EIZS&SAB19

460 22 7
                                    

Lumuhod si Eizs sa harapan ni Sab.

"Hon,alam mo kung anu yung mas masakit? Yung hindi mo man lang ako binigyan ng pagkakataon na magdesisyon kung pakakasalan pa kita o hindi na. Marami kang pagkakataon para aminin sakin to. Ganun ba? Ganun ba talaga katanga ang tingin mo sakin?" Si Eizs.

"No Hon,hindi totoo yan..." si Sab na patuloy paring umiiyak habang hawak na ngayon ang mukha ni Eizs.

"Hon,please...stay...please..." si Sab.

"No. I cannot." Sabay pikit ni Eizs.

"No...no...please?" Yumakap na si Sab kay Eizs ng mahigpit.

"Isang trial lang iiwan mo na ko?" Si Sab.

"Nangako ka...sabi mo hindi mo ko iiwan?sabi mo araw-araw mo kong mamahalin?anung nangyari?" Si Sab.

Buhos na ang iyak ng dalawa.

Nakayakap pa rin si Sab kay Eizs.

"Gusto ko ng matulog. Inaantok ako." Maiksing tugon ni Eizs.

Tumayo ito at nagbihis ng pantulog. Humiga at pumikit.

Naiwan si Sab na umiiyak.
---------------------------------------------------------

Maagang nagising si Eizs,nagpadeliver ito ng almusal sa kanilang kwarto.

Nagising si Sab na nagkakape na si Eizs sa coffee table na malapit sa bintana ng kanilang kwarto,nakatanaw ito sa malayo.

Tinitigan ito ni Sab,masaya ang puso nya na ito ay nanatili.

Tumayo si Sab,iniayos ang kanyang robe at lumapit sa asawa.

"Good morning Hon..." sabay halik sa pisngi ng asawa.

"Good morning. Coffee?" Maiksing tanong ni Eizs.

Umupo si Sab at nag ayos ng kanyang kape,kumuha ito sa coffee maker na nasa table,ito ay pang dalawahang coffee maker.

Kumuha ng duche croissant at naghiwa ng butter. Pag angat ng mukha nya ay nakita nya si Eizs na nakatitig sa kanya,malamlam ang mga mata nito.

"Hon..." si Sab ang nagbukas ng usapan.

"What?" Si Eizs.

"Yung kagabi?"maiksi at hindi maituloy ni Sab.

"Pwede ba tayong mag usap?" Si Sab ulit.

"Gusto kong ipaliwanag ang side ko." Si Sab parin.

"Sige..." maiksing tugon ni Sab.

"Hon,nagstart yun nung makipag kita sakin si Caed 1 week prior ang kasal natin. Nagkakwentuhan kami,pagkatapos nun nasundan yun ng reunion namin ng mga classmates namin ng high school. Then, isang gabi... magkakasama ulit kami nagkainuman. Nabitin kami kaya napagdesisyunan namin na ituloy sa condo nya,duon nagkalasingan. Natulog kaming lahat dun. Nung hindi ko na kaya niyaya ako nila Karen na matulog sa room ni Caed since puro babae naman,pumayag ako. Kami kami lang yun eh, apat kami. Pero nung magising ako may humahalik sakin..." habang nagpapaliwanag si Sab ay tumutulo na ang luha nito.

"Bago yun napaginipan kita,kaya pagmulat ng mata ko pakiramdam ko ikaw yung humalik sakin..." umiiyak na si Sab.

"Gumanti ako ng halik,naalimpungatan lang ako nung magsalita sya at bumulong sa tenga ko ng...talk dirty babe..." tuloy tuloy ang agos ng luha nito.

"Pumalag ako pero pakiramdam ko nanghihina ang katawan ko kaya di ako makalaban." Si Sab parin.

"Anu yun rape? Sabihin mo para idemanda ko sya." Si Eizs.

Tuloy parin ang pagluha ni Sab. Pero umiling ito. Tuluyan ng bumagsak ang luha ni Eizs.

"Hindi ka nya pinilit?so pumayag ka?" Si Eizs.

"Tatlong taon Hon...nananabik ako sayo. Nadala lang ako." Si Sab.

"Shit....1 week before our marriage? Bakit hindi ka man lang nagpaalam sakin?bakit wala man lang abiso na aalis ka o kung sino kasama mo?" Si Eizs.

"Hindi tayo nag uusap nun." Si Sab.

"Not an excuse." Si Eizs.

"Wala kang planong aminin sakin ang totoo Sab. Kaya ka ba nya susunduin?dahil aalis ulit kayo?nung mismong kasal natin?" Si Eizs.

"Hon...sorry... sorry na please?sorry,I fucked up...how can I make it up to you?" Si Sab.

"Walang hindi sinasadya dun Sabrina. Lahat yun ay desisyon mo. Walang pumilit sayo. Lahat yun ay gusto mo." Si Eizs.

"Hon,please?bigyan mo ko ng isa pang chance?nagmamakaawa ako sayo,gagawin ko ang lahat para makabawi. Please wag lang tayong masira?" Si Sab.

"Bakit?natatakot ka sa sasabihin ng mga tao?" Si Eizs.

"Hindi. Hindi ko gustong masira tayo o maghiwalay."

"Bakit nga?"si Eizs.

"Mahal kita. Isang gabing pagkakamali lang yun." Si Sab.

"Isang gabing pagkakamali?" Si Eizs na ngumiti. Nag sip ng coffee sabay tingin kay Sab.

"Hindi mo ba alam na sa unang hakbang mo palang papunta sa unang pagkikita nyo ni Caed,na hindi mo pinaalam sakin nirisk mo na ang relasyon natin na masira..." si Eizs.

"Hon tulad mo,mahal ko ang relasyon na to. Mahalaga ka sakin,kasing halaga ng lahat ng pinagsamahan natin." Si Sab.

Tuluyan ng tumulo ang luha ni Eizs.

"Hindi totoo yan... dahil kung pareho ang pagmamahal natin. Iingatan mo ang relasyon na to tulad ng pag iingat ko." Si Eizs.

" kung pareho ang halaga sayo nito,sana naisip mong ang bawat galaw ko,alam mo...wala akong oras na inilaan sa ibang tao kaya walang ibang tao ang nakapasok sa pagitan natin sa anggulo ko." Umiiyak na si Eizs.

Lalong nadudurog ang puso ni Sab dahil dama nya ang sakit na nararamdaman ni Eizs, totoong pinipilit ni Eizs na sa pagitan ng mga sakit ng kalooban nya sa nangyayari ay hindi sya nagbibitaw ng masakit na salita kay Sab. Ayaw nya ng kalat.

Naniniwala si Eizs na ang masasakit sa salita ay mistulang kalat na ibabato nyo sa isat-isa at kung marami na ito,mas mahirap ng linisin at ayusin ang relasyon. Kaya todo ang pagpipigil nya. Ngunit gustong magwala ng loob nya. Gusto nyang magbato ng gamit,gusto nyang sigawan si Sab,gusto nyang sumbatan ito. Pero pinili nyang kalmahin ang sarili.

"Hon,isang pagkakamali lang yun?hindi maaaring maging basehan yun ng malalim na pagmamahal ko sayo." Nanghihina na ang tuhod ni Sab sa kakaiyak.

"Isang pagkakamali? Hon,kahit isa...kahit dalawa o kahit ilan...hindi ko magawang magkamali sayo... ganun ka kahalaga sakin." Si Eizs.

"Hon please stay with me. Give me a chance...please.." matindi na ang pag-iyak ni Sab ng lumuhod sa harap ni Eizs yunakap ito sa tuhod ni Eizs.

"Hindi mo na ba ko kayang mahalin? Hon?" Si Sab.

"Hindi ko alam..." tuluyan ng gumunaw ang mundo ni Sab.
---------------------------------------------------------
Enjoy Reading💋

HAPPY PRIDE MONTH mga kalahi!!! 🌈

BEDTIME STORY MO TO! BOOK2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon