Janna POV:
Dalawang araw ang lumipas mula nang umalis sina manager lee patungong South Korea. Dalawang araw na rin na kasama ko si Aling Marites dito sa bahay, bago kasi umalis si Hyunjin ay sinama nya sya rito para das may kasama kami dito. Baka daw kasi kung ano na namang gawin ko habang wala sya, hindi ko sya masisis. Natakot din ako nung araw na 'yun akala ko kasi masusunog ko na ang bahay nya. Nalaman ko na si Aling Marites pala ang nag-alaga kay hyunjin noong kabataan pa nya habang nagtatrabaho si Mrs. Hera. Mabait sya, unang araw pa lamang namin na magkasama ay marami na kaagad sya sa'king naikwento tungkol sa lugar nila at mga kapitbahay nya. Pati mga chismiss sa probinsya nila ay naikwento na rin nya, katulad na lang ngayon.
"'Yung anak ni Marisol, 'yung may kaya sa lugar namin na matapobre mahilig mang mata ng iba at sobrang judgemental, aba'y hayun at iyak dahil nagtanan ang dalagita nyang anak doon sa isa sa kanilang trabahador." Kwento nito.
Tango lamang ang tanging nagawa ko habang pinapatulog si Chloe, hindi din naman kasi nya ako titigilan sa kakukwento kahit na may ginagawa pa ako. Oo, ganun sya kadaldal, hehe.
Nagulat pa ako nung bigla syang tumawa ng malakas sabay hampas sa balikat ko, hindi naman malakas nakakabigla lang kasi bigla na lang syang humahagalpak ng tawa. Uhmm..saya yan? Jowk. Hindi ko alam kung bakit sya tumatawa."Diba? Sinong hindi matatawa sa kanya? Loka lokang 'yun! HAHAHAHA!!"
"A-Ah...hehehe.. O-Oo nga! Hehehe!" Peke akong nakitawa, hindi ko alam kung ano 'yung sinasabi nya. Makisabay na lang ako sa trip nya.
"Sya nga pala Aling Marites. Pansin ko po, marami kauong oras makipagbonding sa mga kapitbahay nyo sa probinsya nyo, ano?"
"Ay oo! Hindi naman kasi katulad sa mga tao dito sa syudad na busy sa kani-kanilang trabaho kaya wala nang time para sa mga ganoong bagay, hindi katulad sa aming probinsya. Libangan na ang pakikipagchismissan kapag walang magawa sa buhay at para nadin hindi mainip. Kung baga ay nakasanayan na tin 'yun ng mga taga roon."
Napatango-tango ako, ah kaya! Hobby pala 'yun akala ko kasi talent na nila. Hehe.
"Ay teka! Ano 'yung naaamoy ko?" Maya maya'y sabi nya bago inamoy amoy ang hangin.
"Amoy masusunog na kanin." Sabi ko.
"Naku! Nakalimutan ko na ang niluluto ko! Sandali at titingnan ko muna." Sabi nya at dali-daling tumakbo sa kusina.
Sinamantala ko na ang pagkakataon na 'yun upang magmadaling pumunta sa kwarto ko para doon patulugin si Chloe at ilapag sa crib dahil siguradong hindi na ako makakaalis doon kapag bumalik sya dahil kukwentuhin lang nya ako buong araw at baka magising lamang si Chloe sa lakas ng tawa nya.
"Hmm~~mm~~mmn~~" kanta ko habang pinapatulog ang anak ko at marahang tinatapik-tapik sa binti. Sa ganitong paraan sya nahihimbing sa pagtulog. Nasa ganoon akong sitwasyon nang maalala ko na naman sya.
Kailan kaya kita ulit makikita? Kailan kita muling makakausap?
"Kawawa naman sya, hindi nya deserve ang ganito." Isip ko habang nakatitig sa inosenteng nilalang sa harap ko.
"Namimiss mo rin kaya sya? Walaong buwan na ang lumipas mula nang umalis ka. Siguro sabik ka na din na makita at makasama sya."
I let out a sigh. Sa tuwing naiisip ko ang mga mangyayari kapag bumalik na sya, hindi ko maiwasang matuwa at the same time ay malungkot.
"Hindi ko alam kung kakayanin kong mapalayo sa'yo." Sabi ko bago ito hinalikan sa kanyang matambok na pisngi. Ang cute cute, mana sakin, hehe.
"Goodnight baby chloe. Sweet dreams. I love you, always."
YOU ARE READING
Superstar Series 1 Falling into your Smile
RomanceThere's nothing special on her, she's just a simple girl who always give him a headache everyday. Para kay Hyunjin malayo ang mundo nila para sa isa't isa, he is popular, talented, handsome and perfectly sculpture, masyado syang perpekto para lang m...