EIZS&SAB22

492 25 12
                                    

Masuyong sinipsip ni eizs ang balikat ni sab habang minamasahe ang dibdib ni Sab.

Nilalaro ito ni Eizs na tila kinakamot ang kati ng kanyang dibdib,tila ginigitara nito ang unti unting tumitigas nitong ^tong...

Halos maihi si Sab sa kati na nararamdaman nya kanyang Sus• di nya mawari kung bakit tila ito ay kunektado sa kanyang pagkababae na hindi pa hinahawakan ni Eizs ngunit parang hinahagod ng kati at pagkamot nito sa kanyang dibdib. Kinuha ni Sab ang kaliwang kamay ni Eizs at inilagay sa kanyang pagkababae. Nagside view ito at nakipaghalikan kay Eizs.

Palalim ng palalim ang mga halikan nila,ng biglang tumigil si Eizs.

Napahinto ito habang gumigiling na ang beywang ni Sab.

"I'm sorry..." si Eizs. Sabay tayo. Dampot ng telepono at yosi. Lumabas ito ng kwarto.

Naiwan si Sab na tulala. Nakatitig lang sa tumalikod ng asawa. Tumulo ang luha ni Sab.

Isinuot sa sarili ang robe,at humiga ng patagilid sa kama,nakatalikod ito sa pwesto ni Eizs. Tahimik na lumuluha. Hindi nya alam kung paano nya ipupwesto ang kanyang sarili sa gitna ng sitwasyon. Nakadarama sya ng pagsakit ng kanyang puson sa naudlot na pag iisa ngunit mas mahapdi ang pagtalikod ni Eizs para sa kanya...

VO NI EIZS:"eizs,what's wrong? Mali. Mali bro..."

Di maitanggi ni Eizs na masyadong masakit ang nangyari. Hindi nya alam kung anung nararamdaman nya. Umeecho ang mga salita ni Caed sa kanyang utak sa gitna ng mga sandali ng kanilang lambingan.

Lumapit si Eizs sa bar ng kanyang Sala... kumuha ng scotch, nagsalin sa baso. Binitbit ang isang bote nito at lumabas sa veranda. Pumasok ulit at kumuha ng ice cubes sa freezer. Lumabas.

Nagbukas ng yosi. Habang hawak ang baso. Mahigpit ang hawak nito sa baso ng alak sa knyang kamay. Nais sumigaw ng kanyang dibdib. Tila may nais kumawala sa kanyang isip. Gusto nyang maghagis ng baso. Maghamon ng sapakan. Magyaya ng alitan. Ayaw nyang masaktan nya si Sab,ngunit hindi nya maipagsinungaling ang tila pandidiri ng kanyang kaluluwa sa tuwing maiisip nyang may ibang taong pinayagan si Sab na humawak sa kanyang katawan. Madali lang naman kung hindi ginusto ni Sab ang lahat. Bakit naman nya ito pandidirihan kung hindi nito ginusto ang gabing yun? Ang masakit. Ang pagniniig na yun ay isang desisyon. Desisyon ni Sab. Kay Eizs. Hindi si Caed ang nagkamali. Para kay Eizs. Hindi nya problema si Caed. Ang pananaw ni Eizs ay gaano man ka agresibo si Caed, ang bola ng desisyon ay na kay Sab. Ang panglolokong yun ay desisyon ni Sab.

"Hindi ako perpektong nagmamahal...pero putang ina...pinili kong maging tama para sayo..." si Eizs,habang inuusal ang mga kataga ay ang pagbagsak ng luha nito habang nakayuko sya.

"Tang ina nyo. Tang ina nyo!" Si Eizs na parang unti-unting dinudurog ng sakit sa sulok ng ilang kwadradong metro ng veranda.

Nais nyang lamunin ng dilim. Yumukyok ito sa sulok habang panay ang lagok ng alak. Gusto nyang malasing upang hindi na nya maramdaman ang sakit. Upang hindi na sya magtanong. Upang hindi na sya mag isip.

Bukang liwayway ng lumabas si Sab ng veranda. Naikot na nya ang maliit na unit nila upang hanapin si Eizs. Nang maramadaman nyang tila hindi ito tumabi sa kanya sa buong magdamag.

"Hon... hon..." panggigising ni Sab kay Eizs ng abutan nya itong nakayukyok sa sulok ng kanilang veranda. Hawak pa nito ang alak sa kanang kamay habang nasa kaliwa ang baso. Maraming cigarette butt sa paligid na tila dun narin nasindihan at naubos.

"Hon...hon..." patuloy na pagtapik ni Sab.

Hawak nya ang mukha ni Eizs.

Nagdilat si Eizs ng mukha.

BEDTIME STORY MO TO! BOOK2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon