EIZS&SAB2

2.2K 24 5
                                    

"Yes..." tipid ngunit sapat...

Sapat upang bumaba ng stage si Eizs at lapitan si Sab...

"Finally,in flesh..." bulong ni Eizs sabay yakap kay Sab.

Ng maghiwalay sa yakapan ang dalawa ay isinuot na ni Eizs ang singsing kay Sab.

Hindi magkamayaw ang lahat ng cellphone sa pagpa flash ng mga camera. Videos na hindi maawat. Kanya kanyang vlog ang lahat...

Itinaas ni Sab ang kamay...

Pinakita ang ring nya sa lahat.

"Hon,hon... hon-da ka na?" Tanong ni Sab kay Eizs... nilukot ng huli ang buhok nito.

"Corny mo..." sabay yakap ulit ang dalawa.

Kinurot ni Sab sa bewang si Eizs,hinawakan ang mukha nito at nilapatan ng masuyong paghalik... napapikit ang dalawa... dala ang 3 taong pagkamissed sa isat isa.

Sabay sabay na naghawak kamay ang mga nasa entablado.

Nang maghiwalay ang mukha ng magsing irog na naghahalikan ay sabay sabay naman na nagbigay pugay ang mga kasamahan sa entablado at nagpalakpakan...

"Our very own... DIREK! welcome back... sayo na ulit ang trono!" Sigaw ng kaibigang si Nikki...

Sa tatlong taon...halos si Nikki ang pumalit kay Eizs. Napakaraming nangyari. Napakarami...

Nanlalabo ang mga mata ni Eizs habang nakatitig sa lahat ng taong nanduon sa mga oras ng proposal nya kay Sab. Hindi nya maunawaan ang nararamdaman. Overwhelming ang kasiyahan samantalang... nagpropose palang naman sya?

Biglang nagbalik sa alaala nya ang isinet up na meeting ni Nikki 3 days bago ang araw na ito.
————————————————————————
"Direk,paano? Traffic lang ng konti ah?pero andito na kami ni Marc halos sa airport. Medyo mabagal lang ang galaw ng mga sasakyan."
Si Nikki.

"As always,pag dito naman talaga papunta kahit nagsky way pa kayo. Traffic naman talaga...pero okay lang. Bezs... naibook mo ko?" Si Eizs na nasa kabilang linya.

"Oo naman. Sofitel? Okay na? Sila nalang ang available eh... fully book kasi nga alanganin na bakasyon...alam mo na... direk, sigurado ka bang di dapat malaman ni Sab? Baka magalit yun..." si Nikki habang kausap parin sa cellphone si Eizs.

"Paliwanag ko later ang plan ko...bezs,andito lang ako sa duty free... tagal nyo eh..." si Eizs.

"Sige lang,wag mo kami kalimutan ah? Size 8 lang direk..." lambing ni Nikki.

"Not a problem. Nasa suitcase na... bumibili lang ako ng alak for later. Inom tayo..." Si Eizs.

"Bezs possible ba tayo dumaan sa QC? Titignan ko lang at dadalhin ang pasalubong ko sa sister ko. Gusto ko rin makita yung new born nephew ko... alam mo na? Pinanganak at kinasal yung sister ko...di ako nakauwi eh." Malungkot ang tinig ni Eizs.

"Sure,andun daw ba si Tere?" Tanong nito.

"Yeah. Kausap ko sya kanina...sabagay pwede naman din bukas nalang...kaso wala pa akong kotse. Gamit ni Sab...sa isang araw pa raw yung delivery nung bago ko...pakitanong nga kay Marc kung..." di pa natatapos si Eizs ay sumagot na si Marc.

BEDTIME STORY MO TO! BOOK2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon