Chapter 3:

45 2 0
                                    

Hyunjin POV:

Pakiramdam ko sumali ako sa marathon ng buong araw, sobrang sakit ng katawan ko. Bumangon akon sa kama at agad napahawak saking ulo. Grabe ang sakit para akong pinukpok ng maraming beses. Napadaing ako sa sakit. Nanuot sa ilong ko ang amoy ng alak na kumapit sa katawan at hininga ko.

"Hindi naman ganito kasakit ang ulo ko dati kapag may hang-over  tsaka buong katawan ko ay masakit. Sa pagkakatanda ko naman ay nag-inom lamang kami sa bahay ni Shawn tapos hinatid na ako ni Genesis sa labas ng unit ko tapos....tapos...ano na nga bang nangyari? Hindi ko na matandaan."

Pinilit ko na lamg tumayo at punmunta sa Cr upang maghilamos ngunit pagharap ko sa salamin nangunot ang aking noo nang makitang dumudugo ang aking ilong. Bakit may dugo? Bakit may ube ang noo ko? Bakit ako may ganito? Inangat ko ang aking kamay upang haplosin yung ube sa noo ko at napangiwi ako ng makaramdam ng kirot.

"Aish! Fuck! It's hurt!" Maluha luha kong saad. Hindi lang ube may bukol pa ako sa noo. Anong karapatan ng mga itong lumitaw sa noo ko? Sa perpekto kong pagmumukha?

Lumabas ako ng aking kwarto at pumunta sa salas upang kumuha ng yelo upang ilapat saking noo.
Naupo ako sa couch habang naglalapat ng yelo saking noo at inaalala ang nangyari kagabi pero hindi ko na maalala.

"Hindi naman siguro ako nakipagbasag ulo sa labas diba? Hays, bakit ko gagawin yun e good boy ako tsaka mahigpit ang security dito."

Psh! Sa buong buhay ko ngayon lang ako minalas ng ganito. Kainis!

"Good morning---ay palaka!!" Napatalon si Janna nang mapalingon sa sakin. Sinamaan ko sya ng tingin. Mukha ba akong palaka? Ito? Itong mukha to, palaka? Kahit may ube at bukol ako sa noo, alam kong ako parin ang pinakagwapo sa balat ng earth.

"Anong n-nangyari sa-----"

"That's what I want to ask you. What happened to me last night?"

Natahimik sya bigla. Tinitigan ko sya. Hindi nya ako matingnan ng derecho, base sa reaksyon nya sigurado akong may alam sya.

"Tell me! What happened?" Seryosong tanong ko.

"U-Uhmm....ano k-kasi..."

Tinaasan ko sya ng kilay. Pinagdikit nya ang hintuturo tsaka paulit ulit na nagbow at humingi ng tawad.

"Sorry hindi ko naman sinasadyang batuhin ka ng tsinelas, hindi kasi agad kita nakilala. Hindi ko talaga sinasadya hyunjin."

"What?! Y-You did this to me?" Hindi makapaniwalang tanong ko habang nakaturo sa kanya ang kamay kong may hawak ng yelo.

"Nawalan ng kuryente. A-Akala ko kasi akyat bahay ka."

"Ako? Magiging akyat bahay sa sarili kong unit? Ibang klase!"

"Sorry na---"

"Sa tingin mo may magagawa 'yang sorry mo? Ang sakit ng buong katawan ko at tingnan mo ang gonawa mo sa mukha ko."

"H-Hindi kita mabuhat kaya h-hinila na  lang kita papunta sa kwarto mo." Nakatungong pag-amin nya.

"Hinila?"

'Yung pagbato nya sakin ng tsinelas ay hindi na katanggap-tanggap iyon pa kayang hilahin? Anong akala nya sakin laruan? Napakawala nyang puso.

"Lasing na lasing ka kagabi at nawalan ka ng malay kaya----"

"Kahit na! Hindi mo dapat ginawa yun. Ako ang boss mo tapos ganun mo ako tratuhin, nasan ang hustisya dun ah?"

"P-Pasensya na. Gagamutin ko na lang yung---"

"Aba dapat lang." Naiinis sa singhal ko.

"Sorry talaga---"

"Aish! Huwag ka ng magsorry dyan, kunin mo na ang first aid kita, bilisan mo!"

Superstar Series 1 Falling into your SmileWhere stories live. Discover now