EIZS&SAB4

1.5K 29 14
                                    

"Baka nanawa na ang destiny na pasakitan ka... napagod na ba?" Si Marc mula sa likuran ng dalawang nag uusap.

Napalingon ang dalawa.

" bakit mo pa kailangang kwestyunin direk? Hayaan mo lang ang puso mo na maging masaya...anyway,kapag naman may dunating na panibagong gusot,wala ka naman gagawin kundi harapin so why bother yourself? Ienjoy mo lang muna..."Si Marc parin.

"Ito ang problemahin mo..." sabay abot ng telepono ni Eizs.

"Nakasilent ka ata,siguro pang ilang tawag na yan...di mo nakikita." Inabot ni Eizs ang kanyang telepono at nakita nyang tumatawag si Sab.

"Hi hon..." sagot ni Eizs.

"What's wrong?" Si Sab sa kabilang linya.

"I've been calling you couple of times hindi mo sinasagot." May himig pagtatampo nitong sagot.

"Busy lang..." si Eizs at nagmwestra ng pagtahimik sa mga kasama...

"Di mo ba ko namimissed?" Tanong nito.

Tumayo si Eizs.

"Syempre namimissed. Busy lang...galing ako sa meeting. Medyo maraming inasikaso. Alam mo na..." Sagot ni Eizs.

"Anyway,tumawag ako kasi hindi ako makaalis kanina dahil di pa ko nakakapag paalam sayo. Biglaan kasing nagyaya sila ate jane manuod ng sine. Sabi ko,tatawag muna ko sayo. Sabi naman nya,sya na daw magpapaliwanag sayo...kaya napilitan na kong sumama..." pagsusumbong ni Sab.

Perks ng pagiging LDR ang honesty at pagpapaalam na napag kasunduan nila Eizs at Sab bago nila simulan ang relasyon.

"Ah ganun ba?andyan ba si Jane?kausapin ko nga..."si Eizs.

Iniaabot ni Sab ang cellphone kay Jane at sila ni Eizs ang nag usap.

"Hi Jane,kamusta?" Si Eizs

{ito,nililibang si Sab... as promised.} sabay kindat kay Sab,lumayo ng konti si Jane kay Sab. Dahil alam nitong nandito na ang kanilang direktor. Accomplice kumbaga.

{jane nasan kayo?} si Eizs

{manunuod kami ng sine dito sa glorietta. Fifty shades of grey. Bet mo?hahahahaha}

{baliw...sige. Ingat kayo...} si eizs

Iniabot na ni Jane kay Sab ang telepono nito.

{oh hon?pano?okay na?bye na. Love you...} si Sab na walang kaalam alam...

{love you too...} masuyong sagot ni Eizs.

Ramdam ni Eizs ang pananabik sa girlfriend. Di na sya makapaghintay sa tatlong araw,gusto nyang makita si Sab kahit sa malayo lang.

Ibinaba na ni Eizs ang telepono.

"Marc,pahiram ako ng kotse." Si Eizs.

"Bakit?san ka pupunta?ipagdrive nalang kita..." si marc.

"Baliw...kaya ko na... akin na susi mo." Si Eizs

"Sama kami direk...tara na." Si Nikki

Buo ang loob ni Eizs na titigan lang si Sab kahit sa malayo...

Bumaba ang si Eizs at Nikki sa building ng hotel. Habang si Marc ay naiayos na ang sasakyan sa harap ng hotel. Pagbaba ng valet sa kanilang sasakyan ay sumampa na si Eizs sa likod, si Nikki sa harapan at si Marc sa drivers seat.

"Direk,san sila?" Si Marc

"Sa Greenbelt 5 sila... so Greenbelt 3 cinema"Maiksing sagot ni Eizs.

"I thought Glorietta?" Si Nikki.

"Mali yun,nagkamali lang si Jane." Sagot ni Eizs.

"Glorietta? Oo mali yun. Si Sab sa Greenbelt talaga nanunuod yun saka si Direk." Si Marc.

BEDTIME STORY MO TO! BOOK2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon