Hyunjin POV:
Kanya kanya kaming reklamo at mura nang biglang pagreno ng sasakyan marahil ay dahil sa gulat nang sumigaw si manager. Hinimas himas ko ang mukhang sumubsob sa unahang upuan. Si Jinsung naman ay nahulog mula sa inuupuan nya habang kapit na kapit sa sandalan ng inuupuan nya si Veru at si manager na dumikit ang nguso sa sahig ng van. Ewss.. buti na lang at hindi sakin nangyari 'yun ang dami kayang bacteria dun, pasalamat na lang ako dahil sa upuan lang ako sumubsob hindi naman nabawasan ang kagwapohan ko nag-uumapaw pa lalo. Dapat ay magpasalamat sila sakin dahil napakaswerte nila na nakakasama nila ako palagi diba? Akalain mo 'yun para ka na ring tumama sa loto. Tsaka kahit naman hindi nila sabihin, alam kong may inggit din silang nararamdaman sakin, well sino nga namang hindi, mayaman ako, talented, mabango, masarap, at higit sa lahat nag-uumapaw sa kagwapohan. Hays grabe, gusto kong palakpakan ang sarili ko.
Kung inggit kayo, sige mainggit ka lang libre naman 'yun e. I don't mind! O pikit na lang kung ayaw nyo, ok?
"Papatayin mo ba kami Genesis?" Sigaw ni manager. Naku, high blood na naman si tanda, kaya pumapangit e. Napakamot lang ng ulo si Genesis.
"Kasi naman manager bigla ka na lang kasi sumisigaw kaya nagulat ako."
"Oo nga naman tanda, makasigaw ka dinaig mo pa kampana sa simbahan ng quiapo." Sabi ni Veru.
"Aba't isa ka pa!" Pati si Veru ay nakatanggap ng hampas ng diyaryo.
***
Nakabalik kami ng Entertainment Building. Dumirecho agad kami sa studio, last na dance practice namin ito para sa bagong music video na malapit na naming irelease pero bago kami mag-umpisa ay sinermonan muna ako ni manager.
"Ano ka ba hyunjin? Alam mo namang hindi ka pwedeng magpakalat kalat sa mga public places pero hindi ka nakikinig! Tingnan mo ang ginawa mo, sangkot ka na naman sa scandal!"
Tsk! Kagagawan na naman 'to ng mga paparazzi, ano pa nga bang bago? Lagi silang may mga mata at nakaabang sa mga pwede nilang ipakalat. Mga fake news na siguro ay tiba tiba sila, may mapagpipiyestahan lang ang mga tao.
Nag-scroll ako sa social media uoang tingnan ang tinutukoy ni manager, nakakagulat lang kasi nadamay pa ang mag-ina sa issue, mabuti na lamang at hindi nakuhanan ng litrato ang buong mukha nila, medyo malayo at hindi rin agad marerecognize sila ng mga tao. Pero hindi pa din ako dapat makampante, baka paglabas nila ng condo ko ay bigla na lang silang kuyugin ng mga fans at reporters."Wala pang kalahating araw pero umabot na ng million views!" Sabi ni Jinsung.
Halos sumabog na nga ang comment section sa dami, nagkakagulo na ang mga fans at bashers.
"Marami na namang mag-aabang n'yan sa labas nitong building mamaya."
"Yan kasi ang hilig magsolo, dapat sinama nyo ako. Anong ginagawa ng kagwapohan kong ito kung hindi ipapakita sa madla---arayy naman!" Napakamot ng ulo si Jinsung matapos syang hambalusin ni manager.
"Isa ka pa!" Singhal nito.
"Manager naman! Ang gwapo kong ito hinahambalos mo lang? Aba naman, hindi yata tama 'yun!"
"Manahimik ka Jinsung Young!"
"Sabi ko nga!" Sabi nya at saka kunwaring zinipper ang bibig.
Siraulo! Tumingin ako kay manager, stress na stress ito.
"Anong pumasok sa kokote mo at sumama ka pang magrocery kay Janna! Nakalimutan mo na yatang celebrity ka!"
"Easy! Masama bang tumulong? You should be proud of me. Hindi lang ako pogi matulungin pa!"
"Sus, gusto mo lang lagi kasama si Ja--"
"O sige ituloy mo!" Banta ko, nginisihan lang ako ni Jinsung.
Pang-asar ang gago!
YOU ARE READING
Superstar Series 1 Falling into your Smile
RomanceThere's nothing special on her, she's just a simple girl who always give him a headache everyday. Para kay Hyunjin malayo ang mundo nila para sa isa't isa, he is popular, talented, handsome and perfectly sculpture, masyado syang perpekto para lang m...