EIZS&SAB15

708 17 2
                                    

"Nakakailang rounds na ba tayo simula ng maging misis kita kahapon?" si Eizs.

"Itinigil ko na ang magbilang mister... totoong ihi lang ang pahinga ko..." Si sab.

"Pero alam mo bang importante ang ihi? Dahil dun lang ako kinikilig... hahahahaha..." Si Eizs na sa tono ay napakasaya.

"Misis, okay lang din naman kung ako na ang ihian mo,para wala ng tayuan... wag na kaya tayo tumuloy? Dito nalang tayo sa bed... para malaspag mo na ang ipinahiram ng Dyos na katawang lupa ko..." pagbibiro ni Eizs.

"Sayang naman tickets natin?" Si Sab.

"Joke lang... tatayo na..."Si Eizs.

Mistulang ang bawat sandali sa dalawa ay pag asa para kay Sab... pag asang mas magiging mabigat ang pagmamahalan nila kaysa sa kasalanang nagawa nya...

Pagkatapos ng sabay na pag aalmusal nila ng breakfast na inihanda ni Sab ay naligo na sila ng sabay.

Masaya silang gawin ito lalo't legal na silang gawin ito ngayon.

"Hon,sa US yung official wedding natin ah?for that to be legal. Yun ang last na gusto kong gawin after nitong mga kabusyhan days..." si Eizs habang sinasabunan ang misis na nakatalikod.

"Kailan hon?" Si Sab.

"Lets plan. Gusto ko ikaw naman na ang magplan this time..." si Eizs.

"Hon, sa vegas ba? Gusto ko sana solemn..." si Sab.

"Whatever you want hon... we'll work it out..."Si Eizs.

Nang matapos maligo ang dalawa ay nagprepare na sila sa pag alis. Napapansin ni Sab na laging ang ipad ni Eizs ang hawak nya na talaga namang nakakapag pairita sa kanya.

"Hon,first day nating mag asawa eh parang yan pa ang asawa mo eh. Kumakain na tayo yan parin ang inaatupag mo?" Si Sab.

Tahimik lang si Eizs at nag mwestra ng zip ng bibig kay Sab.

Tumayo si Sab at napikon. Nakita ito ni Eizs at binaba ang hawak na ipad. Lumapit sa likuran ni Sab at yumakap.

"Hon,busy lang...sorry..." Si Eizs.

"Wala ka pa naman work diba? Saan ka busy? Sa mga script?" Si Sab.

"Mmm yeah..." si Eizs.

"Hon please wag muna?pwede next week na?" si Sab.

"Nagmamadali tayo diba?12pm na andito pa tayo...baka malate tayo sa flight." Paalala ni Sab.

Yumakap lang ng mahigpit si Eizs dito.

Di alam ni Sab na nagpa rebook ng flight si Eizs bago pa ang kasal,kaya alam ng lahat na sa iba sila pupunta,ito ay para sa huling surpresa nya sa minamahal. Plano nya itong dalhin sa lugar na sya mismo ay pangarap nyang puntahan. Sa Paris. Di pa nakakarating dito si Eizs, at alam nyang matutuwa ang kanyang misis kapag nalaman ito.

Dumating na sila sa airport.

Wala paring kaalam alam si Sab.
Pagkatapos na makapag check in ay umupo na sila sa waiting area for departure kung saan makikita mo ang mga oras ng flights.

Maya-maya ay tumayo si Sab...

"Hon,ayun na yung flight natin. Tama na yan." si Sab.

Si Eizs na busy sa kanyang ipad.

"Ayoko na tumuloy..." maiksing sagot nito.

"Anu? Bakit?" Si Sab na may halong kaba.

VO NI SAB: "anu ba?may nalaman ba sya o anu?"

BEDTIME STORY MO TO! BOOK2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon