EIZS&SAB26

554 21 13
                                    

"Eh anu? Sabihin mo? Anu pa bang gusto mo? Andito ka,andito naman ako. Tahimik ako. Hindi tayo nagtatalo kapag hindi tayo nag uusap. Tahimik ang buhay mo. Tahimik ang buhay ko. Simple diba?" Si Eizs.

"Eizs asawa mo ko! May mga pangangailangan ako." Hindi na napigilan ni Sab na sabihin ang nararamdaman.

" anu? Sex? Yun ba? Yun ba Sabrina?" Si Eizs.

Sabay talikod nito.

Lalong nairita si Sab at sinundan nito si Eizs.

"Oo. Oo sex! Responsibilidad mo yun sakin?" Si Sab.

Umupo si Eizs sa sofa.

"At kung hindi ko ibigay sayo?anu?hihingin mo sa iba?" Matalim ang tingin ni Eizs kay Sab.

"Anu?! Sumagot ka?" Si Eizs. Tumayo ito at lumapit kay Sab.

Parang binuhusan si Sab ng malamig na tubig. Parang monster sa paningin nya si Eizs.

"Sumagot ka!" Sigaw ni Eizs.

Natulala si Sab sa galit ni Eizs. Habang hindi naman nya alam ang isasagot sa asawa.

"Gusto mo ba?" Tanong ni Sab kay Eizs ng mata sa mata...

"Gusto ko bang hanapin mo sa iba?" Si Eizs.

Lumuluha na si Sab... luha ng galit at pag iisa.

"Oo! Gusto mo ba? Sagot!" Si Sab na prang handa ng lumayas sa sigawan na yun...

"Sige...ikaw! Ikaw bahala!" Si Eizs.

Tumalikod si Sab.

Pumasok sa kwarto. Kinuha ang kanyang duffle bag. Naglagay ng mga damit dito.

Nakita iyon ni Eizs.

Si Eizs na dinampot ang sigarilyo at lumabas ng veranda.

Pagkaraan ng ilang minuto ay bumukas ang pinto ng veranda.

"Aalis na ko,yung main door isara mo." Si Sab.

Di sumagot si Eizs.

"Hon anu ba? I said, I'm leaving yung door..." si Sab.

Hindi natitinag sa pagtalikod si Eizs.

Bigla naramdaman nya ang mahigpit na yakap ni Sab mula sa likuran.

"Hon...please... stop it..." si Sab.

Tumutulo ang luha ni Eizs.

"Hindi ako magmamakaawa sayo to stay. If you wanna leave. Then leave." Si Eizs.

"Please hon..." lalong humigpit ang yakap ni Sab.

Halos hagulgol na ang iyak ni Eizs.... Parang pinupunit ang kanyang puso.

"Hindi ganito ang pangarap ko para sating dalawa hon..." si Sab.

"Are you sure you want me to leave?" Si Sab.

"Tinanong mo ba ko nung nakipagkita ka kay Caed? Tinanong mo ba ko nung bago ka makipagsex sa kanya?" Si Eizs.

Humarap ito.

BEDTIME STORY MO TO! BOOK2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon