Chapter 2:

59 3 0
                                    

Hyunjin Pov:

"Ok ready? 1,2,3"  

Tatlong beses kong narinig ang pagtunog ng camera ganoon din ang pagpalit palit naming tatlo ng pose. Sa wakas ay natapos na din namin ang photoshoot kanina pa talaga ako nangangating umupo.

" Five minutes break."

Umupo ako sa upuan at uminom ng tubig, grabe nakakapagod.

"Umabot na ng 1.3 billion ang bagong released nating song in just two days. Ang bilis!" Sabi ni Jinsung nang makalapit sya sa tabi ko at inumang sa harap ko kapit nyang iPod.

"Bakit ganyan ang reaksyon mo? Hindi naman iyan ang unang beses na nangyari, tsk!" Sabi ko.

Naupo sya sa katabing upuan ko and start scrolling on his iPod while grinning. Crazy man.

"Parang kailan lang kasi nung nag-aaudition pa lamang ako sa XGD entertainment. Hindi ko aakalaing aabot ako dito."

Tsk! Here we go again. Napairap ako. He's really something. Palagi nyang binabalikan ang nakaraan nya, yung mga pinagdaanan nya sa audition at training sa tuwing may ganitong pangyayari o di kaya kapag nabibigyan kami ng award.

Lumapit samin si Veru at Manager Lee, tinapik ni Veru si Jinsung sa balikat bago ito naupo.

"Shawn invited us to hang out later."

"Shawn? He's in California, right?"

"Well? That asshole just arrived here last night and he wanna hang out with us." Sagot ni Veru.

"What?! That brat!? Andito na sya hindi man lang nagpasabi. May utang pa sya sakin hanggang ngayon hindi pa rin nya binabayaran, sisingilin ko talaga sya mamaya." Sabat ni Manager.

Kapatid nya si Shawn.

"Seriously Mr. Lee? Hindi mo talaga nalimutan yung one hundred pesos ah, dalawang taon na ang nakalipas." Asik ni Jinsung. Tsk, nagtaka pa ang loko mukha naman talagang pera ang matandang 'to. Walang ibang mahal si Mr. Lee kundi pera kaya hanggang ngayon wala pa rin syang asawa.

Tsk! Ilang taon na nga ba 'to? Siguro mga nasa 40's na? Ah basta matanda na sya at wala syang bukambibig kundi pera.

"Syempre, piso nga mahalaga na, isang daan pa kaya?" Katuwiran ni Mr. Lee.

"Mukha ka talagang pera--arayy!! Bakit ka ba nambabatok dyan?" Inis na tanong ni Jinsung kay Manager.

"After this photoshoot we'll go there."

"Psh!"

Janna Pov:

"Kita mo 'yun Chloe? Ang gaganda ng gold fish diba?" Saad ko habang tinitingnan ang tatlong isda na lumalangoy sa loob ng bowl na bubog.

"Tata." Sabi ni Chloe.

"Gusto mo bang hawakan?" Nilapit ko sya ng konti doon habang buhat ko sya. Nakangiting inunat nya ang maliit nyang kamay upang hawakan yung isda pero nasa loob naman ito ng bubog.

"Tata." Sabay unat ng maliit nyang braso sa fish bowl aquarium dahilan para malaglag. Nanlalaki ang mga mata kong sinundan ang fish bowl aquarium na nahuhulog pababa. At nang lumapat ito sa sahig ay nakabibinging ingay ang likha nito dulot ng pagkabasag. Kumalat ang tubig na laman nito sa sahig gayundin ang corals at ang tatlong isda na nagkikikisaw sa sahig.

"Tata."

"Naku...lagot!!"

    Agad kong nilapag sa crib si chloe at nagmamadaling pinulot ang tatlong isda. Patay ako nito kapag nalaman ito ni Hyunjin, mahal na mahal pa naman nya ang mga ito. Anong gagawin ko ngaun? Mamamatay ito kapag wala ito sa tubig, naku naman. Tiningnan ko si chloe sa crib na nakaupo habang nakadungaw ang mukha sakin habang nakangiti. Salbaheng bata, manang mana ka talaga sa oinagmanahan mo. Anong ipapalit ko dito?

Superstar Series 1 Falling into your SmileWhere stories live. Discover now