Abby POV:
"Abby totoo ba? Aalis ka na dito sa trabaho?" Malungkot na tanong ni aling marivic. Isa sya sa mga kasama ko dito sa trabaho at naging kaibigan at pangalawang ina ko na din.
"Opo, aling marivic. May tumawag po sakin
kanina at sinabing tanggap na po ako sa bahong trabahong inapplyan ko. Magsisimula na po ako bukas!" Masayang saad ko."Mabuti nga 'yan, masaya ako para sayo! Bata ka pa at maganda naman alam kong balang araw ay makakahanap ka rin ng trabahong maganda ganda. Hindi bagay sa'yo ang naririto sa talipapa at naglalako ng isda."
Oo, 'yun ang trabaho ko ngaun pero hindi ko naman kinakahiya.
"Sanay naman na po ako, sa probinsya po namin ay ganito din ang trabaho ko. Nagtitinda ng mga nahuling isda ng ama ko kasama ng nanay ko. At hindi ko po kinakahiya 'yun dahil dun kami binuhay na magkakapatid ng mga magulang ko."
Sayang nga lang dahil maagang namaalam si papa, kaya heto ako ngayon. Lumuwas ng manila para makipagsapalaran dahil sakin na umaasa ang pamilya ko, hindi ako ang panganay ngunit sakin na nakasalalay ang kinubukasan nila dahil ang mga nakakatanda kong kapatid ay maagang nagsipag-asawa. Wala na akong nagawa kundi ang saluhin lahat, hindi na ako nakapag-aral ng kolehiyo dahil wala naman akong ipanggagastos sa pag-aaral ko.
"Hay oo naman, marangal na trabaho ito. Ang ibig kong sabihin ay marami pang trabaho na mapapasukan ka bukod dito, yung mas maganda at mas malaki ang sahod." Sabi nya.
Dito sa manila si Aling Marivic na ang nagsilbing pangalawang ina ko mula nang mapadpad ako dito sa tondo. Magkalapit lamang ang boarding house ko at ang bahay nila, sya ang nagiging karamay ko sa lahat. Malaki ang pasasalamat ko sa kanya.
"Ano palang magiging trabaho mo? Stay in ka na ba doon? Malayo ba 'yun dito?"
"Opo! Kasambahay po ako sa isang malaking bahay."
"Kung ganoon ay hindi na pala kita makikita." Malungkot na saad nya.
"Hay naku! Syempre magkikita parin naman po tayo, bibisitahin po kita dito kapag day off ko." Sabi ko saka sya niyakap.
Mamayang hapon na ang alis ko papunta sa bahay na pagtatrabahuan ko.
***
I am now standing in front of a red gate. Ang laki nga ng bahay na pagtatrabahuan ko, sana maging maayos ang pagtatrabaho ko dito at sana mabait ang magiging amo ko. I heaved a deep sigh before pressing the doorbell. After a minute, the gate opened at mula doon ay sumilip ang isang matandang babae. I think nasa 50's na sya.
"Hello po!" Bati ko.
"Ano 'yun ija?" Tanong nya.
"Ako po yung bagong maid. Tinawagan na po ako ni Mr. Lee kahapon."
"Ahh! Ikaw si Abby Enriquez, tama?"
"Opo!" Ngumiti sakin ang babae at mas niluwagan ang pagkakabukas ng gate.
"Sige, pasok ka na at ituturo ko kung saan ang iyong kwarto at mga gagawin mo." Tumango ako bago pumasok. Sumunod ako sa kanya nang magsimula na syang maglakad.
***
"Ito ang magiging kwarto mo. Heto ang susi, pwede ka ng mag-ayos ng iyong gamit at mamaya ay susunduin kita dito para malaman mo na ang mga dapat mong gawin dito." Sabi nya bago binigay sakin ang susi bago ito umalis.
Naiwan ako sa tapat ng isang pintuan. Nasa ikalawang palapag at pinakadulong bahagi ang kwarto. Pinihit ko na ang seradura at pumasok.
Mas maganda at maluwang ito kumpara sa kwarto ko sa tondo. Mas komportable. Umupo ako sa kama. Euratex yata 'tong kutsyon, ang lambot.
YOU ARE READING
Superstar Series 1 Falling into your Smile
RomanceThere's nothing special on her, she's just a simple girl who always give him a headache everyday. Para kay Hyunjin malayo ang mundo nila para sa isa't isa, he is popular, talented, handsome and perfectly sculpture, masyado syang perpekto para lang m...