EIZS&SAB3

1.8K 24 3
                                    

"Bezs, dito muna kayo o you guys wanna go with me?" Habang tumitingin sa kanyang orasan.

"Oras na..." bulong nito sa sarili.

Nagtitigan ang tatlo. Tumango si Nikki upang bigyan si Eizs ng hudyat na sasama sila.

Nanginginig ang kamay ni Eizs. Tila di nya maipaliwanag ang kanyang nararamdaman. Kinakabahan sya na naeexcite. Na tila nagugutom na parang nasusuka sa busog. Di nya maunawaan. Ngunit matagal nyang pinaghandaan ang sandaling maghaharap sila ng nasabing babae. Dinampot ni Eizs ang kanyang pouch,phone at room key. Sabay lakad. Patungo sa pinto... patungo sa daan papunta sa kanyang kinabukasan. Malamig ang kanyang kwarto gayundin ang hallway ng hotel, napakasimple lang naman ng kanyang suot na t-shirt at maong pants na ripped at puting driving shoes ngunit nararamdaman nyang pinagpapawisan sya. Isang akbay ang nagpakalma ng kanyang kaba.

"Okay lang yan. Just be honest. Walang mawawala." Si Nikki na mula sa likuran ay sumabay ng lakad kay Eizs.

"Oo brad,hayaan mo lang. Makikita nyang sinsero ka. Tsk. Sanay tayo dyan..." si Marc na sumabay din sa kanya ng lakad. Nauna ng konti si Nikki na tila may tinatawagan.

"Marc, palagay mo?" Si Eizs na parang hinihingi ang affirmation ni Marc.

"Oo naman. Kaya mo yan." Si Marc habang patuloy na naglalakad. Sabay tapik sa balikat ng direktor.

"Shocks,i felt really nervous..." si Eizs habang papasok ng elevator.

Tila nagiging masyadong sensitive ang kanyang tainga na pati ang tunog ng elevator ay nakakadagdag sa kanyang kaba... slow motion ang galaw ng paligid.

-ting-

Tunog ng elevator ng sumayad ito sa hustong ground floor, biglang nag angat ng telepono si Nikki.

"Hi po. Okay, you're here na? We're here also in the entrance na po..." sagot nito sa kausap sa telepono.

Parang mabagal ang lakad ng mga tao sa paningin ni Eizs at nahuhuli sya sa kanilang tatlo, nakita nyang mya kabeso beso si Nikki na iniluwa ng entrada ng hotel. Nagbeso din si Marc.

"Finally in flesh direk...." bati nito kay Eizs.

Bumeso naman ang huli.

Sabay sagot...

"Finally..." si Eizs.

Isang sophisticated na babae na nasa pagitan ng 50-60 years old naka black na dress below the knee, stiletto at may hawak na pouch. Maputi at napakaganda ng mukha. May katabi itong mga nasa ganun ding edad, at mas matangkad ng kaunti. Naka black din ngunit short cocktail dress ito. Kapwa maganda ang dalawang ika nga nila ay TITA's of Manila.

Hinolding hands ni Olivia si Eizs, nagstop na nakangiti at nakatitig lamang sa nuo'y kinakabahang direktor.

"I'm happy. Very honest si Sab when she finally told me about you. I'm a single mom you know." Pagpapatuloy ng babae.

Nakalma ang puso ni Eizs.

"By the way,have you met my sister Letty?" Si Olivia, ang mommy ni Sab. Sabay turo sa katabi. (Wohoooo! @Mackys25!!! Tama ka!)

"The great Leticia Pineda....yeah..." Si Eizs sabay beso dito.

Ang tita ni Sab ay graduate din ng Highness Academy at ito ay kilala din sa eskwelahan. Ito at ang mommy ni Sab ay parehong Fan ng kanilang theater guild. Madalas nitong isinasama si Sab nung bata bata pa ito upang manuod ng play kasabay ng mga anak ni Leticia. Sya ang kilalang si Leticia Pineda. Kilalang modelo at Beauty Queen ng Highness Academy nuong panahon nya. Title holder ng Ms. Universe. Ang isa sa mga representante ng Pilipinas.

BEDTIME STORY MO TO! BOOK2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon