Part V: The Teddy Bear

887 21 12
                                    

Masasabi kong isa sa mga paboritong laruan ng mga bata ang teddy bear. Lalo na kung may music na naka insert sa loob nito. Isang pindot mo lang ay tutunog na ito ng kusa. Pero paano kung yung teddy bear na paborito mong paglaruan nung bata ka pa, ay ikaw na naman ang paglaruan at balikan nito? Ano ang gagawin mo?

_________________________________________________________

Taong 2009.

"Jay gising na."

"Pa, sabado ngayon. Wala akong pasok!" sagot ko.

"Jay, ano bang laman ng kahon na na ito?" tanong sa akin ni Papa.

Tinutukoy niya yung kahon na nasa ilalim ng kama ko.

"Mga regalo yan sa akin.. nung high school pa lang ako. Tsk!"   inis kong sagot.

"Ipapalaba ko kasi yung mga teddy bear na nakadisplay sa sala. Meron ka pala dito. Isama ko na to. Medyo madumi na eh." paliwanag niya.

"Bahala ka Pa, wag niyo muna akong kausapin, puyat ako." sagot ko sabay talukbong ng kumot.

Hapon.

Nagising ako dahil sa isang di ko maipaliwanag na "tunog". Wari ko'y nanggagaling sa isang laruan ng kapatid ko na paubos na ang baterya. Hindi ko na ito pinansin.

Gabi na ng bigla ko ulit ito marinig.

"Naririnig mo ba yon Ley?" tanong ko sa kapatid ko.

"Ang alin?" kunot noong tanong niya.

"Yung maliit na tunog. kaninang hapon ko pa naririnig yun eh. Paulit-ulit kada 5 minuto." paliwanag ko.

"Ha? wala naman. Baka guni-guni mo lang yun."

"Meron talaga!" Pagpilit ko.

Matagal na tumunganga yung kapatid ko para hintayin na marinig yung tunog na tinutukoy ko.

Katahimikan.

Biglang tumunog ulit yung tunog na narinig ko.

"Narinig mo?" Tanong ko.

"OO pero mahina." sagot nya.

Nawala ulit yung tunog.

Maya-maya lang bumalik ulit ito at inabangan namin pareho.

"Naririnig ko na. Medyo lumalakas yung tunog." sabi niya.

"twi..liiii....rrr....w....i....nd..eeerrrr"

Hinanap namin yung tunog sa loob ng bahay pero hindi pa rin namin ito makita kung saan ito nagmumula.

Lumalakas ang tunog.

"twi..liiii....rrr....w....i....nd..eeerrrr....hat....yyyyyyyyooo..eeee"

Lumalakas pa at naiintindihan ko na yung tunog.

"twinkkkkklllee-twwwwiinkklee, littt-lllee sssssttaarr. hhooww i wwoonder whatt yooou are."

Palakas ng palakas...

Palakas ng palakas...

"Parang nanggagaling sa labas ng bahay yung tunog." sambit ko habang naglalakad palabas ng bahay.

"twinkle-twinkle liiiittle starrrrr, hooww i wonder wwhat you aree"

"twinkle-twinkle liiiittle starrrrr, hooww i wonder wwhat you aree"

"twinkle-twinkle liiiittle starrrrr, hooww i wonder wwhat you aree"

Paulit ulit.

Nilapit ko ang tenga ko sa maliit na brown teddy bear na nakasabit sa hanger. Saka luminaw yung tunog.

 (play the video on the right side of this story.)

"TWINKLE-TWINKLE LITTLE STAR, HOW I WONDER WHAT YOU ARE?"

Nakadalawang ulit pa saka ako napangiti dahil yun yung teddy bear na binigay sa akin nung birthday ko nung high school. Saka ko bigla naalala na madalas ko yun paglaruan at patunugin pag stress ako.

"Gumagana pa pala ito." sabi ko

Saka ko tinawag si Ley:

"Ley nakita ko na yung tumutunog ng twinkle twinkle." pagmamalaking sigaw ko.

"Eto yun oh." sabay turo dun sa bagong labang teddy bear.

Tumutunog pa rin ito hanggang sa biglang tumigil. Pinindot ko itong muli ngunit ayaw na.

"Ay ayaw na" malungkot kong sabi.

Saka biglang nag flashback sa akin yung sinabi sa akin ni papa kaninang umaga.

FLASHBACK.

"Ipapalaba ko kasi yung mga teddy bear na nakadisplay sa sala. Meron ka pala dito. Isama ko na to. Medyo madumi na eh." paliwanag niya.

REALIDAD.

"Ipapalaba?" bulong ko sa sarili.

Bigla ko naalala na nilabhan nga pala ni Papa yung teddy bear na yun. Ngunit ang pinagtataka ko, dapat kanina pa yun nasira dahil sa maghapon iyong basa. Napakunot tuloy ako ng noo.

Maya-maya pa..

"TWINKLE-TWINKLE LITTLE STAR, HOW I WONDER WHAT YOU ARE?"

Bigla kaming nagkatinginan ni Ley na may halong takot at kaba.

"Oh my -----"

"BUMMMMMMM."

May isang malakas na tunog ang bumagsak sa aming bubungan. Napatakbo kami sa loob ng bahay saka namin isinara yung pintuan at pumunta sa isang sulok.

Mula dun sa malakas na tunog sa aming bubungan,

may biglang nagkiskis ng kuko simula sa unahan hanggang sa likuran ng aming bahay.

Katahimikan ang sumunod.

Sa sobrang takot, hindi na kami makapagsalita at hinihintay nalang namin kung ano ang susunod na mangyayari. Tahimik lang kami na nakaupo sa sala at hindi kami nagkikibuan. Naghihintay nalang kami ng pagdating ng aming Ate galing ng school.

Pagkalipas ang kinse minutos.

Dumating si Ate at nagtaka sa itsura naming dalawa na para bang nakakita ng multo.

Inilahad namin sa kanya ang nangyari at maging siya ay kinilabutan at nagtaas din ang balahibo.

__________________________________________________________

Sa ngayon, hindi ko na alam kung saan nakalagay yung teddy bear na yun pagkatapos malabhan dahil lahat ng kasamahan niyang teddy bear ay nakadislay na sa lalagyan.

_______________________________________________________

Thanks for reading it. Click VOTE if you still want more stories like this. :)

-  by J.A. / jayeycaballero

HORROR EXPERIENCED (ongoing series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon