakasilip ay nagtalukbong na agad ako ng kumot saka tumaas ang balahibo ko sa katawan at bumilis ang tibok ng puso ko.
First time kong makakita ng hindi isang pangkaraniwan na nilalang sa buong buhay ko.
Matagal pa bago huminto sa pag ungol ang alaga naming aso. Takot na takot pa rin ako pero hindi ko magawang tumakbo o sumigaw ng malakas dahil baka magising ang mga nasa kabilang kwarto. Feeling ko rin na parang walang boses na lumalabas sa bibig ko at nakaramdam na ako ng pagkalamig-lamig na hindi ko maintindihan.
Tinakpan ko nalang ang tenga ko at pinilit kong siniksik ang sarili ko sa isang sulok ng kama ko upang doon magtalukbong ng kumot. Hinintay ko munang tumigil sa pag ungol ang aso namin saka ako medy Juno nakalma at nagdasal.
_______________________________________________________
Thanks for reading it. Click VOTE if you still want more stories like this. :)
- by J.A. / jayeycaballero
BINABASA MO ANG
HORROR EXPERIENCED (ongoing series)
HorreurMga kwento ng tunay na kababalaghan at tunay na karanasan na kakikilabutan ng bawat mambabasa. Handa ka na ba? - J.A. Caballero/ Author