KABANATA 1

27 7 0
                                        

Hindi ko alam kung ilang minuto na ko nakikipagtitigan sa kanya hindi lang ako matatauhan nang mapansin kong aalis na sya.. Dali dali kong hinila ang braso nya para mapigilan sya.

Huminto naman sya pero ramdam ko ang gulat nya sa ginawa ko, kahit ako nagulat huhu feeling close na yata ako. Agaran kong inalis ang kamay ko sa braso nya..Kahiyaaa!

"Sorry po" tumaas lang ang kaliwang kilay niya, sungit. "Ahm, S-Sir? Kuya? B-Boss? hindi ko alam anong itatawag ko sa kanya. "Sa akin po kasi yung hawak nyong phone, ahmm maari ko na po bang kunin? Aaaa sorry po hindi ko po kasi alam na nahulog pala sa bag ko, a-akin na po marami po kasing mahahalagang documents dya-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang bigla nyang nilahad ang cellphone ko sakin, agad ko naman kinuha yon. Omg dami ko yatang nasabi. Kakahiya ka talaga Shaniah!!

"Salamat po, ahm baka gusto nyo muna pong magmeryenda, as a reward for your kindness po? Btw my name is Shaniah Avery Sanchez, you can call me Sha-Sha or Aya" naglahad pa ako ng kamay sa harapan nya, pero hindi nya yon pansin dahil nakatitig lang sya sakin. Ah oh!!

Nakakahiya na talaga.. Hindi naman ako ganito ah! Hindi ako basta basta nagpapakilala at hindi rin ako basta basta nagyayaya na magmiryenda..Ngayon lang. What is happening to me?

Hindi parin sya sumasagot? Anyare? Kung ayaw naman niya pwede naman nyang sabihing "No" kasi hiyang hiya na ko dito at nagmumukha narin akong tanga.

Tinitigan ko rin sya pabalik at dun ko napatunayan na gwapo talaga sya.Matangkad sya, hanggang balikat nya lang ako.He's not that dark and he's not that white, his skin color is just right for him and suits him. Darker eye brows.Mahaba ang pilikmata nya,mahaba pa sa pilikmata ko. Matangos ang kanyang ilong. His eyes were dark and cold. Manipis at mapula pula ang labi ny- wait? What? Bakit pati iyon napansin ko?

"Sir? Kuya? Boss? Narinig nyo po ba 'ko? sigaw ko sa kanya.

"I'm sorry miss but im not interested. Your thankyou is enough" napatulala ako sa kanya. His boys is husky and manly. Na kahit sinong makakarinig ay matutulala.

"O-Okay?But can i ask what's your name?"nauutal na sagot ko dahil hiyang hiya na ko, minsan lang ako magyayaya sa isang boy tatanggihan pa ko. Bat ko ba to niyaya?Ah kase sya ang nakapulot sa phone ko na hindi ko namalayang nahulog pala, oo yun lang yon ay ewan, kaloka!

Imbis na sagutin nya ko ay tinalikuran na lang nya ko bigla, seriously? Hahabulin ko sana sya pero hindi ko na sya mahanap, asan na yon? Ang bilis naman nya mawala? Saan sya nakatira? Saan sya galing bakit basang basa sya at andami nyang buhangin?

OMG Shaniah Avery Sanchez, hindi ikaw yan! Bakit parang napaka interesado mo naman yata sa kanya? Hindi ka naman ganyan ah! Anong nangyayari sayo? Ano bang kinain mo ngayon at nagkakaganyan ka? Well itlog at hotdog, bread and fried rice lang, anong connect non sa nararamdaman ko ngayon?Hayss.

Nagulat ako nang biglang may bumusina sa likod ko. Napaupo pa ako sa sobrang gulat. Ang sakit ng balakang ko. Awts.. Paglingon ko kung sino ang walanghiyang bumusina ay bigla akong nawala sa mood. There, my sister. Francheska Sia Sanchez. Anong ginagawa niya dito? Hindi pa nila dismissal ah, wag nyong sabihing nag cutting sya? NO! Hindi naman sya makakalabas sa gate kapag hindi pa dismissal.

As usual, nakataas na naman ang kilay nya."What are you doing? Anong ginagawa mo sa mismong gitna ng daan? Aware ka ba na nagmumukha ka nang tanga kanina?"masungit nyang tugon. Binalewala ko na lang ang sasabihin nya. Sanay na 'ko.

Tatayo na sana ako nang biglang may humawak sa braso ko. Paglingon ko ay talagang nawala na ko sa mood. Anong ginagawa ni Blaze dito? Napatingin si Cheska sa kamay ni Blaze na nakahawak sa braso ko. At ngayon pang nandito si Cheska? Pilit kong inaalis ang kamay ni Blaze sa braso ko pero lalo niya parin hinihigpitan. Ang malas ng araw ko!!

Humalakhak ng malakas si Cheska. Sarcastic Laugh. "Nice Blaze, ano? Itutuloy mo na ba panliligaw mo sa kanya? HAHAHA pagkatapos mo sakin, kay Shaniah ka na ngayon? Well, I Don't Care, magsama kayo" Shaniah ah, never niya akong tinawag na ate, bigla syang bumaling sa kin. " Akala ko ba wala kang feelings kay Blaze? E ano to? Tss" Magsasalita na sana ako para ipaliwanag ang nakita niya na walang namamagitan samin ni Blaze pero tinapunan nya lang kaming dalawa ng masamang tingin bago pinaharurot ang sasakyan nya paalis.

Pagkaalis nya ay saka ko nilingon si Blaze. "Paano mo nalaman na nandito ako? Hinawakan mo pa talaga ang braso ko ah, Nananadya ka ba talaga Blaze?" galit na sigaw ko sa kanya.

"Tinulungan lang kita Shaniah, anong mali don?!" galit nya ring sigaw sakin, bakit parang sya pa ang mas galit?

"Anong mali don? Nandito si Cheska at ex mo yon,iba iisipin non tapos humawak ka sa braso ko. Nakakainisss"

"Shaniah, tinulungan lang kita" naiinis niyang sabi, hinarap ko sya ng may galit at inis sa mukha, hindi ba ito nakakaintindi?Alam na nyang hindi kami okay nang kapatid ko tapos ngayon nadagdagan pa ang dahilan nya para ka ayawan nya ko.

"Well, as you can see, I don't need your help Blaze, i can handle myself. sabi ko at tatalikuran na sana sya,hindi pa man ako nakakadalawang hakbang ay nahawakan na naman nya ang braso ko.

"Magusap tayo Shaniah" ani Blaze.

"Wala tayong dapat pagusapan Blaze, Bitiwan mo 'ko" galit na sigaw ko sa kanya. Pinagtitinginan na kami ng mga tao. Mukha tuloy kaming magjowang magka away --- EWWW.

"Okay, Im sorry. but please Shaniah, give me a chance. Liligawan kita" mahinahon niyang sabi pero hindi nya ko madadala sa mahinahon nyang boses. Not me Blaze.

Seriously? Dito pa talaga sa gitna ng daan?Hindi ba to nahihiya kase ako hiyang hiya na! Well kahit saan naman nya lugar sabihin yan, same parin ang magiging sagot ko sa kanya at eto yon:

"Stop, didiretsahan na kita ah, Blaze I don't need you and i don't like you so plss stop" napatulala sya sa sagot ko. "Blaze hindi ko maintindihan kung bakit ako ang kinukulit mo ngayon, sinabi ko na sayo na hindi ako intresado pagdating sa ligawan, bakit ba ang kulit mo? Ex ka ni Cheska Blaze, ilang araw palang kayong nagkahiwalay tapos eto ka ngayon sa harapan ko humihingi ng chance? Tumigil kana Blaze dahil wala kang mapapala sakin" mahinahon kong sabi, para maintindihan niya. Ang dami kong sinabi ah, nakita ko ang gulat sa mukha niya sa mga sinabi ko, yun naman ang totoo. Hinila ko ang braso ko sa kamay niya para makaalis na. Ang sakit na nga nang balakang ko pati pa itong kamay at braso ko. Nakakainis na talaga. Ano bang meron sa araw na 'to? Nakakainis e

Ang malas ng araw ko, aaaarrgh!!

♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡
see u next chapter mwaaa<3
thankyouu, have a nice day ❤❤

My Peculiar LoveWhere stories live. Discover now