Chapter 8

33 2 0
                                    

Janna POV:

Three months had passed. Mas lalong napalapit ang JVH members sa anak ko lalo na si Hyunjin, mas madalas pa silang magbonding kesa sakin na ina. Para silang mag-ama kapag pinapanood ko silang magkulitan ay hindi ko mapigilang mangiti, pumupunta din dito sila manager para lang makalaro ito. Spoil na spoil na sa mga ito si chloe. Napamahal na sila sa anak ko. Isa pa ay hindi ko na rin pinoproblema ang mga basic needs nya dahil provided na ito no Hyunjin. Kasambahay ako dito ngunit parang hindi dahil sa konti lang naman ang mga ginagawa ko dito at minsan ay namamasyal kaming talo ngunit tinatago ni hyunjin ang sarili sa mask at cap upang hindi daw sya mahalata at makakilala sa kanya.

I smiled when I saw them, peacefully sleeping in the couch. Katatapos ko lang maglinis ng pool nang marinig ko ang pagtunog ng phone ni hyunjin, kanina pa itong tumutunog ngunit hindi nya kinuha siguro ay hindi nya naririnig. Si Hyunjin kasi ay nagpresintang mag-alaga kay Chloe dahil free time naman daw nya. My heart skipped a beat while looking at them. Parang may humaplos sa puso ko, nakadapa sa dibdib ni hyunjin si chloe habang nakasandal naman sa couch ang likuran ni hyunjin. Yakap yakap nya ang anak ko upang hindi ito mahulog sa kabila naman ay hawak nya ang bottled milk nito. Para talaga silang mag-ama.

Lumapit ako sa kanila at maingat na kinukuha ang bote, nang magmulat ng mata si hyunjin. Napatigil ako sa ginagawa, nakatitig sya sakin at ganun din ako ngunit may pagkailang. Kumurap kurap ako bago nagsalita.

"K-Kukunin ko lang yung bote." Sabi ko niluwagan nya ang hawak dito kaya kinuha ko na ito bago lumayo sa kanya. Umayos sya ng upo, mukhang nangangalay sya sa posisyon nila kaya minabuti ko na lang kunin si chloe at maingat na ilagay sa crib nito.

Pagharap ko ay nakita ko syang nag-uunat nag braso.

"Hindi ko namalayang nakatulog ako." Sabi nya.

"Salamat sa pag-babantay sa kanya." Sabi ko.

Tumango lang sya. Saka ko naalala ang phone nya.

"Kanina pa pala nagriring 'tong phone mo."sabi ko, kinuha nya 'yun at tiningnan ang caller.

"Shit! I forgot, we have show we need to attend!" Sabi nya at nagmamadaling umakyat sa taas upang makapaghanda.

Nalimutan na nya dahil busy syang makipagkulitan kay chloe hanggang sa nakatulog na nga ang mga ito.

***

Bihis na bihis na sya noong makalabas ng kwarto. Buhat ko si Chloe dahil nagising ito nang dumating sina manager upang sunduin sya. Ang gagwapo nilang lahat sa mga ayos nila ngayon, well gwapo naman talaga silang lahat. Until now, hindi pa rin ako makapaniwalang nakakausap tapos nakakasama ko pa sila lagi. I must be the luckiest girl, akalain mong ang pinakasikat na PPOP group na JVH ay makikita nya sa personal, swerte rin ni Chloe dahil mahal na mahal sya ng mga ito, parang tunay na magkakapamilya.

Sigh!

"Hey! We're leaving! Hindi ko alam kung anong oras ako makakauwi mamaya, baka late na rin. Make sure you lock the door and don't do anything stupid, woman. Call me if you need anything!" Sabi ni Hyunjin.

Lumapit sya sa'min at hinalikan sa pisngi si Chloe.

"Bye,baby." Sabi nya. Nakatupi yung necktie nyang suot, hindi nanya napansin kaya inayos ko ito. Napansin kong natuod sya sa kinatatayuan habang nakatingin sa ginagawa ko hanggang sa umubo ng peke si Jinsung.

"Gosh! You two look like a couple plus this little princess. Perfect family." Jinsung teased us kaya agad akong lumayo sa kanya.

Tinubuan bigla ako ng hiya. Hindi ko naman alam na ganun ang iisipin nila.

Superstar Series 1 Falling into your SmileWhere stories live. Discover now