Eizs&Sab 17

498 19 8
                                    

Sa kabilang banda at panig ng daigdig...

Isang tila lalaki ang nakatayo sa isang veranda,may hawak na beer at tumutungga...

Hawak nito ang isang lumang iphone na may lock screen picture nya na mahaba pa ang buhok at isang babae na maganda at nakayakap sa kanya.

VO NI CAED: "hindi Sab... hindi totoo na nagbreak kami ng girlfriend ko. Dinahilan ko lang yun para makipagkita sayo... simula nung maghiwalay tayo, kung sino sino ang naging girl friend ko at lahat ng yun ay failed relationships. Akala ko kaya ka nakipaghiwalay kasi gusto mo na ng lalaki. Kaya nagpakalalaki ako... at hindi ako makakapayag na isang lesbian din ang aagaw sayo sakin. Gagawin ko lahat para makuha ka ulit."

Hindi matanggap ni Caed na makakahanap si Sab ng ipapalit sa kanya. Kung kaya anuman ang nagiging balakid sa pagbabalik nya ay siguradong plano nyang gawan ito ng paraan.

Tila nagngingitngit ang puso nito sa tuwing maiisip kung gaano kasaya ang mag asawa sa kanilang honeymoon. Nakita nya na naiblock na sya ni Sab sa messenger at hindi na nya ito mapadalhan ng mensahe. Nagbukas sya ng isang pouch ng bagong sim... at ipinasok muli sa isang telepono.

Natapos ang gabi ni Sab at Eizs sa isang masuyong pagniniig. Masaya si Sab,ganun din si Eizs.

Dis oras ng gabi ng tumunog ang telepono ni Sab,may tumatawag.

Mahimbing ang tulog ni Sab dala ng maghapong pagod sa paglalakad at paglalakwatsa ng mag asawa. Naalimpungatan si Eizs sa tunog na yun. Dinampot nya ang telepono ni Sab.

Sinagot nya ito.

{Baby, mabuti naman sinagot mo...} kilala ni Eizs ang tinig na yun sa kabilang linya. Natigagal sya kaya hindi sya nagsalita. Tila lasing ang nasa kabilang linya.

{Sab,babe... magsalita ka naman...} pagpapatuloy nito.

Di parin sumagot si Eizs.

{Sige bahala ka kung ayaw mong magsalita.basta pakinggan mo lang ako babe...}

Tila puslo na tumatarak ang bawat kataga sa puso ni Eizs. Di nya namalayan ang pagtulo ng kanyang luha. Nasa gitna sya ng hindi pag amin sa sarili na nagaganap ang sitwasyon na ito.

{babe,pinakialaman ka na ba ni Eizs? Tang ina nya... tang ina nya. Akin ka lang babe... tuwing naaalala ko yung sex natin the night before your goddamn wedding napupuno ng selos ang puso ko...} tila lumuluha ang nasa kabilang linya.

Ngunit mas iba ang bagsak ng luha ni Eizs,wala itong pagkaputol...tila tumatarak ito diretso sa kanyang puso.

{nasasaktan ako higit sa tuwing iba-block mo ko para lang hindi malaman ni Eizs na nung gabi bago ang kasal nyo...nakuha kita ng buo...} natawa ng bahagya si Caed.

{alam kaya nya ang pagtirik ng mata mo habang kinakain kita nung gabing yun?tapos mukhang tanga syang sayang saya nung araw ng kasal nyo? Tang ina...kawawang Eizs di nya alam na sa paningin ko,buong mukha nya ang iniputan mo... dahil habang nag A-I do ka sa kanya... parang naririnig ko pa ang moan mo nung gabi bago yung kasal mo} di na kinaya ni Eizs ang posibleng marinig nya pa kay Caed.  Ibinaba nya na ang telepono.

Tulala si Eizs habang patuloy ang pagtulo ng kanyang luha.

Hindi nya alam kung anu ang gagawin habang hawak nya ang telepono ni Sab.

Napaupo sya sa kanto ng kwarto sa sulok na bahagi nito natagpuan nya ang sariling tutop ang kanyang bibig at umiiyak. Basa na ang mukha nito sa kakaiyak.

Tila naalimpungatan si Sab dahil sa pagkawala ni Eizs sa kanyang tabi.... kinapa nya ito. Napaupo sya,hinanap ng kanyang mga mata ang asawa. Hindi nya nakita si Eizs ngunit parang may tao sa dulo, sa sulok. Tumayo sya at lumapit dito.

Lumapit sya at nakita nyang si Eizs iyon. Dunulog sya dito at nakaluhod syang lumapit.

"Hon, what's wrong...." nakatingala si Eizs ngunit nakapikit ito.

Hinawakan nya ang mukha ni Eizs at naramdaman ng kanyang mga kamay na basa ng luha ang mga ito.

"Hon,why?" Tanong ulit ni Sab.

Dumilat si Eizs. Hindi nya mahanap ang unang salita na sasabihin sa asawa. Napatingin naman si Sab sa hawak ni Eizs. Ang telepono nya. Kinabahan sya.

"Hon,what's wrong? Tell me..." si Sab.

Akmang kukunin ni Sab ang telepono pero iniiwas ni Eizs. Binuksan nya ito at nagdial.

Nag ring...

Ring...

{babe,tumawag ka!} si Caed.

{babe anu?narealize mo na ba na ako ang mahal mo at hindi ang tangang si Eizs?} nakaloud speaker at sapat upang marining ng sabay ni Sab at Eizs.

{Caed,please stop! Si Eizs ang mahal ko at hindi ikaw!} Si Sab na tila hysterical na...

"Hon please stop this...No! no hon..." Si Sab na parang alam na ang hatol ni Eizs sa pangyayari.

{Babe,come on! Wag ka ng magpanggap na mahal mo si Eizs. Alam mong nasarapan ka sa kung anung nangyari satin ng gabing yun!} sumisigaw si Caed habang nasa tila end point na si Sab ng lahat!

"Oh shut it up Caed! Hindi kita mahal si Eizs ang mahal ko..." Si sab na umiiyak na.

Hawak na ni Sab ang telepono at nanginginig ito sa galit kay Caed.

Samantalang habang nagsisigawan ang dalawa ay tumayo na si Eizs,nagbihis ito.

{Shut up?!? Tang ina samantalang nung f!nif!nger kita at kinakain... Dont stop ang sigaw mo?!?}

"Hayup ka Caed,mapapatay kita! Hayup ka!" sigaw ni Sab.

Habang naghihysterical si Sab ay nakita nyang pantalon na ang ibinibihis ni Eizs,agad nyang ibinaba ang telepono at humabol kay Eizs,nahuli sya dahil naizipper na ni Eizs ang kanyang pantalon at dumampot ng jacket ang huli. Diretso ito sa paglabas,nakahawak si Sab sa legs ni Eizs ngunit mabilis itong naialis ni eizs at huli na para makatayo sya dahil nakalabas na ng kwarto si Eizs, mabilis na tumayo at humabol si Sab ngunit ng maabutan nya si Eizs ay eksaktong pagsasara na ng elevator.

"Hon please!" Sigaw ni Sab.

Takbo si Sab sa fire exit ngunit ng makalapag sya sa unang floor ay nakita nyang malayo na si Eizs. Akyat sya sa kwarto,nagwala sya dun. Hinagis nya ang unan.

Tumunog ang kanyang cellphone nakita nya ang numero na ginamit ni Caed sa pagtawag sa kanya... hinagis nya rin ito... at lahat ng mahawakan nya. Iyak sya sa kama! Nagwawala si Sab,di nya alam ang mararamdaman sa sarili. Lalo syang naghysterical ng makita nya ang telepono ni Eizs sa side table ng kama. Ibig sabihin ay hindi nya ito macocontact. Wallet ang tanging dala ni Eizs.

Hinawakan nya ang telepono ni Eizs at napahagulgol sya sa kanyang nakita sa screen nito...ito ay kuha ni Eizs kay Sab nuong kasal nila... Na may caption na:

"I never had a perfect life until this day...you made it perfect for me." At mukha nya ang makikita sa buong cellphone ni eizs. ito ang wallpaper ni Eizs sa kanyang telepono.

Hagulgol si Sab. Hindi nya alam kung anung nararamdaman nya,ang alam nya lang... si Eizs ang huling taong gugustuhin nyang masaktan.
---------------------------------------------------------
Enjoy reading💋

Anung masasabi nyo mga watty?!? Comment naman dyan.

BEDTIME STORY MO TO! BOOK2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon