EIZS&SAB8

1.2K 33 29
                                    

Dumating na sa harap si Sab... buong buo sya.

Naupo na ang lahat ng magsimula na ang union ng dalawa at dumating na ang pinakahihintay ng lahat... sa oras na magpapalitan ng vows ang mga ito.

"Eizs,ikaw ang mauuna..." Si Father Peter

"Opo..." maiksing tugon ni Eizs.

Tumugtog na ang vow song ng dalawa... mahina sa background... si Tin at Cathy ang kumakanta... ang kambal na kaibigan ng pamilya ni Eizs...

(Listen to the video downloaded here habang binabasa nyo ito)

🎼Sabi nila, balang araw, darating
Ang iyong tanging hinihiling
At noong dumating ang aking panalangin
Ay hindi na maikubli
Ang pag-asang nahanap ko sa 'yong mga mata
At ang takot kong sakali mang ika'y mawawala
At ngayon, nandiyan ka na
'Di mapaliwanag ang nadarama
Handa ako sa walang hanggan
'Di paaasahin, 'di ka sasaktan
Mula noon hanggang ngayon
Ikaw at ako🎼

"Sab, ito na mahal ko... yung dati na pinagkukwentuhan lang natin sa telepono...andito na tayo. Napakaganda mo... hindi ako nagsisisi na pinakasalan ka ngayon mismo." Tawanan ang lahat sa unang mga linya ni Eizs.

Napangiti si Sab habang lumuluha...

Hinawakan nito ang kamay ni Sab,na iniabot naman ng huli.

"Sa tatlong taon, napakahirap... madaling imaginin... madaling isipin ng lahat kung paano pag sila yun...pero tayo...tayo...alam natin kung gaano kahirap ang lahat." Si eizs na halatang pinipigilan ang mga luha...

"Needless to say na we surpass all those...kasi..." matamang nakatitig ito kay sab,mata sa mata...

"everyday... nagdedesisyon parin ako.... everyday,gaano man kahirap, gaano man nakakatakot...at gaano man kasakit. Araw araw kitang pinipili."

Naghawak ng kamay si RC at Julie, napasandig naman si Nikki kay Marc sa gilid habang nakatayo... naiiyak sila dahil saksi sila sa mga bagay na sinasabi ni Eizs...

🎼At sa wakas ay nahanap ko na rin
Ang aking tanging hinihiling
Pangako sa 'yo na ika'y uunahin
At hindi naitatanggi
Ang tadhanang nahanap ko sa 'yong pagmamahal
Ang dudulot sa pag-ibig natin na magtatagal
At ngayon, nandiyan ka na
'Di mapaliwanag ang nadarama
Handa ako sa walang hanggan
'Di paaasahin, 'di ka sasaktan
Mula noon hanggang ngayon
Ikaw at ako🎼

"You made me a real man for always teaching me and letting me feel that I chose you."

Mahigpit na naghawak ng kamay si Rc at julie... dama nila ang sinseridad ng mga pangungusap na ito...

" Dahil sayo... naiintindihan ko na lahat ng failures and heart aches ko nuon..."

Di na napagilan ng luha ni eizs na malaglag... naalala nyang lahat ang sakit na naranasan nya kay Lyra. Mga pamamahiya. Mga oras na naiiwan sya mag isa sa kanilang condo. Mga oras na hindi sya mahalaga...

"lahat yun...pinapasalamatan ko..."

bagsak na ang luha ng kanilang mga bisita lalo na ang mga crew at kaibigan ni eizs...

"because if not for those,I wont be here beside you..." seryoso ang mukha ni Eizs. Habang humihikbi...

"ikaw yung kaisa isang ibinigay ng Dyos na nagturo sakin na matuto na isang tao lang sapat na." Napatawa ang audience...

"You made me believe in trusting... you made me a one woman man."

Napatayo...Napahiyaw at napapalakpak ng malakas si Demety... hinablot sya ni RC...

Napatingin si Eizs sa dalawa ng nakangiti...

"Wooohhh!!! Si Direk yan!!!"

"ipinapangako ko sayo... na hindi man magiging madali... i will always remind myself why i chose to love you..."

BEDTIME STORY MO TO! BOOK2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon