EIZS&SAB20

636 34 11
                                    

Naniniwala si Eizs na ang masasakit sa salita ay mistulang kalat na ibabato nyo sa isat-isa at kung marami na ito,mas mahirap ng linisin at ayusin ang relasyon. Kaya todo ang pagpipigil nya. Ngunit gustong magwala ng loob nya. Gusto nyang magbato ng gamit,gusto nyang sigawan si Sab,gusto nyang sumbatan ito. Pero pinili nyang kalmahin ang sarili.

"Hon,isang pagkakamali lang yun?hindi maaaring maging basehan yun ng malalim na pagmamahal ko sayo." Nanghihina na ang tuhod ni Sab sa kakaiyak.

"Isang pagkakamali? Hon,kahit isa...kahit dalawa o kahit ilan...hindi ko magawang magkamali sayo... ganun ka kahalaga sakin." Si Eizs.

"Hon please stay with me. Give me a chance...please.." matindi na ang pag-iyak ni Sab ng lumuhod sa harap ni Eizs yunakap ito sa tuhod ni Eizs.

"Hindi mo na ba ko kayang mahalin? Hon?" Si Sab.

"Hindi ko alam..." tuluyan ng gumunaw ang mundo ni Sab.

"Pero hon, nangako ka diba? Na hindi mo ko susukuan?tatanda tayong mag isa... hindi ko kaya...." hindi na alam ni Sab kung anung uri ng likido pa ang lumalabas sa kanyang mukha puno na ito ng pinagsamang luha,pawis at sipon... kulang nalang ang yakapin nya na ang paa ni Eizs.

Dinampot ni Eizs ang mukha ni Sab dahil nakayuko na ito sa pagkakaluhod.

Basa na rin ng pawis at luha ang mukha ni Eizs,ngunit buo ang tinig nito ng wikain...

"Sab,mahihirapan ka...mahihirapan ako. Maraming sakit ang ayusin ang sinira mo... hindi ako handa sa ganito,lalo ka na..." si Eizs na mata sa matang sinusukat ang kakayahan ni Sab sa hiling nito na ayusin ang kanilang relasyon.

Todo ang pag iling ni Sab.

"Hindi...."

"Hindi Hon... please..." tuloy tuloy ang agos ng luha ni Sab na parang bawat patak naman ay tumatarak sa puso ni Eizs na mahina at marupok dahil sa harap nya nagmamakaawa ang pinakamamahal nyang babae.

"Hindi hon... hindi kita susukuan. Hindi ako mapapagod. Magtitiis ako hanggang mawala ang sakit na nararamdaman mo,hanggang mapatawad mo ko ng buo... deserve ko yun please..." si Sab.

"Don't make things hard for me please?tama na... nasira mo ang tiwala ko... napakahirap ibalik nun hon... hindi ko ata kakayanin pang magtiwala sayo ulit. " si Eizs.

Lalong humigpit ang hawak ni Sab sa mga binti ni Eizs,lalo itong nagsusumamo ng kapatawaran.

"Hindi Hon... hindi na... please? Hindi na ulit... magtatanda na yung baby mo...please?nagmamakaawa ako... hindi ko kaya...please? Please naman... hindi na ulit..." parang bata si Sab na pinagsakop ang kamay na parang nagdadasal na nakaharap kay Eizs.

"Paano kapag mapagod ka?o ako? Na ayusin? Paano kung magsawa ka?o ako?at hindi natin abutin ang dulo?na pareho na tayong nakalimot?paano kung hindi ko malimot?" Si Eizs. Lumuhod na rin ito sa harapan ni Sab.

Niyakap sya ni Sab, niyakap sya nito na puno ng pagmamahal at assurance.

"Hindi Hon... hindi tayo susuko. Hindi tayo mapapagod. Hindi ako mapapagod. Aayusin ko to. Please?magtiwala ka naman sakin? Please naman... huli na to. Kahit mamatay ako,o masaktan mo ko. Hindi ako bibitaw...ilalaban kita. Please?" Hawak na ni Sab ang mukha ni Eizs.

Tahimik si Eizs ngunit sa bawat patak ng luha nito ay mababasa mo ang hapdi. Mababasa mo ang alinlangan at pangamba.

Hinalikan sya ni Sab sa labi, napayuko si Eizs...

Parang bumabalik sa ala-al nya ang lahat.

Nagsimula na ang kanyang paglayo... hindi na tulad nuon si Eizs.

BEDTIME STORY MO TO! BOOK2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon